Chapter 5

1.6K 82 131
                                    

Chapter 5

Buti na lang at matino pa ang utak ko. Hindi ko naman siya sinaksak ng ballpen, 'no. Baka talagang mapatawag na si Papa agad. Isa pa, hindi naman ako tinuruan ni Papa na manakit ng iba.

"Nasa bahay. Nakatago para hindi mawala," sagot ko na lang sa kanya nang manahimik na.

MAPEH ang huling subject namin. Tulad ng ibang suject teacher namin, nag-attendance muna. Kagat-kagat ko ang takip ng Panda ballpen ko habang nakapangalumbaba.

"Asturias, Vincenzo Raghnall," ang guro namin habang nililibot ng tingin ang buong classroom.

Tiningnan ko si Raghnall na nagtaas ng kamay.

"Present po."

"Okay... ano ang gusto mong itawag sa 'yo, hijo?"

Sumulyap pa si Raghnall sa akin bago sumagot, "Kahit Ral na lang po."

Nagpatuloy ang pagtawag ng teacher namin ng mga pangalan at pag-interview sa kanila. Ako na laging nasa huli ang pangalan at kilala naman na ang mga kaklase, inabala ko na lang ang sarili sa pagpi-FLAMES.

Kinalabit ko si Raghnall habang nakangiti at nilapag sa mesa niya ang piraso ng papel kung saan ko isinulat ang pangalan naming dalawa. Tinitigan niya lang iyon habang tamad na nakasandal sa upuan.

"Alam mo ba 'yong FLAMES? Malalaman mo rito kung compatible ba kayo ng crush mo. Parang Love Tester. Ang ibig sabihin ng FLAMES ay: friends lovers, anger, marriage, engaged, and sweethearts. T-in-ry ko sa atin. Sweethearts ang lumabas."

Binalik niya ang tingin sa harapan, hindi pinansin ang sinabi ko. Nawala ang ngiti ko sa labi at binawi na lang ang papel bago sumubsob sa mesa. Mayamaya, umayos ulit ako ng upo at sinubukan naman ang pangalan ko at ni Axasiel. Nakita ko naman na ang spelling ng buong pangalan niya kanina.

"Zafe, Aspasia Estiana?"

Tumunghay ako at agad nagtaas ng kamay. "Present po!"

"Anong palayaw mo?"

"Asia po."

"Asia... just like the largest continent in the world."

Ngumiti lang ako. Tinapos ko na agad ang pagpi-FLAMES sa pangalan namin ni Axasiel at lumabas ang marriage! Kinalabit ko siya bago ipinakita ang gawa ko. Tulad ni Raghnall, hindi niya rin yata alam iyon kaya in-explain ko.

"Marriage ang lumabas sa atin," nakangiti kong sinabi. "Hindi naman 'to sure talaga. Pero malay mo, ikasal nga tayo sa future!"

Bahagyang umusli ang nguso niya. Parang hindi pa yata nagustuhan ang lumabas. Okay lang naman kasi hindi ko naman siya gusto. Ita-try ko na nga lang din sila ni Eden.

"Can you try my name with someone?" bulong niya.

"Sige. Ano bang pangalan ng crush mo?" sabi ko at sinulat na ulit ang name niya.

"Ako na lang pala. Medyo... mahirap i-spell ang pangalan niya," aniya.

"Sig-"

"Ma'am, nagdadaldalan po sina Axe at Asia," rinig kung sumbong ni Raghnall sa tabi ko.

Nanlaki ang mata ko at hinarap siya. Masama ang timpla ng mukha niya habang nakataas ang kamay pero ibinaba rin nang nakitang nasa kanya na ang tingin ko.

"Ma'am, hindi po!" tanggi ko habang umiiling.

"Naglalaro po sila ng FLAMES," si Raghnall.

Nilukot ko ang papel na sinusulatan nang dumako ang mata ni Ma'am Dizon sa amin. 'Yong mga kaklase ko, nagsimula pang tuksuhin kami ni Axasiel. Kahit si Eden na kasasabi lang na crush niya itong katabi ko ay nakikisali pa sa panunukso.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon