Chapter 55

65.9K 1.5K 700
                                    

"Shanelle, you're really here," hindi niya makapaniwalang saad nang makita ito sa harapan.

Nanubig agad ang mga mata ng kaibigan atsaka siya dinambahan ng yakap. "Gaga ka talaga, iniwan ko pa sila Eric sa Pilipinas para lang makita ka. Miss na miss na kita!" umiiyak nitong sabi.

She chuckled. "Bakit ka nandito? Gano'n mo ako ka-miss? At saka paano ko ako nahanap?"

"The bracelet I gave you last time, it has a tracking device incase you got into trouble again. Nalaman ko kung nasaan ka dahil doon. Loka ka, ang yaman mo naman. Sinong may-ari ng mansyon na 'yo? Ikaw ba?" sunod-sunod na tanong nito.

She shook her head. "My parents."

"Ha? Nasa Pilipinas 'yung walanghiyang Benedict at Olivia na 'yon kaya--"

"I mean my real parents, Shanelle," nakangiti niyang putol rito.

Her bestfriend's face paled. "What? Your real parents? Ibig sabihin hindi mo totoong magulang 'yung mga bwisit na 'yon?"

Tumango siya. "You can say that."

Shanelle clapped her hands happily. "What a good news, hindi nasayang ang pagpunta ko rito dahil sa balita na 'yan. Dati pa ako nagtataka kasi hindi mo kamukha 'yung bruhang Olivia at mokong na Benedict na 'yon. May mga itsura sila pero hindi mapapantayan 'yang beauty mo. Tama talaga 'yung hinala ko na ampon ka lang. By the way, your parents, nasaan sila? Puwede ko bang makita?"

Natatawa siyang tumango. "Pero mamaya na. Halika, I'll take you to the nearest bar here. Let's hang out for a while, na-miss din kita eh."

Shanelle hugged her again. "I wanted to check on you also. Come on!"

"HOW'S your life here? I heard that you're known as Audrey Santillan in this place" usisa ni Shanelle habang sumisimsim sa margarita na hawak.

Miracle nodded her head. "Everyone's calling me Audrey kasi 'yon ang alam nilang pangalan ko. But I made it clear to my family that I still want Miracle Heaven as my legal name and they agreed to it. Dito lang naman ako sa California kilala bilang Audrey, at pati na rin sa mga obrang ginawa ko. But my name's still Miracle Heaven, surname na lang ang naiba since I'm already a Santillan now."

"Pangalan mo lang naman 'yung magandang ginawa ni Benedict at Olivia, the rest ang pangit na, pati mukha nila, at pati ugali nila." She can't help but to laugh with what Shanelle said.

Galit na galit talaga ang kaibigan niya sa mag-asawang 'yon. Kahit naman siya. She'll never forget the traumas she encountered with them. They're both horrible.

"Pero ano na, wala ka ba talagang balak bumalik sa Pilipinas para kausapin ang asawa mo?"

Miracle shook her head. "I'm planning to file a divorce paper."

Shanelle's eyes widened. "No, Miracle, you're not doing that. Hindi mo alam kung anong sitwasyon ni Trigger ngayon, please, don't do that."

Biglang umahon ang pag-aalala sa dibdib niya nang marinig ang sinabi ng kaibigan. "What h-happened to him?"

"Dear, you don't want to know. Kung manonood ka sa balita ngayon sa Pilipinas, he's everywhere! He became ruthless more than ever. Hindi mo ba alam na isang napakalaking kompanya ang pinabagsak niya sa loob lang ng isang oras? His name is everywhere in the Philippines. He also ruined Benedict and Olivia's company and filed a case against them kaya nasa kulungan ang dalawang 'yon ngayon. Sikat na sikat ngayon ang pangalan ng asawa mo kasi walang awa, alam pa naman ng lahat ng in-laws niya ang dalawang 'yon," mahabang kwento ni Shanelle.

"That's madness," she whispered.

Is he taking revenge on her using those two? It won't work because she's happy that Benedict and Olivia are suffering.

Pero bakit biglang naging ganito ang lalaki? Pinapahiwatig ba nito na ganito ito magalit at mawalan ng awa?

"Yeah. Your husband's really scary. But I felt bad for him because everyone's judging him. Calling him names, and suchs. Alam ko namang walang pake ang asawa mo sa mga 'yon pero nag-aalala pa rin kami ni Enica dahil wala ka naman sa tabi niya." Tinitigan niya nang mariin ang kaibigan. Parang sa tono nito ay kinokonsensya pa siya. Loka-loka talaga.

Kung alam lang ni Shanelle ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito, baka sa kaniya pa ito kumampi.

"He's really scary. Kaya nga natatakot ako kay Alistair kasi masyadong nagmana sa tatay," she blurted out of nowhere.

'Saka niya lamang napagtanto ang sinabi nang makita ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan.

"Anong sabi mo? Nagmana sa tatay? That b-baby, that baby we all thought was dead, is he alive?" naiiyak nitong tanong.

Agad namang tumango si Miracle. Hindi naman niya na dapat itong itanggi sa kaibigan. "He's actually four years old right now."

Nanghihinang bumagsak ang mga kamay ni Shanelle. "It means, that your revenge is useless towards Trigger. Wala ka namang dahilan para maghiganti sa tao kaya bakit mo ginawa 'yon? You don't know how Trigger suffered for five years because of the thought that he really killed your child. Pero h-hindi naman pala, wala ka n-namang rason para maghiganti kaya ano 'to, Miracle?" naiiyak na tanong ng babae.

Hindi na napigilan ni Miracle na magtaas ng boses. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Shanelle? Anong karapatan mong diktahan ang mga desisyon ko? And our baby was not the reason why I'm taking revenge on him! Nakalimutan mo na ba kung paano niya ako ituring na basura noon? Nakalimutan mo na ba kung paano niya ako bugbugin, saktan nang paulit-ulit? Those wounds and bruises I got from him were the reason why you're so mad at him kaya anong karapatan mong sabihin na wala akong dahilan para maghiganti?!" umiiyak niyang sambit dito.

Shanelle shook her head repeatedly. Umiiyak na sinapo ng babae ang pisngi niya habang umiiling.

"No, Miracle. Please tell me that you're joking."

"What?" takang tanong niya rito habang naguguluhan itong pinagmamasdan.

"Look at me, Miracle. Are you really cured already? Have you checked your medical records? Wala bang nakalagay doon na kahit ano? I'm pretty sure that something's still wrong with you. Kailangan nating ipa-check 'yan. Halika na, please. Pupunta tayong Hospital--"

"Shanelle bitawan mo ako! Wala akong sakit! Hindi ako sasama sa 'yo!"

Umiiyak na binitawan siya ng kaibigan bago ito nanghihinang napaupo. Nagtataka siya sa inaakto nito.

"What the hell is wrong with you, Shanelle? If you're here to make me feel guilty, then just leave!"

She was about to run away but her friend quickly uttered a word.

"Miracle," tawag nito sa pangalan niya. Nilingon niya ito nang dahan-dahan, only to see Shanelle kneeling on the floor.

"Kailangan mong makinig sa akin nang mabuti, Miracle. Please, listen to me carefully," nagmamakaawa nitong saad.

She swallowed multiple times. "Please, Shanelle. Kung kakampihan mo lang ang asawa ko, huwag mo na akong kausapin. Hindi ikaw ang nasaktan ng pisikal, hindi ikaw ang--"

"Kahit kailan hindi ka pinagbuhatan ng kamay ni Trigger, Miracle."

Natigil siya sa pagsasalita nang marinig 'yon. "W-What?"

Tumingala sa kaniya ang kaibigan habang lumuluha pa rin. "Those bruises and wounds, all of those were caused by you. You were hurting yourself back then and mistaken that it was your husband who was doing it. Your medical records from Trigger's private doctor clearly showed that you have traumas from Benedict and Olivia that developed into masochist personality disorder. Kaya kahit kailan, ni isang beses, hindi ka pinagbuhatan ng kamay ng asawa mo."

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon