Kabanata 27

4.8K 340 28
                                    

Masaya at punong puno ng kulay ang pagsasama namin ni Frosto. Parang ang buhay ko ay sa kanya nalang umiikot.

Naging maayos ang karamdaman nila lolo at lola. Hiyang hiya na ako kay Frosto lalo na sa lahat ng kanyang tulong sakin.

"Lola, prom na namin mamaya! Tingnan mo binigay sakin ni Frosto la oh!" pinakita ko kay lola ang bigay ni Frosto na gown ko. Kulay dark gray iyon. Mabuti narin at hindi labas ang aking dibdib doon dahil straight neckline siya. Pero...ang ganda ganda.

"Hay! Naku! Naku! Ang mahal siguro neto!" Hinawakan ni lola ang gown at sinulat sakin. Maluha luha ang mata niya kaya napawi ang ngiti ko.

"Lola! Bakit? May masakit ba sayo?"

Umiling siya. "Wala naman apo. Masaya lang talaga ako. Naalala ko na naman ang iyong ina. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang mga nangyari sa kanya. W-Wala paring hustisya Sol."

Niyakap ko si lola ng kumudlit ang dibdib ko para sa aking ina na hindi ko man lang nasilayan. Walang masyadong kwento si lolo at lola tungkol sa kanya pwera sa magkamukha kami at namatay siya dahil ginahasa. Sabi rin ni lola banyaga raw ang aking ama. Nabuntis raw ng ama ko si mama pero hindi pinanagutan.

Naghiwalay ako sa pagkakayakap kay lola.

"Sol... patawarin mo kami ng iyong lolo."

Nangunot ang aking noo.

"La, tama na ang iyak huh? Aalis pako mamaya para sa prom namin dapat masaya ka para sakin! Kasi si mama masaya na yun sa langit at atin siyang gabay sa buhay!"

Hindi parin natitinag ang lungkot at pighati sa mga mata ni lola. May kung anong salitang napakatagal na hindi naisalita.

Alas sais ay handa na ako para sa prom namin. Naligo lang ako at nagpatuyo ng buhok sa likod ng bahay namin gamit ang hangin. Grabe ‘yung alok sakin ni Frosto na mag aasign siya ng mag aasikaso sakin para sa prom pero sa tingin ko'y sobra sobra na pag tatanggapin ko pa iyon.



Magaling gumawa si lola sa aking buhok. Ginawa niya iyong mermaid braids at may iilang naiwang buhok.

"Sol! Bumagay ang kulay sa balat mo! At ito.... " kinabit ni lola ang kwintas na kasama ng gown sa aking leeg. Kuminang iyon habang hawak ko ang maliit na salamin.

"W-Wow!" parang hindi ako makapaniwala sa aking mukha ngayon!

Si lola ay naging emosyonal na naman at si lolo. Nakita ko pa na sa kabila ng kasiyahan namin ni lola ay natulala si lolo. Kumikirot ang puso ko.


Ang halos na kabaryo naming Mangyan ay nakaabang sa akin ng lumabas ako. Doon ko nakita na kakarating lang rin ni Frosto ng lumabas ako. Nakita ko siya dahil sa ilaw na kanilang libre nilang inilagay sa aming baryo.



Umawang ang labi ni Frosto ng makita ako. Natutulala siya sa akin habang papalapit ako. Kung ano ka bongga ang suot ko ay ganon naman ka simple ang kanyang kasuotan ngunit napakalakas ng kanyang appeal.


Napapatulala rin ako sa kanya. Sa kanyang kakisigan at kaguwapuhan. Hindi lang iyon dahil may paninindigan din  siya.




Ngumiti ako ng lapitan niya ako. Tumili rin ang mga kaibigan ni lola na may hawak na kanya kanyang anak nila. Nilapitan ako ni Ating...


"Ate... ang ganda ganda mo na po! Sana pag laki ko ganyan rin ako kaganda!"


Hinawakan ko ang buhok niya at ginulo. "Oo, naman! Maganda ka kaya Ating! Papaliguan kita araw araw para maging maganda ka." biro ko.


"Ate naman e!"


Nagtawanan sila lola. Nagpaalam na kami ni Frosto sa kanilang lahat. Sa dilim ako'y tila kumikinang na isang diwata na may kasamang prinsipe.


Binuksan ni Frosto ang kotse niya at nakangiting hinaplos ang aking pisngi. Pilyo ang ngiting nasa kanyang labi.


"Do you have a partner?" tanong niya.


Umiling ako. "Wala e. Hindi makakarating kasi nagkasakit raw. Kaya...."

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Ako nalang ang partner mo mamaya." siya na ang dumugtong. Tumawa ako at umiling.


"Pwede ba iyon?"



"Why not? You are with me tonight. Hindi ka naman hihiwalay sakin mamaya."


Halos lahat ng nasa eskwelahan namin ay alam na ako ay may kasintahan. Ang iba ay nakita na si Frosto.



Marami akong natanggap na mga negatibong salita mula sa mga studyante pero binalewala ko nalang.

"Frosto..." tawag pansin ko sa kanya habang nagdadrive siya.

"Hm?"


"Alam mo ba? Sabi ng ilang studyante sa school na ginayuma daw kita kaya nagkagusto ka sakin."


Nangunot ang noo niya.

"The students there still don't treat you well?"


"Maayos naman ang iba na sakin. Siguro dahil narin malalaki na kami na."



Walang kasing ganda ang gabing iyon. Hating gabi na rin kami umuwi ni Frosto.

~~~
Wala kaming pasok kinaumagahan pero dahil sanay akong magising ng umaga ay marami akong natapos na gawain.

Nilabhan ko ang suot ko kagabi. Kumuha rin ako ng mga gulay sa likod ng bahay at niluto iyon para sa aming kakainin. Si lolo at lola ay madalas lumabas ng maaga kaya sigurado akong pagdating ng mga iyon ay kakain na sila.



"Sol! Sol!" sigaw ng kapit bahay namin. Lumabas ako agad ng marinig iyon.

"B-Bakit ho?"


"Ang lolo mo! Inatake sa puso! Ang rinig ko ay nagkasagutan sila ni Don Septimo!" sabi ni Aling Tonya, kaibigan ni lola. Siniko naman siya ng kasama niyang matanda rin.

Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. Wala akong nasabi. Namalayan ko nalang ang sarili ko na tumakbo sa palayan kung nasaan ang daan patungo sa mansyon ng Septimo pero nakasalubong ko si lola. Kasama niya ang mga bumubuhat kay lolo.

Tagaktak ang pawis ko. Sobra ang init ngunit ng makita ako ang katawan ni lolo na walang buhay ay tila ba'y nanlamig ako.



"L-Lolo!"

Marami ang umaakay kay lolo patungo sa isang trysikel. Nakita kong umiiyak si lola at may poot sa kanyang mga mata.


"Lola! Si lolo! Anong nangyari?"


Niyakap ako ni lola ng mahigpit.

"May dapat kang malaman Sol. M-May mga dapat kang malaman. Sobra sobra na ang mga Septimo! Diyos ko.... ang asawa ko."


Nanlamig ako. Hindi ko alam kung ano ang mga dapat kong maramdaman? Takot, gimbal, hindi makapaniwala at tila isang panaginip sakin ang lahat na ito.


Nagkagulo ang mga kapwa ko mangyan. Nagpapakita ng poot sa mga Septimo at hindi pag sang ayon sa nangyari ang nakita ko sa kanilang mga mata.

Ano ba ang mga hindi ko alam?

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon