thirty

117 12 0
                                    


it's almost a month at parang nalulugmok na ng tuluyan si luna . mula noong huli niyang pagpunta kina riki ay hindi na siya bumalik pa . alam naman kasi niyang wala doon ang binata kasi natatanong niya ito sa mga kasambahay kapag tumatawag siya sa telepono para kung sakaling may update . para siyang asawang naghihintay sa mister niyang bumalik galing sa giyera . yung hindi mo alam kung kelan babalik at kung babalik pa ba .

sa loob ng panahong wala si riki , doon niya unti unting nare realize na gusto pala talaga niya ito . na kulang ang araw kapag hindi niya ito nakikita .. namimiss niya ito lagi . at nalulungkot siya kapag naiisip niyang hindi na ito babalik . nagselos din siya sa nakita niyang story noon sa account ni riki .

alam naman niyang may mga kaibigan din ito doon sa japan kasi parang hindi naman normal kapag wala . pero hindi niya maiwasan na mag selos kapag naiisip niyang babae ang kasama niya noon .

kasi pano kung may naiwan pala siyang girlfriend doon at binalikan na niya ngayon .. kasi sa gwapo ba naman ni riki , imposibleng walang nagkagusto sa kanya doon .

pero nag ooverthink lang talaga si luna at wala namang girlfriend dun si riki .. training yung pinunta niya at hindi makipaglandian sa kung sino . kung sana ay nagtanong siya ulit about kay riki sa pamilya niya eh sana naliwanagan siya sa mga nangyayari sa binata .

pero naduwag si luna .. ayaw niyang makahalata ang pamilya ni riki na gustong gusto na niya itong makita kasi si ethan yung ipinagkasundo sa kanya . baka magalit ang parents nila ethan tsaka yung parents niya kapag malaman nilang may gusto siya kay riki .

" kung babalik siya , edi bumalik siya .. wala na akong pakealam . kung ayaw niya edi dun nalang siya .. masaya naman siya siguro dun " sabi ni luna matapos niyang ihagis ang unan niya sa dingding ng kwarto niya .

sinasabi niya lang yun pero sa totoo lang , she wants riki to come back .. as soon as possible . she misses him so much  .

sinubukan ni luna na tumawag kay riki and this time , nag ring na ito .. bigla namang may sumagot kaya biglang kinabahan si luna ..

pero magsasalita na sana siya nang marinig niyang babae ang sumagot kaya hindi nalang si luna umimik at pinatay agad ang tawag . pinatay na din niya yung phone niya dahil sa inis .

" may girlfriend na pala siya doon .." sabi niyang habang hinahayaang pumatak yung mga luha niya .. hindi niya mapigilan eh , nasasaktan siyang isiping may iba nang nagugustuhan si riki .

--

" hello ? " pagsagot ni ara sa cellphone ni riki . nakita niyang may tumatawag dito kaya sinagot na niya kahit walang permiso galing ky riki .

nagtaka naman siya nang hindi kumukibo ang tumawag kaya tiningnan niya ang caller id para malamn kung sino ito .

nakaregister ang number sa pangalang , my luna ♡

tumaas naman ang kilay ni ara nang makita niya ito . bigla namang pinatay ng tumawag yung call .

" sino si luna ?" takang tanong niya habang pinagmamasdan ang phone ni riki .

" hoy , nasayo pala ang phone ko .. kanina ko pa yan hinahanap " sabi ni riki habang papalapit kay ara

" nakita ko lang naman to dito sa sala " sabi ni ara kasi totoo naman

tiningnan naman ni riki yung recent used apps ng phone niya kasi baka kung ano na naman binuksan nitong kaibigan niya ..

nanlaki ang mata niya ng makita sa calls ang pangalan ni luna .. biglang nagbago ang expresyon ni riki nang makita ito . masaya siyang tumawag si luna . naisip niyang baka na miss siya nito 

" teka , sinagot mo ba to ?" tanong nito kay ara , tinutukoy yung tawag ni luna kaya tumango si ara kaya napailing nalang si riki kasi baka kung anong isipin ni luna dahil babae yung nakasagot sa kanya .

tinawagan ni riki ang number nito pero hindi na niya ito ma contact kaya tiningnan niya ng masama si ara .

" anong sinabi mo sa kanya ?"

" wala , nag hello lang naman ako tas di naman siya nagsasalita .. tas bigla nalang niya binaba yung tawag " she explained pero naiinis na naman ngayon si riki kasi baka iniisip ngayon ni luna na jowa niya yung sumagot sa tawag niya kanina .

feeling ni riki kailangan niyang mag explain kay luna .. pero bakit niya yun gagawin ? wala namang sila . at baka wala naman itong pakealam kung sino man yung sumagot sa kanya kanina ..

pero hindi parin mapakali si riki .. kaso kahit ilang ulit niya itong tawagan pabalik , hindi na nag ri-ring ang phone ni luna .

-ˋˏ✄┈┈┈┈

this will be the official image of luna in this fic

Zoa (weekly)

and this cutie will be ara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

and this cutie will be ara

Jihan (weekly)

don't worry , I don't ship them to any members of enhypen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

don't worry , I don't ship them to any members of enhypen .. para lang to ma imagine niyo sila sa story lol pero kung mas maganda pa kayo sa kanila , edi sanaol haha charot just imagine yourself nalang

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon