C68

930 115 4
                                    

Abby's Pov

Nakaupo lang ako ngayon habang pinapanuod yung iba kong mga kaibigan na nag iiscuba diving na , umayaw kasi ako dahil nakakaramdam ako ng sea sick..

Katabi ko si dana at kaming dalawa lang ang nandito , nakatingin lang siya sa may malayo at napakalalim ng kanyang iniisip.

"Dana? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya gayung nakakabahala ang kanyang mukha sa ngayon.

"Ate abby?! Sa tingin mo ba? Sino kaya yung may kakaibang kinikilos sa ating magbabarkada?" Biglaang tanong niya sa akin , hmp sa tingin ko madami naman akong napapansin na mga weird na galaw like sila cole , nile , laney, coleen , daryll at ashley.

Pati sarili kong kapatid ay weird din pero sa tingin ko may kakaiba kila laney at cole i guess? Dahil na din siguro sa nakikita ko sila na laging magkasama o di kaya kay nile din at laney ewan baka nag ooverthink lang ako or kung ano man sapagkat matagal din naman kaming hindi nagkasama.

"Hmp parang wala naman dana? Hmp bakit mo naman natanong ah?" Nasabi ko nalang sa kanya , anyone naman ay pwedeng maging suspects sa sinasabi din nilang pag set up kay jaydee.

Pero hindi naman pwedeng mambintang lang ako or kami dahil lang sa mga kinikilos nila.

"Si fritz nadamay dahil lang sa paghahanap namin sa taong nasa likod ng pagset up kay jaydee at ngayon ay hindi pa siya nagigising" malungkot na sabi niya na ikinagulat ko din.

"Damn bakit anong nangyari?! Baka nalaman niya na yung kasabwat nung babaeng kasama ni jaydee sa condo kaya ginawa yun sa kanya" sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya mukhang naluluha na kasi siya.

"Yeah nalaman niya na at ang huling nasabi niya sa akin nung nakasama ko siya ay nag iistart sa letter C yung kasabwat dun sa set up , I don't know naguguluhan na ako , pwedeng si cole , coleen o di kaya si nile kasi casitas naman siya" aniya niya pa hmp nag mi make sense naman yung sinabi niya pero napapaisip ako ngayon.

May chance na si coleen ang nagpautos nitong set up sapagkat may gusto siya dati kay frances pero may tiwala naman ako na hindi kayang gawin ni coleen iyon.

Confident ako na kilala ko ang kapatid ko , Hmmp kilala ko nga ba talaga siya?

"Sa tingin mo dana? Sa tatlo sino yung maaaring gumawa nun? Yung may malaking chance." Curious kong tanong sa kanya nais ko lamang na malaman kung sino ba sa tingin nila ang suspect.

"To be honest ate abby?! Yung kapatid mo ang highly na pinagsususpetsahan namin, I don't know kung alam to ni jaydee but may gusto si coleen kay frances ng pasikreto diba? What if siya ang nasa likod ng mga ito?" Aniya niya habang nakatingin sa may malayong muli,. Napakagat naman ako ng labi hindi ko siya masisisi kung pinagsususpetsahan niya si coleen.

"Uy ang seryoso niyo naman?! Guyz tara akyat na tayo sobrang lamig na talaga!" Nanginginig na sabi ni sheki at tsaka umakyat na upang maupo sa may upuan.

Kinuha niya na yung towel niya at inilagay iyon sa may balikat niya , si sheki din medyo may kakaibang ginagawa.

Napailing iling nalang ako at tsaka tumayo na at nagsimulang mag timpla ng kape para sa lahat paniguradong mag ki crave sila sa kape sapagkat sobrang lamig ng tubig ngayon sa dagat.

Nakaahon na ang lahat at inabutan na namin sila isa isa ng kape , masayang magka holding hands lang yung mga mag ko couple dito habang sila laney at cole naman ay magkatabi , nasa gilid din nila si nile.

"Abby?! Tumawag na sila mom and dad tara na daw at bumalik na tayo sa may resthouse at medyo gumagabi na" sabi naman ni brei na nakapatong ang mga paa sa legs ni lara , feel at home ka ombeng ah.

Lumapit na ako sa kapitan ng sinasakyan naming maliit na barko upang sabihan siya na bumalik na sa may resthouse.

Sumunod naman ito sa aking ipinag uutos , bumalik na ako at nakita ko naman na nag punta sila cole at laney sa isang kwarto.

Ano kayang namamagitan sa kanilang dalawa? Akmang susundan ko na sila at makikinig sana sa usapan nila ng biglang bumungad sa harap ko si sela na may dalang baso.

"Oh parang nakakita ka naman ng multo sa reaction mo love? Ayos ka lang ba? Masama pa din ba yung pakiramdam mo" tanong niya sa akin at tsaka hinawakan yung noo ko , hinawakan ko nalang ang kanyang kamay at hinalikan iyon.

"Okay na ako love , tara balik na tayo doon sa loob" sabi ko sa kanya pero hindi pa din talaga mawala sa isip ko ang pagtataka kung anong meron sa kanila ni cole at laney.

Nakarating na kami sa may resthouse at dala dala na ng iba yung mga gamit nila habang ako pinagmamasdan ko lang sila sa likuran.

"Kanina ko pa napapansin ate abby na natutulala ka? May problema ka ba? Nandito lang ako para makinig sa iyo" sabi naman ni jaydee na ikinagulat ko , di ko man lang napansin na nandito pa pala siya akala ko kasama niya na pumasok sa loob sila frances at yung iba pa.

"Ah wala dong medyo masakit lang siguro yung ulo ko don't worry about me" sabi ko sabay akbay sa kanya , naglalakad na kami papuntang loob.

"Uy guyz! Baka naman mag night swimming naman tayo this time? Ano sino ang sang ayon?" Suhestyon naman ni Laney , nag agree naman yung iba sa sinabi niya.

"Oo nga magandang ideya yan! Sa swimming pool naman tayo , ano mamayang gabi na ba agad? Doon sa may bandang dulo ng beach ay may malaking swimming pool doon" sabi naman ni jaydee , sabagay alam niya na kasi yung buong lugar dito sa boracay lagi naman kasi silang nandito noon kasama yung mommy niya.

"Oo pwede rin , bumili nalang muna kayo ng alak lara at dana at kami naman ang bibili ng mga lulutuin at iihawin para sa pulutan" sabi ko naman sa kanila tumango nalang sila , umalis na sila dana at lara upang bumili ng alak sumama din sa kanila sila daryll at amanda.

Kami naman nila jaydee ang bumili ng baboy na iihawin , sila jem at sheki oati si sela ang nag aayos ng mga gagamitin sa pagluluto.

Naglalakad lang kami ni jaydee papuntang market na malapit lang naman dito sa may resthouse nang may makasalubong kami na dalawang babae.

Napaiwas nalang ako nang mamukhaan ko yung isa niyang kasama., It was yzabel my ex girlfriend.

Iiwas na sana ako at hawak hawak ko ang kamay ni jaydee nang biglang magsalita yung isa nitong kasama

"Hi Jaydee?! Nice to meet you again saan ang punta niyo?" Tanong ng isang babaeng sobrang kinis at sobrang puti niya, napakaganda niya din at napaghahalataan ko na may lihim itong pagtingin kay jaydee.

Hula ko lang naman ah , tinignan ko naman si jaydee na wag na niyang entertainin yung babae.

"Dyan lang sa paligid sofia , anyway alis na kami" aniya niya at hinila ko na nga siya papalayo doon sa dalawang babae pero sa di inaasahang pagkakataon ay may humawak sa may kamay ko.

"Abby? Can we talk?" Wika niya sa akin na siyang dahilan upang mapakunot ako ng noohan.

"Wala tayong dapat pag usapan pa yzabelle"walang emosyong saad ko saka hinila na si jaydee need ko siyang ilayo doon sa isang babae dahil baka matukso pa siya sa kagandahan ng babaeng iyon.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now