LXXVII

1.5K 135 69
                                    


ABELAINE TRINIDAD



"Hi" nakangiting bati niya sa'kin.

Napaayos naman ako ng pagkakatayo ko at alanganing ngumiti sa kanya. "Hello" napalunok akong muli. "Anong atin madam?"

Hindi siya sumagot sa'kin bagkus inangat niya lang ang dala-dalang paper bag. Kumunot tuloy ang noo ko.

"Malakas ang kutob ko na hindi makakapunta." she said. "Kaya ako na lang nagdala sayo nito."

I nodded slowly. Kaya naman pala nandito siya. Napatikhim tuloy ako. "Halika, pasok ka."

Nilakihan ko pa ang pagkakabukas ng gate para tuluyan siyang makapasok sa loob. Pero hindi pa kami nakakausad ng maalala ko ang pwesto ni Daddy do'n.

Mabilis tuloy ang pagkilos na ginawa ko para maharangan si Cherprang. Ano ba namang buhat 'to, oo!

"Teka lang." maagap na pagpigil ko sa kanya dahilan para magsalubong ang perpektong kilay niya. "Bigyan mo 'ko ng sampung minuto. May lilinisin lang ako."

She shooked her head. "Tutulungan na kita."

Akmang hahakbang pa sana siya ng mabilis ko siyang pinigilan. "Wag na." nakakahiya ee. Maabutan pa niyang wasted ang tatay ko. "Dito ka lang, hintayin mo 'ko dito. Sampung minuto lang Cherprang."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad akong kumaripas ng takbo sa loob. Napahinga pa ko ng malalim.

Ba't ba 'ko nagmamadali? Umay ah.

"Daddy" marahan ko pa siyang tinapik sa, balikat niya, pero tanging pag-ungot lang ang nakuha ko mula sa kanya.

Napanguso tuloy ako. "Hay buhay."

No choice ako kundi ang buhatin siya. Isinandal ko lang siya sa likod ko, habang habol ang hiningang inaalalayan ko siya papunta sa kwarto niya.

Anak ng punyemas talaga. Hindi ko akalain na magiging kargador ako ng wala sa oras.

Nahigit ko ang paghinga ko ng tuluyan kong maitapak ang paa dito mismo sa harap ng kwarto nila.

Ang bigat niya. Paano ba nakaya ni mommy ang kabigatan niya? Grabe.

Nakahinga lang ako maluwag ng tuluyan ko siyang naihiga sa kama niya. Habol hiningang napaupo ako sa lapag.

Napagod ako jusmiyo. Nanlambot din ako.

Nang masiguro kong maayos na ang lagay niya, agad akong bumalik sa baba para sunduin si Cherprang.

Pero iba ang nadatnan ko.

Gusto kong matawa. Parang takot na takot ang mukha ng bruha habang kaharap si Tofu, na inaangilan siya ngayon.

Napakamot na lang ako sa noo ko at agad na binuhat itong alaga ko para kalmahin.

"Kumalma ka Tofu. Bisita ko 'yan." marahan ko pang hinaplos-haplos ang likod niya.

"Grabe. Mag-aalaga ka na lang, bakit tigre pa?"

Napatawa naman ako. Hindi na 'ko nag-abalang sagutin siya, at inilagay ko lang itong cute kong alaga sa higaan niya.

"Dito ka muna. Behave, okay?"

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon