Chapter Thirty

30.8K 1.6K 1.3K
                                    

Chapter Thirty

Hanga ako sa concentration ko pag klase. No matter how boring the topic is, nagagawa kong makinig at i-absorb ang mga sinasabi ng teacher.

Pero ngayon ata, kahit anong concentration ang gawin ko, hindi ko magawang makapag focus.

Habang palapit nang palapit ang lunch break, pabilis nang pabilis ang tibok nang puso ko. Ni hindi ako nag kape, pero parang mag p-palpitate na ako.

"Okay, I'm not going to give you any assignments," sabi ni Sir Rodriguez, yung Humanities teacher namin. "But we will be having a long quiz tomorrow."

Narinig ko ang samu't saring pag rereklamo ng mga kaklase ko. Gusto ko rin maki-reklamo sa totoo lang. Mahilig kasi mag dagdag ng lesson si Sir Rodriguez na hindi makikita sa text book, at madalas din lumabas yun sa mga pa-exam niya. Kaya kung hindi ka nakinig o nag take down notes, malamang, 'di ka makakasagot sa exam niya.

At mukhang ganoon nga ang mangyayari sa akin.

"Wag na kayong mag reklamo, I need to know kung nakikinig kayo sa lesson ko—well of course beside Iris and Seb dahil sila lang nakakakuha ng high grades sa mga quiz ko."

Wow, pressure.

Nagpa dismiss na ng klase si Sir Rodriquez. Ako naman, naramdaman ko ang pang lulumo kasi lunch break na. I can feel my heart beating from my rib cage habang kinukuha ko ang baunan ko sa bag ko. Nanginginig din ang mga kamay ko.

"Miss Prez!" I heard Chichi shout from behind sabay yakap sa akin that made me jump a little dahil sa pagkagulat. "Ano lunch mo? Saan tayo kakain?" tanong nito.

Napatingin ako kay LJ na palapit sa amin. She's giving me a meaningful look.

"Uy, daan daw tayo saglit sa dance troupe headquarters," sabi ni LJ kay Chichi habang inilalayo niya ito sa akin.

"Ha?" takang tanong nito. "Bakit? 'Di ba nirerenovate yung headquarters ngayon?"

Napakamot nang ulo si LJ, "eh.. kita raw tayo sa tapat sabi ni team leader."

Mas lalong nag taka si Chichi, "absent si team leader."

Nagkatinginan kami ni LJ.

Sa totoo lang, gusto ko na rin gawin excuse si Chichi para hindi makipag kita kay Harold. Sasabay na lang ako sa kanila para maiwasan ko si Harold. Tama? Tama.

"Harold!" masiglang bati ni Chichi at pareho kaming napatingin ni LJ sa may pintuan.

We saw Harold standing over the threshold, right hand on his pocket, a playful smile on his lips as he wave his hand at Chichi. He looks gorgeous and I can't... I can't do this. Parang babaliktad ang sikmura ko. Para akong masusuka.

Tinitignan ko pa lang siya, ramdam ko na how much I like this guy. I like him to the point na I don't care if he doesn't like me back. Pero ayokong maging awkward kami sa isa't isa o tigilan na niya ang pakikipagusap sa akin. Baka araw araw akong umiyak pag nangyari yun.

Lumapit si Harold sa pwesto namin. Napayuko agad ako sa nerbyos. I can't meet his gaze, feeling ko matutunaw ako.

"Uy sabay ka sa amin kumain!" sabi ni Chichi dito.

"Ah may plano kami ni Ms. Pres," sabi ni Harold kay Chichi. "Right, Iris?"

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko when I heard him say my name. Parang tumambling lahat ng laman loob ko and I feel like screaming but of course I have to stay composed. Buti na lang talaga na master ko na ang pagkakaroon ng resting bitch face.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon