Chapter 10

428K 19.3K 21.9K
                                    


I lowered my gaze. My heart was pounding because of how he looked at me. “Wala namang interesting sa buhay ko, Kobe.”

“I am interested,” aniya. ”I don't know anything about you other than your full name, age, address, and birthday.”

I played with my fingers. “BS Mathematics ang program ko. Alam mo ‘yon, ‘di ba?”

“Yeah... I just know the basics.” Naramdaman ko ang pagtanggal ng kamay niya sa likuran ko kaya napatingin ako sa kanya. He smirked triumphantly when our gazes met.

“You like pink and hair clips.” Tumingin siya sa clip sa buhok ko. “You're not picky at all, and you're always courteous.”

Nag-init ang pisngi ko. “Magalang ang ibig sabihin no’n, ‘di ba?”

Tumango siya. “And now, I found out that you grew up in an orphanage.” Itinukod niya ang siko sa backrest. He placed his chin on his knuckles and continued to stare at me. “Can I ask a few things about you?”

I nodded my head, getting lost in his eyes.

“How was your life there?”

Ayos lang—that was my most rehearsed answer whenever someone asked me that question. Para hindi na humaba ang usapan. Para hindi na sila magtanong kung bakit hindi talaga maayos.

But right now, seeing how eager he is to get to know me, I found myself shaking my head.

“Hindi okay,” mahinang sabi ko. “Bago pumasok, nagtitinda kami ng sampaguita para may baon kami at pang-ambag sa maintenance ng shelter. Pagkauwi naman, pinagtatahi kami ng mga butas sa sako para may pagkain kami sa umaga.” I gave him a smile. “Ibinebenta kasi ‘yong mga sakong ‘yon.”

He remained silent. Walang awa o ano sa mga mata niya. Nakikinig lang talaga siya sa akin.

“Tapos...” Nag-isip pa ako. “‘Yong mga kaklase ko, hilig akong asarin na putok ako sa buho. Ang ibig sabihin no’n, wala akong mga magulang.” I chuckled. “No’ng bata ako, lagi kong iniiyakan ‘yon, pero ngayon, wala naman, normal na lang.”

Humilig ako sa backrest at ngumiti sa dami ng alaalang naipon ko sa Bahay Tuluyan.

“Ang swerte no’ng iba kasi kung hindi sila nakakahanap ng bagong pamilya, binabalikan naman sila ng mga magulang nila. Dinadalhan sila ng pagkain, bagong damit, at saka...” I paused and chuckled again. “Hair clip.”

“That’s when you grow to love hair clips?” he asked gently.

“Yup!” I beamed. “Kahit ‘yong mga babae sa klase namin, meron no’n. Kaya no’ng bata ako, ipinangako ko sarili ko na bibili ako ng ganoon kapag kaya ko na.” Itinuro ko ang hair clip ko. “Tadan! Ayan na siya!”

Mabilis ang naging pag-iiwas niya ng tingin, hindi ko alam kung bakit.

“Two hundred pesos pa ang bili ko rito!” pagyayabang ko kahit alam kong barya lang iyon sa kanya. “Buti nga at matibay. Ilang taon na rin sakin ‘to.”

His gaze went to my hair clip. Iginilid ko ang ulo para matingnan niya nang mabuti iyon.

“It’s pretty,” he commented before looking at me.

“Like me?” I smiled sweetly.

I was taken aback when he tucked some of my hair behind my ear. His delicate thumb brushed against my left cheek and jaw.

“Yeah,” he whispered.

Hindi ako nakagalaw. Dinig na dinig ko ang pagwawala ng dibdib ko pero hindi ko magawang alisin ang kamay niya sa akin. I want to feel the moment. I want his full attention on me. Walang ibang iniisip at walang mapanghusgang mga mata.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon