LXXXI

3.2K 179 155
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Ikaw!"

Inis na pinaghahampas ko siya sa braso niya habang patuloy na pumapatak ang luha ko. Ang kaibahan lang ngayon, masaya ako.

"Bakit ngayon ka lang ha? Ang tagal kong naghintay sayo." umiiyak na tanong ko. "Akala ko ba tatlong taon ang usapan natin? Anong petsa na?" at hinampas ko ulit siya.

Pero ang babaeng ito, tawang-tawa lang sa'kin ngayon. Nakakainis talaga siya.

"Wag ka ngang tumawa! May nakakatawa ba ha?" para pa kong batang napapahid sa pisngi ko.

She laughed again. "I'm sorry kung ngayon lang ako." she wiped the tears in my face using her thumb. "Madami lang inasikaso."

I cried again. Walang namutawing salita sa'kin at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "I've missed you." I buried my face in her neck. "So much."

Mas lalo lang akong naiyak nang marahan niyang hagurin ang likod ko. Nakakamiss siya. Ang sarap niyang ibulsa ngayon.

"I've missed you too my eklog." bulong niya.

At imbes na kiligin, naasar lang ako. Kaya ang siste, mabilis akong kumalag sa pagkakayakap sa kanya para pitikin siya sa noo.

"Nagbago na isip ko, umalis kana. Bumalik kana sa pinanggalingan mo, bilis." oo bipolar ako. Bakit ba? Kebs niyo ba? Ha?

"Nagbibiro lang ako." at ang lakas pa ng loob niyang tawanan ako. "Hindi kana mabiro. Ganyan ba talaga kapag tigang?" she added.

Nanlaki ang mata ko. Literal. Inis na hinampas ko ulit siya sa braso niya. "Ang bunganga mo. May bata."

"Mommy what's tigang po?"

Napalunok ako. Ayan na nga ba sinasabi ko ee. Pasimple ko tuloy kinurot itong babaeng nasa harap ko na tawa lang naman ng tawa ngayon. Mag-ututin sana siya.

"Baby pangalan ng doggie 'yon." Belle said. "Kaya kapag nagka doggie ka, ipangalan mo Tigang. Para kapag tatawagin mo siya ganito." she paused. "Tigang come here, come to mommy."

Naiinis ako pero tawang-tawa ako. Kakaiyamot. Sinabunutan ko na lang itong si Belle na tawa lang naman ng tawa ngayon. Kung anu-ano tinuturo nila sa bata.

"Wag kang magpapaniwala diyan sa Ninang Belle mo." Medyo nagulat pa 'ko ng si Abby na mismo ang kumausap sa kanya. "Dito ka sa'kin, bilis." dagdag pa niya.

Tahimik na nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Bakit parang may hindi ako nalalaman ngayon? May naamoy akong sikreto.

"May gusto kaba Braelynn? Pagkain? Puntahan?" kalmadong tanong niya pa sa bata. "O kaya gusto mo bang iwan na natin si Mommy mo?" pasimple pa siyang ngumisi sa'kin.

Napataas tuloy ako ng kilay. Ang kapal ng mukha ng babaeng ito. Grabe lang.

"Ay sige po, iwan na po natin si Mommy."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon