Chapter 15

44 7 0
                                        

"Ayan na siya." dinig kong sabi ng kung sino.

"I still can't believe pinatulan siya ni President, maybe she's really good in bed," sagot naman ng isa pang hipokrita.

Monday na Monday talaga may mga taong walang magawa sa buhay. For sure, kumalat na 'yung nangyari noong foundation week, when Gray--our student president, held my hand while performing his duties.

Speaking of Gray...

"Yes, please hand this to the budgeting committee and refer to the faculty office, look for Dr. Reyes," he instructed, kausap niya ang isang club officer na mukhang hindi naman nakikinig sa kanya dahil nakatitig lang ito sa mukha niyang gwapo.

"Noted Pres," tugon naman ng officer, mukhang kilig na kilig.

All they can do is admire him, I have seen everything there is to see. Remembering what we did, his touches and his words. Feels surreal.May lumapit pang isang babaeng estudyante, nagtanong ng kung ano at seryoso naman siyang sinagot ni Gray.

"Thank you so much, Pres! Ang bait mo talaga."

Nanliit ang mata ko, papalapit ako sa direksyon nila kaya pinili kong magpanggap na hindi siya napansin at itunuon ang mga mata sa gilid.

"Red," tawag niya.

Napakagat ako ng labi, I thought he wouldn't notice me but he did. He's too busy but his eyes still caught me, is it safe to assume that he's been waiting na dumaan ako?

Nilingon ko siya, ang mga estudyante ay nakatingin sa'min ngayon. I don't know what's his deal at hindi manlang siya nag-e-effort na patigilin ang kumakalat na sabi-sabi tungkol sa'min. We aren't together, well, yet.

"Why?" I asked. Napansin kong wala ang sekretarya, actually, these past weeks hindi ko sila napansing magkasama.

Kumunot ang noo niya. "You're on your period?" tanong niya.

Umirap ako. "Huh? kakatapos ko lang nung first week," sagot ko tuloy. Ang mga tsismosang estudyante ay pasimpleng dumadaan para lang marinig ang usapan namin, hindi naman ganito karami ang tao kanina.

Para tuloy akong na-suffocate, gaya ng lagi kong sinasabi, ayoko ng unnecessary attention lalo na kung mula naman 'yon sa mga taong sumasagap lang ng impormasyon para siraan ako.

"Bakit ang sungit mo?" tanong niya bigla. Pansin ko ang mga bitbit niyang papel, mukhang busy siya kahit maaga pa, kakapasok ko pa nga lang. Ang unfair lang kase ang gwapo niya pa rin? I wonder kung ganito rin ba ka-gwapo ang Student Council President sa ibang school.

"See? you're ignoring me."

I can't believe this, he's acting like an obsessed fan.

"Hindi ka ba busy?" tanong ko, nagsimula na akong maglakad at sinasabayan niya ang bawat lakad ko, lalo tuloy kaming pinagtitinginan.

"Not really," sagot niya, kahit kita na ang butil-butil niyang pawis.

Umirap ako at dinukot ang panyo sa bulsa, fine, I'll be nice today.

"Here, punasan mo 'yang pawis mo," sabi ko. Saglit siyang natulala bago sumilay ang ngisi, ang namumula niyang labi ay mas naging mapang-akit. Hindi pa niya kinukuha ang panyo kaya muli ko itong winagayway.

Bigla niyang inilapit ang mukha niya dahilan para mapa-atras ako. "My hands are occupied, can you wipe it for me?"

Ako namam ang natulala sa sinabi niya, napasinghap din ang mga estudyanteng nanunuod sa'min. Agad akong pinamulahan ng mukha, bwisit na Gray 'to. Ano 'to, live landian?

I think sinasadya niya 'to, but I cannot understand his purpose. He's playing me!

"No way, bahala ka," sagot ko at isinuksok ang panyo sa bulsa ng uniform niya.

Taming RedМесто, где живут истории. Откройте их для себя