Chapter 88

1.3K 94 7
                                    


Bahagya akong gumalaw. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Sunod kong iginalaw ay ang aking ulo. Ilang beses pa ako kumurap upang luminaw ang aking paningin. Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko nang sumagi sa isipan ko ang alaala kanina. Mukhang nawala na ang epekto ng pampatulog na nalanghap ko kanina. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatali ang aking mga kamay at paa! Inangat ko ang aking paningin saka iginala ko ito upang malaman ko kung nasaan ako. Medyo madilim na silid ang nakikita ko. Tanging nagbibigay liwanag lang dito ay ang galing sa lampara na nakapatong sa isang mesa. Hinahanap ko sina Ceola, Eglantine at Charisse. Natatakot ako na baka nagkahiwa-hiwalay kami at mahihirapan kami kung sakaling makahanap ako ng paraan para makatakas na kami. Pero saglit lang, nasaan na ba kami? Saan kami dinala at sino ang mga hinayupak na dumukot sa amin?!

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sila na nasa silid na ito ang mga kasama ko. Tulad ko ay nakatali din ang mga kamay at paa nila. Ang pinagkaiba lang namin ay may mga busal ang kanilang mga bibig.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Inactivate ko ang clairvoyance skills ko para malaman kung saan eksaktong dinala.

Bahagyang kumunot ang aking noo nang makakita ako ng isang dagat. It's kinda a beach. May nakita din kaming kubo, wait... Parang dito kami inilagay ng mga dumukot sa amin.

Ipinagtataka ko lang kung bakit dinukot nila kami? Anong ginawa namin upang kami ang pupunteryahin?

Mas lalo ko ipinagtataka ay may nakikita akong kuweba na hindi kalayuan mula sa kubo na ito. Nakita ko may dalawang tao na nakatayo sa magkabilang gilid ng bukana na 'yon. Kapwa silang nakasuot ng kulay tsokolate na balabal at may mga hawak silang mga sandata---mga espada. Hindi ko rin masyado maaninag ang mga mukha nila dahil pareho silang nakahood na mas kinaiinisan ko. Hindi ko tuloy makuha kung sino ang mga pangahas na humawak sa amin!

Rinig ko na may papalapit sa silid na ito. Doon na ako dumilat. Diretso ang tingin ko pinto. Inaabangan ko itong magbukas hanggang sa tumambad sa amin ang tatlong lalaki. Humakbang sila papasok sa kuwarto na ito. Puro mga lalaki ang nakikita ko. Sa mga hitsura nila ay hindi sila mg kawal o mga kabalyero ng Azmar. Hindi kaya, mga bandido sila? Teka, ano naman ang gagawin nila sa amin?!

"Oh, nagising na pala ang isa." nakangising sabi ng lalaki. Kulay lila ang buhok niya. Meron siyang suot na eye patch sa kaniyang kanang mata. Wala siyang dalang sandata, maliban lang sa dalawang kasama niya na may nakasublit na espada sa bewang.

Hindi ako nagsalita. Nanatiling nakatikom ang aking bibig pero isang matalim na tingin ang sinalubong ko sa kanila.

Biglang tumawa ang lalaki na nasa gitna--ang lalaki na kulay lila ang buhok. "Hindi ko alam na hindi pala nagsasalita ang isang 'to." aniya sa mga kasama niya na tumawa din.

"Hmmm..." rinig naming ungol.

Sabay kaming napatingin sa direksyon kung nasaan ang mga kasama ko. Kita ko na bahagyang gumalaw si Eglantine. Mukhang magigising na siya at hindi nga ako nagkamali. Marahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Nanlalaki na din ang mga mata niya nang mapagtanto niya din kung ano ang sitwasyon namin ngayon. Mabilis niyang iginala ang kaniyang paningin. Natigilan lang siya nang mahagip ako ng kaniyang tingin. Hindi niya magawang ibigkas ang pangalan ko dahil nakatakip ang kaniyang bibig pero 'yon din ang hudyat upang magising na din sina Ceola at Charisse. Dahil sa takot ay pilit nilang gumalaw at kumawala mula sa mga tali. Balak nila akong daluhan pero agad din sila nahuli ng tatlong lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang masaksihan ko na hinablot ang mga buhok nila. Nakatayo silang tatlo habang hawak pa rin ang kanilang mga buhok. Mas tumalim ang tingin ko sa kanila. "Huwag na huwag kang magkakamali na hawakan sila, lalaki." sambit ko sa pamamagitan ng malamig at mababang boses.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon