IASWAKS2C10

418 45 11
                                    

Coleen's Pov

Nasa library ako ngayon kasama si Amy , sila brei kasi at sheki ay absent ngayon sabay silang nagkasakit sapagkat nag tampisaw ba naman sila sa ulan nung isang araw buti nalang at hindi ako sumabay sa pagligo sa ulan ganung mabilis pa naman ako kapitan ng sakit.

Focus na focus lang sa pagbabasa si amy ngayon ng kanyang notes to remember para sa paparating na final exams at ako naman ay nagbabasa lang ng manga na libro.

Nakarinig naman ako ng unting tawanan dito at napag alaman kong boses ni frances iyun.

Napalingon ako sa direksyon ng naririnig kong boses at napatingin sa desk kung saan naroon ang nagbabantay ng librarian na nakaheadset kaya pala hindi niya marinig na may tumatawa dito sa library.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa binabasa ko ngunit hindi ako makapag pokus muli nang makita ko si frances na lumabas galing sa bookshelves may kasama siyang lalaki na never ko naman nakilala or nakita.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa na masayang magkatabi ngayon sa may upuan , napatingin sa akin si Frances pero kaagad na akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Love?! Okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali? May bumabagabag ba sa iyong isipan? Kung oo you can freely tell me naman" sabi ni amanda , napailing naman ako at hinalikan siya sa may bandang noo.

"Ah wala don't worry about me , btw may gagawin ka pa ba mamaya? Gusto ko sanang yayain ka na kumain sa labas mamaya? Matagal tagal na din nung huli nating date mahal eh!" Sabi ko sa kanya pero deep inside si frances ang inaalala ko ngayon, paano kung may gawin na masama yung lalaking nakapaligid sa kanya ngayon? Wala sila brei at sheki para protektahan siya.

"Wala naman na mahal? Sige date tayo mamaya ah? Hmp btw napapansin ko na hindi kayo nagkakausap ni frances? May nangyari ba sa pagitan niyo at hindi na kayo nagkakausap?!" Tanong niya naman sa akin , napangiti naman ako at napailing sa sinabi niya.

"Busy lang siguro sa other stuffs love?! Don't worry about it! Okay naman kaming dalawa" mabilis na sagot ko kay amy napatango nalang siya sa akin at tsaka hinawakan ang aking kamay.

"Okay but if may hindi man kayo pagkakaintindihan ay sana maayos niyo yan? 3 years na din kayong magkaibigan at sana hindi masira yun dahil lang sa problema na dumating or pinag awayan niyo" sabi niya pang muli sa akin , napangiti nalang ako ng mapait.

Mas gugustuhin ko pa atang masira yung pagkakaibigan na meron kami ni frances dahil lang sa isang pagkakamali na aking nagawa kesa yung relasyon naman namin ni amy ang masira.

I'm selfish! Yeah i admit it kasalanan ko pero hindi ko nama kayang i let go si amy , ilalaban ko siya.

Napagkasunduan naman na namin ni frances na wala siyang pagsasabihan ng naganap sa amin nung araw na yun , magkalimutan nalang ganun.

A few minutes later ay natapos na ang klase namin at tsaka magkasabay kami ngayon ni amy na papunta sa may parking lot.

Pinagbuksan ko na siya ng pintuan at tsaka pumasok na din ako sa may driver seat , masaya lang ang naging takbo ng byahe namin sapagkat kinakantahan niya ako ng theme song naming dalawa na Crazier.

You lift my feet on the ground
Spin me around
You make me crazier , crazier

Kasabay ng kanta niya ay ang nakakahumaling na boses na nagmumula sa napakagandang dalaga.

Isang dalaga na unang nagpatibok ng naninigas kong puso , I know na hindi ko matatago ang lahat but i wanted you to know amy na mahal na mahal kita.

Nagkasala ako mahal at hindi ko deserved itong loyalty , sincerity at pagmamahal na ibinibigay mo sa akin.

But I'll do my best! Para pasayahin ka at bumawi sa pagkakamali kong iyun.

Nakarating na kami sa may restaurant at inalalayan ko si amy pababa ng sasakyan , nakangiti lang siya ngayon habang naglalakad kami paloob.

Nakaupo na kami sa may upuan at hinihintay nalang ang magiging order namin , nagkukuwentuhan lang kaming dalawa ngayon ni amy sa mga nangyari sa past ganun.

"Napakaganda mo mahal ko!" Sabi ko sa kanya at nakatingin lang ng diretso sa kanya , namula naman siya dahil sa biglaang pagpuri ko sa kanya.

"Ano ba yan love?! Maliit na bagay hahaha swapay! Ikaw din wilson ko? Ampogi mo kahit naka school uniform" sabi niya sa akin saka pinisil yung pisnge ko , kinuha ko naman yung mga kamay niya at tinitigan ang singsing na nasa may gitna ng daliri niya.

Ito yung singsing na binigay ko sa kanya nung nagpropose ako , dahan dahan ko naman iyun kinuha sa kanyang daliri na ikinagulat niya.

"Anong ginagawa mo love? Bakit mo tinatanggal yung singsing?! Hindi mo na ba ako mahal? May iba na ba? Seksi ba siya? Matangkad? Magaling ba siyang humalik?" Biglaang sabi niya sa akin mahina lang naman yung pagkakasabi niya kaya napatawa ako ng mahina din.

"Loko ikaw lang ang mamahalin ko for the rest of my life amy! Hmp it's time na din siguro to move forward ano? Gusto kong tanggalin itong singsing sapagkat---" napatigil ako sa pagsasalita at saka may kinuha akong singsing sa may bandang bulsa ko.

"Kasi papalitan ko ng bago , Miss Amanda Isidto? Will you marry me? At samahan ako sa panibagong yugto ng ating buhay pag ka graduate natin ng college?!" Sabi ko sa kanya at nanlaki naman ang kanyang mga mata , nagpropose ako sa kanya last 3 years ago pa sa mismong birthday niya kaya nais ko lang ibalik yung nakaraan kung saan masaya lang kami.

Masaya siya sa piling ko ganun ,madami kaming pinagdaanan na dalawa kaya im looking forward na makasama siya talaga at makita ang pangalan niya na may trinidad.

"Yes love! Pumapayag ako na maging isang ganap na Trinidad! Argh I love you mahal ko!" Naiiyak na sabi niya sa sa akin , tumayo naman siya at lumapit sa akin upang yakapin ako ng mahigpit.

"I love you too amanda!" Bulong ko sa may bandang tenga niya , rinig ko naman yung mahina niyang pag iyak.

"Wag ka nang umiyak okay? Baka isipin nila na sinaktan kita eh? At tsaka hindi nababagay sa isang magandang dilag na kagaya mo ang umiyak" sabi ko sa kanya saka kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin , hinila ko naman siya upang halikan sa may bandang noohan niya tsaka syempre sa may labi na din.

Napangiti lang siya sa akin at saka dahan dahan ko nang isinuot yung singsing sa kanya , dapat kanina ko pa iyun nagawa kaso lang nauna niya akong yakapin kesa isuot yung panibagong singsing sa kanya.







A/N: Crazier haha , Krazy MPMMN😆

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now