BMDN Chapter 2

125K 3.2K 95
                                    

Umuwi na ako pagkakuha ng asawa ni Raquel kay Kizsa. Hindi ako nakaligtas sa mapanuring mata ng lalaking iyon, tinitigan nya ako na para akong isang krimenal na kukuhanin si Kizsa sa kanya.


Nasa kusina ako at inaayos ang mga pinamili ko. Kailangan ko nanamang maghanap ng panibagong trabaho. Buti nalang at nakapag bayad na ako ng renta sa bahay kung hindi isa pa iyon sa po-problemahin ko.

Nagtimpla ako juice para may meryenda ang mga kapatid ko pag dating nila galing school. Dalawa ang kapatid ko at parehas lalaki , ang sumunod sakin ay si Daniel 13 years old at ang isa ay si James 10 years old. May isa pa kaming kasama sa bahay, si Cc ang baklang nagmakaawa sakin na ampunin sya dahil naglayas sa kanila.

Ang alam ko ay may trabaho sya sa isang parlor ngayon sa bayan. Nag bibigay sya sakin ng pera pag kumikita sya sa parlor, pero hindi ko iyon kinilukuha at sinasabing itabi nya para may sarili syang pera.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Narinig ko agad ang dalawa kong kapatid na masayang nag uusap.

"James at Daniel!" Tawag ko sakanila.

"Oy meryenda!" Malakas na sabi ni James at mabilis na umupo at kumuha ng sandwich saka juice. Umupo din si Daniel at kumuha ng juice.

"Bagong sweldo ka te?" Tanong ni Daniel

"Oo, kumain pa kayo. Tirhan nyo nalang si Cc" sabi ko saka umupo sa tapat nila

"Ate, sabi ng Teacher ko kailangan nadaw mag bayad ng miscellaneous fee" sabi ni James at tumingin sakin na may pag aalangan.

"Ikaw din ba Daniel?" Tanong ko sa isa kong kapatid.

"Oo ate" sagot ni Daniel.

Napakagat ako ng labi, wala akong pera at sa katapusan pa ang sweldo ko sa ospital. Kailangan ko na talagang mag hanap ng trabaho.

"Ate pwede naman akong pumasok sa palengke bilang kargador para naman may pandagdag sa gastusin." Biglang sabi ni Daniel.

Umiling ako sa gusto nya. Ayokong mag trabaho sya sa batang edad nya. Ang gusto ko sakanya ay makapag aral sya.

"Daniel ang gusto ko ay mag aral kayo ni James hanggang kolehiyo para sa ganoon makapag hanap kayo ng magandang trabaho. Huwag nyo nang alalahanin ang gastusin. Ako na ang bahala doon , basta mag-aral kayo ng mabuti." Sabi ko sa kanila.

***

Maaga akong umalis ng bahay para makapag hanap ng trabaho. Kailangan kong mabayaran ang bayarin sa school ng mga kapatid ko.

Sa palengke ako dinala ng mga paa ko. 5 palang ng umaga pero ang dami ng tao sa palengke. Nag tanong tanong ako kung sino ang nanganga ilangan ng tindera. Pero nahirapan ako dahil ang gusto bila ay mag hapon ako. Hindi naman pwede sakin iyon dahil may trabaho ako sa ospital.

"O evanghelista! Evanghelista! Isa nalang, aalis na!"

Napatingin ako sa lalaking nag tatawag ng pasahero na sasakay sa jeep.

"Miss sakay? Isa nalang" tanong nya sakin. Umiling ako bilang sagot. Hinintay kong makaalis ang jeep na puno na ang sakay.

"Kuya ako nalang" sabi ko kay kuya. Tinitigan nya ako na parang inaalam kung seryoso ako. Ilang minuto pa bago sya tumango. Nagpasalamat ako bago sya umalis.

"O Evanghelista! Evanghelista!" Sigaw ko.

Napatingin sakin ang mga dumadaan na parang ngayon lang nakakita ng barker na babae.

"Sakay na po!" Sigaw ko.

"Ate sa Evanghelista" sabi ko sa Ate na huminto sa tapat ng jeep. Laking pasasalamar ko ng pumasok sya sa loob jeep.

Naka anim na jeep ako bago ako nagpaalam sa mga driver na nakaclose ko na at sinabing babalik ako bukas. May nag sabi pa na isa sakanila na inagawan ko sila ng trabaho. Naka 150 din ako kaya lang panigurado na mawawalan ako ng boses kakasigaw.

Pagkayari sa pilahan ng mga jeep sa palengke ay dumiretsyo na ako sa ospital. Para sa trabaho ko doon, ni hindi ko na magawang mag almusal at mag tanghalian dahil pagkatapos sa ospital ay nag hanap uli ako panibagong trabaho. Pero bago iyon ay dumaan muna ako sa school ni Kizsa, nakita ko na agad ang pamilyar na sasakyan na laging mag hahatid sundo sakanya. Nang makita ko syang palabas ay hindi ko alam na pinipigilan ko pala ang pag hinga ko. Kasama nya ang Daddy nya at nakahawak ang kamay nya dito. Mukhang masaya sya habang nag kukwento sa Daddy nya dahil panay din ang ngiti ng Daddy habang nag sasalita sya.

May mga panahon na naiisip ko na kuhanin sya, lalo na pag nakikita ko sya pag pumupunta ako sa school nya. Pero pag uuwi na ako ng bahay at makikita ko ang sitwasyon namin, ay doon ako sinisipa ng katotohanan na hindi ko sya kayang bigyan ng buhay na dinadanas nya ngayon. Sa bandang huli ay nag papasalamat ako na mukhang mahal naman sya ng asawa ni Raquel.

Pag kaalis ng kotse nila ay sinimulan ko na ang pag hahanap ng ng trabaho. Nakapag apply naman ako bilang isang waitress sa isang restaurant malapit sa isang napakalaking building. Sobrang pasasalamat ko nga sa may ari dahil tinanggap nya agad ako kahit na under graduate ako ng high school

Pinag umpisa na sya ako agad. Maraming tao ang kumakain sa Restaurant. Sabi nga ng kasamahan ko, dinadagsa talaga sila ng tao lalo na pag tanghali at gabi dahil. Dahil pag lunch break at uwian ay sakanila deretsyo ang mga empleyado ng malaking companya na hindi kalayuan dito.

Ten na ako nakauwi at sobrang pagod ako. Habang nag lalakad pauwi ay doon ko lang naalala na hindi pala ako kumain ng maghapon. Balak kong sa bahay nalang, pero pag uwi ko ay parang hinahatak na ako ng kama dahil sa sobrang pagod sa mag hapong trabaho.
Hindi ko na magawang tumayo dahil ang bibigat na ng talukap ng mga mata ko.

Hanggang sa panaginip ko nakikita ko parin ang mukha ng anak ko. Ang anak ko na ipinamigay ko.

Ito na nga yata ang karma ko. Ang hindi umasenso sa buhay. Dahil sa napakalaking kasalanan na ginawa ko.

Sana dumating ang panahon na makasama ko ang anak ko. Kahit sandali lang. At kung sakaling malalaman nya na ako ang ina nya ay mapatawad nya ako.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon