. . . ⇢ 75 ˎˊ˗

144 9 5
                                    

"joy? joy? joy—!"

agad na naalarma sila sunoo nang makita nila si joy na walang malay sa sahig, sa loob ng dorm nila ni danica. sabado ngayon at tumawag si danica kay sunoo para samahan si joy na umuwi sa mansion nila mr. park.

pero ngayon ito ang sumalubong sa kanila.

kaagad binuhat ni sunoo ang walang malay na si joy saka lumabas para isugod sa school clinic habang si danica ay nag-aalala namang nakasunod sa kanila. kanina kasi ayos pa 'to pero ngayon bigla itong nagkaganito.

"anong nangyari?" salubong ng nurse sa school clinic pagkadating nila.

"she passed out." sagot ni danica na pinapanood si sunoo na dahan-dahang inihihiga si joy sa clinic bed.

kaagad inasikaso ng nurse si joy at chineck ito ng mabuti. sina sunoo at danica ay naghihintay lang nang mapansin nila ang dahan-dahang pagmulat ng mga mata ni joy, pero muli din itong nagsara.

"joy—"

"j-jay.. i missed you.."

nagkatinginan sila sunoo at danica nang marinig nila 'yon mula kay joy. maging ang nurse na busy sa pagsusulat ng kung ano man ay narinig din 'yon, saglit siyang napatitig kay joy saka napalingon sa dalawa.

"jay? boyfriend niya ba 'yon?"

"ha?" napatanga si sunoo, hindi niya kasi inaasahan na magsasalita ang nurse ng ganun pero tumango din siya. "opo, pero nasa complicated phase po sila ngayon.. sobrang complicated."

tumango ang nurse. "i see. base kasi sa observation ko sa kanya, wala naman siyang sakit. 'yon lang, halata sa itsura niya ang paleness kaya hangga't maaari paki-iwas sa kanya ang ma-stress since pwede 'yon lumala at mag-turn into anxiety."

"oh.. it must be because of him." bulong ni danica na ikinatango din ni sunoo.

sunoo just smiled at the nurse. "sige po, thank you."

tumango lang ang nurse saka lumabas ng clinic para iwan sila kasama si joy. napasulyap si sunoo sa kaibigan niyang natutulog na ngayon, hindi maiwasan mag-alala ng sobra sa kalagayan nito.

may balak pa naman si sunoo na lumabas ngayon kasama si danica kaso pinilit siya ni danica na samahan si joy kasi kung natuloy 'yon? for sure walang magsusugod kay joy sa clinic at baka kung ano pa ang mangyari dito.

hindi tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot ni sunoo. dati naman palagi silang magkakasamang apat: jungwon, joy, julie at siya pero ngayon? siya na lang ang kasama ni joy dahil nasa japan si jungwon at hindi naman nila alam kung nasaan si julie.

ang gulo at komplikado na ng samahan nila ngayon at gusto na lang ni sunoo na bumalik na ang lahat sa dati. 'yung masaya sila at sama-sama. bonding dito, kulitan doon. 'yung tipong mapupuno ng tawanan at asaran ang kanilang mga araw.

pero ngayon, anong nangyari?

naging magulo ba ang lahat dahil sa pag-ibig? mali, naging magulo ang lahat dahil unti-unti na silang namumulat sa reyalidad. gumulo dahil unti-unti na silang tumatanda at nahaharap sa totoong hamon ng buhay.

hindi permanente ang kasiyahan sa mundo dahil lahat ng 'yon ay mapapalitan, depende sa ibibigay na hamon sa'yo ng mundo.

dahan-dahan tumayo si sunoo mula sa pagkakaupo saka nagpaalam kay danica na may bibilhin muna siya. tumango lang si danica at pinanood si sunoo na lumabas, naiintindihan niya kasi na gusto muna nito mapag-isa.

pagkalabas ni sunoo ay kaagad siyang dumiretso sa canteen. yes, sabado ngayon pero open anytime ang university nila kaya libre kang makakagala-gala sa loob kaso hindi ka makakapasok sa mga classroom dahil naka-lock 'yon.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon