Chapter 14

77.2K 2.7K 2.3K
                                    

Evren

Valerie texted me that Dad and his wife were out today. Sinamantala ko 'yon para umuwi at kumuha ng ibang gamit, naabutan ko ang kapatid ko na mag-isa sa bahay.

She's sitting alone on the couch while hugging herself, I want to run towards her and hugged her but I choose to stand still and be calm.

"Val," I called her, mula sa pagkakayuko ay inangat niya ang ulo kaya nagsalubong ang mga mata namin.

"You're home!" agad tumayo ang kapatid ko mula sa sofa at nagtatakbo para salubungin ako.

"Ate!" niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm sorry-- sorry sa ginawa ni Mama, wala man lang akong nagawa para ipagtanggol ka."

I can see droplets of tears from her blue eyes, mukhang iniyakan niya ang pag-alis ko. I don't want to talk about what happened between me and her mother.

Nginitian ko na lang si Val at ginulo ang buhok niya. "It's not your fault, don't feel bad and don't blame yourself."

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at naglakad na ako patungo sa hagdan pero sumunod pa rin siya sa akin.

"I missed you! Where did you go? Papa and I were so worried, you didn't even bother to answer our calls and texts," she nagged while following me.

I sighed and faced her. "Val, can we stop talking about it? Please? It's exhausting."

Iyon lang ang sinabi ko bago umakyat sa sarili kong kuwarto. Naiwan siya roon na nakamasid lang sa akin.

Naligo at nagbihis ako bago nagtungo sa University. Wala na kaming pasok pero kailangan kong pumunta roon para kuhanin ang grades last semester.

Pagkatapos ko ay bumaba na ako sa sala pero wala na roon si Val, nang hanapin ko siya ay naabutan ko ang kapatid ko sa garden, may kausap siya sa cellphone kaya hindi na ako nagpaalam. 

Paglabas ko ng bahay ay naabutan ko agad si Donna at Margaux na nakasandal sa Fortuner ko habang hinihintay ako, napanguso ako nang makita ang outfit naming tatlo dahil para kaming Powerpuff girls.

I'm wearing a sky blue sleeveless top and denim jeans, Donna looks good in her baby pink short sleeves fitted dress and Margaux rocks the light green puffed sleeves fitted crop top and high waisted jeans.

"Kaya today, Vanny?" nakangisi na biro sa akin ni Margaux nang lumapit ako sa kanila.

"Akala ko nauna na kayo," saad ko at pinindot ang susi ng sasakyan.

Sumakay si Donna sa passenger seat at ngumuso. "Hindi kami aalis nang wala ka, we'll stick with you."

Napangiti ako sa sinabi ni Donna, tuluyan na akong pumasok sa loob, si Margaux ang naupo sa backseat.

"Sus, we just want free ride kaya ka namin hinintay," Margaux winked at me, natawa ako ng mahina dahil alam kong nagbibiro lang siya.

The truth is, they waited for me because they are worried, kung gusto nila ng free ride ay pwede silang magpahatid sa mga boyfriend nila and besides, they have their own cars.

Lagi kong nakikita noon si Margaux na pumapasok sa Campus with her red BMW and I saw Donna's white Range Rover on their garage yesterday.

I was about to start the car when Val suddenly stopped me, mabilis siyang tumakbo sa gilid ko at kinatok ang bintana ng sasakyan.

Binuksan ko 'yon upang marinig ang sasabihin niya.

"Ate, can I go with you?" napakunot ang noo ko dahil doon.

"Sa University kami pupunta, Val," I told her.

Valerie pouted. "I know, I just want to roam around your Campus."

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon