Chapter 44

153K 9.8K 6.3K
                                    

TWO DAYS AND ONE NIGHT NA AKONG NAKA-CONFINE.


Ang pananakit ng aking tagiliran ay tumindi. Nagsusuka ako sa daan pauwi sa amin. Nang makarating ako sa bahay ay doon na ako hinimatay. Malala na pala ang uniinda kong UTI.


Meron akong UTI na ang sabi ng doktor ay nakuha ko sa madalas na pag inom ng antibiotics at madalas na pagamit ng intimate wipes. Dahil bagsak ang white blood cells ko at mahina ang antibodies sa aking katawan ay walang panlaban ang resistensiya ko sa infection. Ang katamaran ko sa pag-inom ng tubig at kahiligan sa sugary drinks at kape ay nakadagdag sa tuluyang pagkairita ng aking bladder.


Nanghihina ako habang nakahiga sa ibabaw ng hospital bed. Nasa isang private room ako ng isang private hospital dito sa Cavite. May dextrose na nakakabit sa akin. Wala akong bantay at kasama kaya ako lang mag-isa.


Hindi ako masamahan ni Mommy dahil kailangan niyang alagaan si Baby Levi. Si Ninong Luis naman ay may mga negosyong kailangang asikasuhin.


Bumukas ang pinto at pumasok si Mommy. "How are you feeling, darling?" Puno ng pag-aalala ang boses niya.


"Okay lang po, My..." nanghihinang sagot ko. Pinilit kong bumangon para makaupo sa hospital bed.


Inalalayan niya naman ako na makaayos sa pagkakaupo. Itinaas niya ang kalahati ng hospital bed para aking masandalan.


"Sorry ngayon lang ako nakabalik. Sa sobrang pagkataranta ko kasi ay naiwala ko ang phone ko. Kinailangan ko pang maghanap ng payphone para matawagan ang ninong mo. Late niya na nalaman ang nangyari sa 'yo kaya kanina lang niya nakuha si Baby Levi. Nasa Manila sila ngayon."


Nang aking makaharap si Mommy ay napansin ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Maging ang dulo ng matangos niyang ilong ay bahagyang namumula. Malungkot ang ekspresyon niya.


"Darling... May kasama ako na gustong kumausap sana sa 'yo..."


"Sino?" Kumabog ang dibdib ko. Umasa na kahit alam ko na malabo.


Hinawakan ni Mommy ang aking balikat at magaang pinisil. "Please, be brave, my baby..."


Bumukas ang pinto ng private hospital room na aking kinaroroonan. Mula roon ay isang babaeng nasa early twenties ang pumasok. Nakasuot ng kulay itim na bestida at malungkot ang aura.


"It's okay, darling." Bahagyang lumayo sa akin si Mommy. Ang mga mata niya ay tila nagsasabing magpakatatag ako.


Nagsimulang lumapit sa akin ang dumating na babae. Pinag-aralan ko ang kanyang kabuuhan. May kapayatan, morena, makinis, at maamo ang maliit na mukha. Kahit sa simpleng pananamit ay masasabing may kaya sa buhay. Mukha rin siyang matalino at matino.


Unti-unti ay naging pamilyar sa akin ang kanyang itsura. Ilang beses ko na pala siyang nakita sa social media, pero kahit kailan ay hindi ako nagtangka na mag-reach out sa kanya.


Mapanglaw ang mga mata niya nang huminto siya sa aking harapan. "How are you, bunso?"


South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon