IASWAKS2C5

611 55 11
                                    

Gabb's Pov

Nakaalis na sila amanda at napabuntong hininga muna ako bago muling magsalita.

"Kailangan niyo ba talagang gawin yun huh?! Hindi ko sila pinakilala sa inyo para lang may pag diskitahan kayo at pag usapan , don't you think na hindi nakakaapekto sa kanya yung mga binitawan niyong salita?!" Inis na sabi ko sa kanila napayuko nalang sila sam at hailey dahil doon sa sinabi ko.

Akala ko ba fan sila lahat ni amy pero bakit parang inaano nila si amy? Eh ano naman kung mas pinili ni amy na mag stay dito kasi nandito si coleen? It's out of the boundary na pakialaman pa nila yun , it's her choice and no one can ever told her na mali ang desisyon niya kasi sa nakikita ko ay masaya siya.

"Eh totoo naman kasi Gabrielle eh?! Sobrang talented at sikat niya tapos mahuhulog lang siya sa isang bully? Tsk wala nga atang plano yun sa buhay niya? Baka nga bugbugin lang siya nun pag nainis yun at nawalan ng pasensya sa kanya" rebat naman ni Hiro ngayon na ikinainis ko , makapagsalita sila parang akala mo may ambag sila sa buhay ni amy.

"Tama ka Hiro, sa ngayon masasabi niya pang tama yung pinili niya pero kung tutuusin madami siyang isinakripisyo habang yung ka partner niya?! Ano bang ginawa nun para maging worth it na ipagpalit ni amanda yung career niya sa kanya?" Pag sang ayon naman ni Tan sa sinabi ni hiro, kung iisipin ko din sayang naman talaga yung mga dumarating na opportunity kay amy para matupad yung pangarap niya na makilala internationally like laney pero siya lang ang dapat na magdesisyon para sa sarili niya.

"Alam niyo kung wala kayong matinong sasabihin sa tao? Can you please shut up nalang? Kung worth it man ang sacrifices niya o hindi it's up to her na , hindi kayo or ninuman ang makakapagsabi na sayang yung talento na meron siya sa pagkanta at pagsasayaw sapagkat nandyan pa din naman yung talent niya sa kanya at hindi iyun nawala!" Galit na sabi ko saka iniwanan sila doon na speechless dahil sa sinabi ko , ayokong nakikitang nalulungkot si amy dahil sa mismong mga kaibigan ko.

Pinapunta ko siya dito para magsaya kami hindi yung para pagdiskitahan siya ng mga kaibigan ko na mga hambog at walang magawa sa buhay kundi ang mangialam ng ibang tao.

Umakyat na ako sa may taas at sinabihan ko na din yung waiter na magpadala ng pagkain sa may rooftop as well as ng wine.

Pagdating ko sa may rooftop ay nakita ko sila amy na masinsinang nag uusap , hindo na muna ako pumasok sa area na kinaroroonan nila.

"Wag mong intindihin yung sinabi nila amy, kung saan ka masaya ay ayun ang sundin mo pero sa tingin ko pag nalaman ni coleen na may opportunity na binibigay sayo galing sa isang napakalaking music industry ay mas pipiliin niya na i go mo iyun" mahabang sabi naman ni Laney kay amy habang tinatapik tapik yung likuran nito mukhang naluluha nga ito based sa boses niya.

"No I don't want din na malaman niya pa ito kilala mo si coleen pipilitin niya akong umalis kesa na mag stay which is ayoko kasi ayokong mawalay kami sa isa't isa" sabi niya pa ganun niya talaga kamahal si coleen ano? Sana naging si coleen nalang ako nang sa ganun ay mayroon akong amanda na labis na nagpapahalaga at nagmamahal sa akin.

Pangarap ko na dati pa amy na mahalin mo pero bigo ako, naging duwag ako na aminin sa iyo ang tunay na nararamdaman ko sapagkat natatakot ako na hindi mutual yung feelings at ayoko din na masira yung pagkakaibigan natin.

Pero if ako ang nasa posisyon ni coleen? Hindi ko hahayaang i give up ni amy yung pangarap niya nang dahil lang sa akin.

Matagal niya yung pinaghirapan at yung pagmamahal na yun ang unti unting sumisira sa mga pangarap na sinimulan niya.

"Sige susuportahan kita dyan amy, basta pag isipan mo ng mabuti ah? Pero if gusto mo talagang mag focus sa school it's fine din" sabi ni laney at tumango na lamang si amy sa kanya , bilib ako kay amy handang niyang ialay ang lahat para kay coleen pero napapaisip din ako ano nga ba ang sakripisyong ginawa ni coleen para maging deserved niya din tong ginagawa ni amy ah?

"Hmp ang tagal naman umakyat ni gabbo? Ang ganda ng tanawin dito ngayon no? Ang sarap sa pakiramdam kasabay pa ang kanta na sobrang nakakaganang sumayaw" masayang dagdag naman ni Laney saka sumayaw sayaw sa harap ni amy ngayon habang may hawak siyang wine.

"Cheeerss!! Mandeng! Let's enjoy the night lang dahil minsan lang tayo magsaya!" Aniya niyang muli at tsaka kinuha naman na ni amy yung baso niya sa may lamesa na may lamang wine din saka nilagok iyun lumabas naman na ako sa pagkakatago ko.

"Uy sama ako dyan!!!" Sabi ko sa kanilang dalawa at lumapit na kasunod ko namang dumating yung waiter na inutusan ko na magdala ng pagkain dito sa taas.

"Siya nga pala amy?! Im sorry sa mga nasabi ng mga kaibigan ko ah? Medyo nakainom na kasi yung mga yun kaya wala na sa tamang katinuan" pagpapaumanhin ko sa kanya ngumiti naman siya , argh yang mga ngiti ko ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay may itinatagong pagmamahal pa din ako sayo amy sana lang ay magpatuloy yang magaganda mong ngiti.

"Don't worry about it Gabb! Hmp cheers?! Party! party! party!" Sigaw niya pa saka nagsisi talon talon na silang dalawa ni laney na nakikisabay sa beat ng kanta ngayon dito.

Napasayaw na din ako habang umiinom ng wine , nakatingin lang ako ng diretso sa nag eenjoy na si amanda ,  yeah mag enjoy ka mandeng sapagkat hindi nababagay sayo ang sumimangot.

"Uy siya nga pala gabbo? Nasaan yung girlfriend mo ah? Bakit hindi mo kasama ngayon?" Tanong naman ni laney sa akin nahinto na kasi yung music at napaupo na din sila sa may upuan dahil sa pagod na din.

"Hay nako laney kung meron lang baka pina tarpaulin at pina billboard ko pa sa ka maynilaan hahaha" pagbibiro ko kay laney bahagyang nanlaki naman ang mata niya pero kinalaunan ay napatawa siya.

"Wooooahhh?! It's imposible? The Great Gabrielle Skribikin is single?! Nagpapatawa ka ba dyan Gabrielle? Sus hindi ako naniniwala sayo!" rebat niya pang muli sa akin,. Abay ayaa pa ngang maniwala? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.

"May hinihintay kasi akong tao laney kaya ganun mas pinili ko na munang maging single habang inaantay siya" sabi kong muli sa kanya tahimik lang naman na kumakain si amy at nakikinig sa amin pero yung mata niya ay nasa pagkain at iniinom niya , kaya habang sinasabi ko yun ay nakatingin lang ako ng diretso sa kanya.

"Ang swerte naman ng taong inaantay mo gabbo?! Hmp Skribikin na nag aantay sa kanya oh?! Sino naman pala yang babaeng yan?!" Ako ang swerte laney dahil nakilala ko siya kaso nga lang mukhang nakikita ko na masaya siya kay coleen kaya mag aantay na lang ako sa tamang panahon na baka mag iba ang way ng tadhana.

Umaasa ako na sa ngayon ay pinagtagpo man sila ng tadhana at nagkasama sila pero sana kami naman ang maging end game.

Cause i believe na in every love story the most important part is not the beginning , it's the ending ( credits: kay Mnl48Jem)

"Soon makikilala mo siya laney" yan nalang ang nasabi ko at tsaka nilagyan yung baso ko ng wine at yung sa kanya din ,.

Nagtuloy tuloy lang yung kasiyahan naming tatlo at inenjoy lang yung moments na magkakasama kami kay tagal din naming hindi nag ka bonding eh.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕 tamadfinity dapat yung username ko eh🥲 sabado ulit

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now