MVEN-36

52 23 3
                                    

Nagtitingin ako ngayon ng mga results dahil may mga pasyenteng babalik ngayon ng biglang tumawag si Kevin.

"Yes attorney?" Bungad ko.

[Reunion.] Maikling sagot niya.

"Huh? Two weeks ago lang tayo nagreunion, magre-reunion na naman?" Tanong ko.

[Sige na pres. pleaseeee] pagmamakaawa niya.

"Kailan?" Tanong ko.

[Mamayang gabi, I'll send tge location later] sagot niya.

"Mamayang gabi na?! Tapos ngayon mo lang sinabi! Pambiharang abogado 'to. Sige sige na...titignan ko mamaya," saad ko.

[Sige pres...susunduin ka nalang daw ni Lexess] saad niya.

"Sige." Maikling sagot ko bago pinatay ang tawag.

Wala na talaga akong nagawa kundi ang sumang-ayon nalang kay Kevin dahil nga kakabalik ko lang dito at ilang taon ang nakalipas noong umalis ako.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang pasyenteng hinihintay ko kaya sinabi ko na sa kaniya ang result ng mga tests niya.

"All you need to do is to take all of these medication. Kinakailangan mo 'to para hindi na masyadong sumakit ang dibdib mo at tulungan ang nerves mo para dumaloy ang dugo ng maayos," saad ko habanh nagsusulat ng reseta.

"Okay po doc, wala pong problema" saad niya.

"After 1 month bumalik ka ulit dito for another test para malamam natin if there's any progress, at kung kumusta ang impact nito sa katawan mo, okay?" Saad ko.

"Yes po doc," saad niya.

Matapos niyang kuhanin ang reseta ko ay umalis narin siya. Napatingin ako sa relo ko ng makaramdam ako ng gutom at hindi na ako nagulat ng makitang lunch break na pala. Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko at nang akmang tatayo na ako para lumabas ay biglang may sumulpot.

"Lunch, doc?" Nakangiting tanong ni
Doc Garcia.

Tumango nalang ako sa kaniya at nakita ko kung paano siya napangiti. Nauna akong lumabas ng opisina ko at sumunod lang siya sa likuran ko na parang buntot.

"How are you?" Tanong ko sa kaniya ng maalala ang nangyari sa kaniya kahapon.

Kakapasok lang namin ngayon sa elevator pababa ng ground floor. Kaming dalawa lang ang nasa loob kaya walang makakarinig ng pag-uusapan namin.

"Trying to be okay." Sagot niya.

"Hihilom din ang sakit na 'yan" saad ko.

"Alam ko, andiyan ka eh"

Napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang kaniyang sinabi.

Anong relate ko sa nararamdaman niya?

"Anong connection ko sa healing process mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Malaki," maikling saad niya.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

Palihim siyang ngumiti bago ibinalik ang titig niya sa'kin.

"It never change. You're still my comfort, my only medication in every pain that I feel"

Hindi na ako nakasagot pa sa kaniya ng biglang bumukas na ang elevator.

Ano na naman ba 'to?

Ayoko na nga nito!

Nagpunta kami sa may canteen at naglalakad lang siya sa tabi ko. Our distance is just inches away.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon