Chapter Nine

57.4K 2.1K 918
                                    

I forced a smile when Pirius' eyes went to my direction. Huminga ako nang malalim at marahang niluwagan ang kapit ko sa sling bag ko saka naglakad na palapit sa kan'ya. Tipid na ngumiti siya saka inalis ang phone n'ya sa tainga at tinigil na ang tawag. Inilagay na n'ya ang phone sa bulsa n'ya.

"Kanina ka pa diyan?" tanong n'ya.

I shook my head. "No, kakarating ko lang," pagsisinungaling ko. "Sino'ng kausap mo?" tanong ko.

"Ah, just my business partner," sabi na lang n'ya.

It's just his business partner? But why was he smiling like that earlier? Hindi siya palangiti sa ibang tao. Palagi nga siyang masungit sa iba, sa akin lang siya mabait... Noon.

"Mukhang importante ang pinag-usapan n'yo. Bigla ka na lang umalis," sabi ko na lang saka pilit na ngumiti. Pilit kong hindi ipinahahalata na nadismaya ako sa ginawa n'ya.

"Ah, yes. Just financial matters..." he mumbled. "Umuwi na tayo. Pagod na 'ko," sabi na lang n'ya saka napahawak sa batok n'ya.

I just smiled and noddded... Pagod na agad siya? Ni hindi kami nagtagal ng ten minutes sa amusement part. Besides, he doesn't seem tired when he was talking with his business partner.

Hindi na lang ako nagsalita at sumakay na lang sa kotse n'ya nang pagbuksan n'ya ako. Agad akong tumingin sa bintana nang sumakay na rin siya sa kotse saka agad na pinaandar 'yon. Pinilit ko na lang munang pakalmahin ang sarili ko dahil nararamdaman ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Ngayon lang yata ako na-disappoint nang ganito kay Pirius... pero ayaw ko kasing mawalan ng tiwala sa kan'ya.

Mahal na mahal ko siya at alam kong gano'n din siya sa akin.

I looked at him. His eyes are on the road. He's unusually quiet ever since he came back. Hindi ko alam kung ano ang problema naming dalawa. Hindi ako sanay ng ganito kami dahil noon pa man, hindi na hinahayaan ni Pirius na mag-overthink ako. Palagi n'ya akong kinakausap, palagi n'yang sinasabi sa akin ang problema kung mayroon man.

Hindi pa rin tahimik ang isip ko hanggang sa makauwi kami kahit na anong alis ko sa isip ko ng kung ano-anong bagay. Nag-shower na lang ako agad para kahit papa'no kumalma ang isip ko.

"Pirius, gusto mong manood tayo ng One Piece?" tanong ko sa kan'ya, pilit kong pinasigla ang boses ko.

I wiped my wet hair with a towel. Pirius remained quiet while typing something on his laptop. I sat on the bed beside him. He looked at me and shook his head. "I'm sorry, I don't have time for it right now. Next time na lang," sabi na lang n'ya saka muling tumingin sa laptop n'ya.

I just scratched my nape and nodded. "O-Okay, aasikasuhin ko na lang din muna ang designs ko," sabi ko na lang saka tumayo na ang nagtungo sa couch.

I took my sketchpad and my pencil. I just bit my lower lip and tried to think a new design for a wedding dress. Napabuntonghininga na lang ako at napakamot sa kilay ko dahil parang hindi na naman gumagana ang utak ko sa pag-iisip ng design. Pumikit na lang ako at pilit na pinakalma ang isip ko.

Pagkatapos no'n ay sinubukan ko na ulit mag-drawing. Napabuga na lang ako ng hangin dahil nakailang ulit na yata ako pero hindi pa rin ako satisfied sa mga nagagawa ko.

I looked at Pirius. He's eyes are still on his laptop, pero napapansin ko rin na patingin-tingin siya sa phone n'ya. Maya-maya pa ay kinuha na n'ya 'yon saka may tiningnan doon. Napalunok na lang ako nang mapansin kong bahagya siyang ngumiti.

Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya at muling tumingin sa sketchpad ko. Agad kong hinanap ang design na ginawa ko last week. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumayo saka lumapit sa kan'ya. Hindi nakawala sa paningin ko ang agad na pagpatay n'ya ng screen ng phone n'ya. Umiling na lang ako at hindi pinansin 'yon saka umupo sa tabi n'ya.

Lost in Reverie (SERIE FEROCI 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon