. . . ⇢ 117 ˎˊ˗

178 16 0
                                    

━━ jasmine's.

"kingina ka talaga, sabing hindi na 'ko papasok e." hinampas-hampas ko siya pagkalabas namin ng bahay nila.

"gusto ko lang naman kamustahin ni mom." natatawa niyang sagot.

inirapan ko lang siya. "nakakahiya! talagang tinanong pa ni tita kung may something sa'tin like ikaw at ako? may something?" i fake gagged.

pansin kong natulala si heeseung kaya natigilan ako, kunot noo ko siyang hinarap at winave pa ang dalawang kamay ko sa harapan niya dahilan para mabalik siya sa kanyang sarili.

"oy, ayos ka lang?"

tumango siya pero may pakiramdam akong hindi talaga siya ayos. feeling ko may bumabagabag sa kanya pero dahil ayaw niyang sabihin, hindi ko na siya pinilit. mukhang personal matters yata ang iniisip niya.

"jasmine."

"hm?"

nakatayo lang kami sa labas ng bahay nila, walang nagsasalita sa'min kanina hanggang sa tanungin niya 'ko. pero agad din akong napatingin sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. hindi ko din maiwasang mamula kasi nambibigla siya, grabe.

wala man lang pasabi, amp.

"tara lakad?"

"eh?" react ko. "gabi na kaya-"

"so?" napaismid ako pero tumango din.

napangiti siya saka kami nagsimulang maglakad habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. at dahil gabi na, malamig na ang simoy ng hangin pero 'yung kamay kong hawak ni heeseung ay napakainit.

ang warm niya pero comforting. ewan. basta ganun, 'wag na natin i-explain ng maayos.

"gusto mo mabasa letter ko?"

bahagya akong nagulat sa sinabi niya. "ha? letter mo 'yon, bakit ko babasahin?"

tipid lang siyang ngumiti. "kung gusto mo nga. gusto mo ba?"

hindi ako sumagot.

gusto ko kasi curious ako pero hindi rin kasi syempre letter niya 'yon na sinulat namin noon tapos babasahin ko? ang pangit naman yata non, nagmumukha akong chismosa.

"here."

"h-ha?"

napatanga ako nang may iabot siyang papel sa'kin, nakatupi. kahit nagtataka kung ano 'yon, kinuha ko pa rin at binuksan. gulat akong napatingin kay heeseung nang malaman ko kung ano 'yon.

"pero-" ibabalik ko sana sa kanya 'yung letter pero ibinalik din sa'kin.

"okay lang, gusto kong mabasa mo 'yan."

nandoon ang siguradong ngiti sa labi niya kaya wala akong nagawa kundi ang gawin ang sinabi niya, binasa ko ang nakasulat sa letter niya.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon