Ika-walong kabanata

12 6 1
                                    

Habang kumakain kami nila denise di ko mapigilang mapangiti, sino bang hindi ngingiti kung makikita mo ang mag inang nagkukulitan.

"Papa, Ang gwapo mo po pala pag nakangiti" nawala ako sa pagiging tulala, Ang sarap pakinggan ng batang tinatawag kang 'Papa'

"Oo nga mahal! Ang gwapo gwapo mo!" Ngiti-ngiting saad ni denise.

"Talaga? Gwapo pala ako sa paningin ng mahal ko" Natigilan si denise kasabay ng pag tigil ko. Nakakahiya! Zame! What the hell did you just said? You ruined the moment!

"Yes mahal, You're too handsome to be mine" hinalikan niya'ko sa pisnge at kumagat ng burger na tila ba nahihiya sa ginawa niyang pag halik sakin.

"Denise Valerie." malamig na boses ang aking narinig sa aking likuran.
"Zame Cristol Lavenia." Saad niya sa pangalan ko kaya naman ako'y napatingin.

"Yes po tita deins? Naka uwi ka na po pala" magalang kong saad at mag mamano na sana ngunit winaksi nya ang kamay ko.

"Ibalik mo ang dalawa kong anak!" Nag taka ako sa sinabi niya, Dalawa niyang anak?

"Tita, anak na po namin si jenise, Tska po bakit po ang init ng ulo mo? Upo ka po muna" Pag alok ko sakaniya at tumayo sa aking kinakaupuan para siya'y maka upo.

"Anak mo? Anak ko si jenise! Hinding hindi mo makukuha ang anak ko!" Sigaw ni tita deins at sinampal ako ng malakas kaya naman nilabas ko ang xerox copy ng Birth certificate ni jenise bilang isang Jenise Valerie Lavenia.

"H-Hindi! Isa syang Valerie! Hindi Lavenia tandaan mo 'to cristol! Hinding hindi mo na mahahawakan mga anak ko! Hinding hindi ko hahayaan!" Malakas niyang sigaw at hinila si jenise na nagpa iyak kay jenise at kay denise.

Hinila ko si jenise. Ipaglalaban ko ang pagiging ama niya, Hindi man niya'ko amang totoo pero dapat ko siyang ipag laban tulad ng pinangako ko.

"Tita deins, Hindi ko alam ang sinasabi mo pero ipag lalaban ko po ang pagiging ama ko sakanya, Alam kong Hindi niya'ko tunay na ama ngunit may pinangako akong hinding hindi ko gustong sirain, at hindi ko rin po hahayaan ang pag tanggal mo kay denise sa buhay ko, Asawa ko po so denise at nangako akong mamahalin siya at ipaglalaban siya sa abot ng aking makakaya" Saad ko at Hinila si jenise at niyakap nung nabitawan na siya ni miss deins.

"Sinabi mo na diba?! Hindi ka niya tunay na ama! Kaya wala kang pakeelam kung anong gawin ko sa anak ko!" Pilit niyang hinihila si jenise pero parehas kami ni jenise na lumalaban, Si jenise at sobra ang kapit sakin si denise naman ay naka hawak sa braso ko.

"Ahm.. Excuse me ma'am" may lumapit samin kaya naman tumigil si tita dein at inayos ang sarili.

"Yes?" malamig niyang saad.

"I'm the manager here and I'm studying Law." pag sisimula ng binata.
"This guy have the rights to fight for his non-bioligical daughter, You can't just pull your daughter away from him because He adopted your child it means he have the right to accuse you for not being responsible at that time and then you'll show up saying he can't touch his own daughter." saad niya pa at tumawag ng pulis. Sa mismong harapan ni tita deins.
"Nanggugulo ka ng masayang pamilya, Oo ikaw ang ina pero wala na sayo ang karapatan dahil kasal na ang anak mo" Saad niya pa at umalis na.

Siguro natakot si tita deins kaya naman siya ay kaagad na umalis.

Yumakap ako sa dalawang prinsesa ko, natatakot ako na baka makuha ni tita deins sila at ilayo sila sakin kung kailan minamahal ko na sila.

"Mahal?" Tinignan ko si denise na tila ba naiiyak na.

"Bakit?" Yinakap ko siya ng napaka higpit na nag pa iyak sakanya.

"Mahal.." Ulit niya pa at siniksik ang kanyang sarili sa aking leeg, kinakabahan ako sa di mawaring dahilan. Saglit palang ang aking kasiyahan ngunit bakit ganito nalang ka-lupit si tadhana? Saglit palang ang sayang dinulot niya pero eto siya at binibigyan kami ng problema.

"Hindi ko hahayaang isang araw ay hindi kita mahahawakan o makakausap. Hindi ko hahayaang mawala ka sakin at gawin ni tita deins ang mga sinabi niya kanina. Hinding hindi ko hahayaan. Tandaan mo yan" Saad ko at pinat ang ulo niya na nag patigil sa mga luha niyang panay ang tulo at mga hikbi nalang ang aking naririnig.

"Salamat, sana di mo sirain ang pangakong yan" saad niya pa na tila ba may ibang kahulugan.

"Jenise?" Tumingin ako kay jenise na kanina pa tahimik at naka yakap lang sa tuhuran ko.

"Papa natatakot ako.. Siya yung nag pumilit na mama ko kahit hindi! Siya yung.. Siya yung sumaksak kay papa kaya siya naging mahina!" Naiiyak niyang saad na nagpa tahimik sakin. Gagawin ni tita deins yun? Hindi naman ata..
"Papa.. Siya yung taong yun! Kilala ko ang itsura ng totoo ko pong mama at hindi siya yun!" Saad niya pa na nag pa tigil sakin ng tuluyan.

"Hindi naman gagawin yun ni mama, Hindi nya yun gagawin.." bulong ni denise na hindi ko narinig ng maayos.

"Ha?" saad ko at Inangat siya
"Anong sabi mo mahal?" saad ko pa, Nagtataka ako, ano ba ang binulong niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

bullet of my loveWhere stories live. Discover now