Chapter 54

60.8K 1.1K 210
                                    

"How's your day, my little boy?" Kean Santillan chuckled while carrying Alistair on his arms.

"Awesome. Mommy and I went to zoo and we ate a lot of yummy foods, lolo," sagot naman ng bata.

Miracle giggled before caressing Alistair's back. "Pagod pa yata 'yang anak ko, daddy. Ang dami kasing extra-activities na ginawa sa zoo. Mas napagod pa ako kaysa sa kaniya eh siya naman 'yung napakalikot," natatawa niyang saad.

Her father pinched her son's nose gently. "Ang kulit naman pala ng apo ko. Don't worry. I'll buy that zoo so you can visit it anytime you want."

"Dad." Pinanlakihan niya ng mga mata ang ama.

"What?" takang tanong nito.

"Stop spoiling Alistair so much. Baka ganyan 'yung pinaggagagawa ninyo habang wala ako, ha?" nakapameywang na saway niya rito.

"I just love seeing my apo being happy, anak. Pagbigyan mo na ako. You know that he's my favorite," sagot nito.

"Paanong hindi magiging favorite eh nag-iisa lang naman siyang apo ninyo?" takang tanong niya rito.

Kean let out a laugh. "Yeah. Ang bagal kasi ng kuya mo."

"No way, I don't like that Lianne for her!" maarte niyang pag-angal na agad namang sinundan ng pagngiwi ng anak niya.

"I like ate Lianna. She always gives me chocolates," sabat nito.

She narrowed her eyes. "Kailan ka ba umayaw sa mga taong nang-i-spoil sa 'yo? Hmm, kamahalan?"

Alistair just smiled a bit. "Everyone's spoiling me so I love everyone."

"That answers my question, little kid," natatawa niyang saad at saka ito hinalikan sa pisngi.

"By the way, Audrey, you're already here for two weeks. Wala ka pa rin bang plano na bumalik sa company? Busy ka masyado sa gallery mo, you can still handle it even if you're working with your brother," her father said.

She shook her head. "Two weeks pa lang akong nandito dad tapos maiinis agad ako sa pagmumukha ni kuya Aundrei? Lagi kaya akong pinatitripan no'n everytime I'm working with him."

"I just want to ask you, anak. Or you can handle the other company for a while. Gusto ko rin munang magpahinga kaya gusto kong ikaw ang umasikaso roon. Kakayanin mo ba kahit may gallery ka?" tanong nito.

She bit her lower lip. Gusto rin naman niyang magpaka-busy para sandaling makalimot. Tuwing wala kasi siyang ginagawa ay bumabalik lahat ng sakit na nangyari noong gabi na iniwan niya si Trigger.

Kaya pakiramdam niya, kapag binuhos niya ang atensyon sa trabaho at sa anak ay makakalimutan niya ang lahat.

She was about to answer when she felt a familiar feeling on her throat.

Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa banyo at dumuwal. Gusto niyang pigilan ang sarili sa pagsuka dahil puro tubig lang naman ang nilalabas niya pero hindi niya mapigilan 'yon.

"Audrey? Anong nangyari? Are you okay?" nag-aalalang tanong ng ama niya mula sa labas ng banyo.

Miracle looked at her reflection on the mirror as she swallowed multiple times. She's supposed to get her period last week but she didn't.

Tuwing umaga ay sumusuka rin siya sa hindi malamang dahilan.

"No," she whispered while clenching her fists.

"No, Miracle. Hindi puwede. Hindi puwede," mariin niyang bulong bago hawakan ang tiyan.

She closed her eyes to feel the warmth of it. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba pero pakiramdam niya ay tumatalbog ang puso niya sa saya habang pinapakiramdam ang tiyan niya.

She might be pregnant, that's a good news. But she knows exactly who the father is, and that's the bad news.

NAPAHAWAK nang mahigpit si Miracle sa sink habang pinagmamasdan ang pregnancy test na ginamit niya.

She couldn't breathe properly with the result of it. Kahit itanggi niya ay imposibleng mangyari 'yon.

Hindi nga siya nagkakamali. She's really pregnant, again, with Trigger.

Ngayon lang pumasok sa isip niya ang sinabi ng lalaki noong gabing 'yon. He's asking her why she agreed on making live with him even if she's planning to hurt him. Alam ni Trigger na may posibilidad na mabuntis siya kaya ito nagtataka kung bakit siya pumayag.

Pero paano niya masasagot 'yon kung pati siya ay naguguluhan sa dahilan? She gave up her body, she made love with him multiple times without complaining, with no regrets, kaya napapatanong rin siya kung paghihiganti pa rin ba ang naisip niya o mahal niya pa rin talaga ang lalaki?

"Sino bang niloko mo?" natatawa niyang tanong sa sarili. "Of course, you still love him, idiot."

Mahigpit niyang hinawakan ang pregnancy test at lumabas ng banyo. Naabutan niya ang pamilya sa dining area na abala sa pagkukwentuhan.

She sat beside her older brother who immediately smirked at her. "Bakit maputla ka? Miss mo na asawa mo?"

Miracle rolled her eyes before putting the pregnancy test on the table. Agad na nanlaki ang mga mata ni Aundrei nang makita 'yon.

"Holy fucking shit, you're pregnant?!" hysterical na sigaw nito kaya maging ang mga magulang nila ay nagulat.

"Audrey, a-anak, is that true?" naiiyak na tanong ng nanay niya.

Miracle nodded her head with her reddened cheeks. "I think so, mom. But I'll still ask Dra. Haley to confirm it. But this pregnancy test never fooled me so I guess I'm really carrying a child inside me. I'm carrying Trigger's child, again."

Her father chuckled. "Kahit galit kaming lahat sa asawa mo, natutuwa pa rin ako sa balita na 'yan anak. And he deserves to know about it, about Alistair also. When are you going to tell him?"

Her eyes darkened when she remembered how Trigger denied Alistair when he was still a fetus.

"Never. Kahit kailan ay hindi ko ipapakilala sa kaniya ang mga anak ko, dad. I can make them happy without their father," she answered.

Aundrei let out a chuckle. "Huwag ninyo nang galitin ang buntis. Basta ako magpapangalan diyan, ha?"

Inirapan niya ito. "You wish. Last time you tried changing Alistair's name to Wakanda. Akala mo matutuwa ako roon? Masyado kang adik sa marvel."

Napuno ng tawanan ang hapag-kainan dahil sa sinabi niya. But it was interrupted when a maid came out from nowhere.

"Ma'am Miracle, may naghahanap po sa inyo sa labas ng mansyon."

She looked at the maid before smiling. "Sino raw po?"

"Shanelle raw po ang pangalan niya at kailangan niya raw po kayong makausap." Her eyes widened when she heard that name.

Paano nalaman ni Shanelle na nandito siya? At lumipad pa talaga ito papuntang California para kausapin siya?

Kilala niya nag matalik na kaibigan at hindi ito mag-aabalang bumyahe ng gano'n kahaba para sa walang kwentang bagay. Ibig sabihin ay may mahalaga itong sasabihin sa kaniya.

"Excuse me, mom, and dad. It's a friend of mine," paalam niya sa mga ito bago nagmamadaling lumabas ng mansyon.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon