Chapter 8

1.6K 84 104
                                    

Chapter 8

"Asia, bili tayo sundot kulangot sa labas."

Nanatili ang titig ko kay Raghnall at kay Khalila na nakaupo sa upuan ko. Lunch break namin at lumabas lang ako saglit, naabutan ko nang may nakaupo sa puwesto ko.

Mukhang nagpapaturo ang kaklase namin kay Ral dahil nakatutok sila sa mesa kung saan nakapatong ang isang libro. Si Ral lang ang nakikita kong bumubuka ang bibig at si Khalila naman ay tumatango-tango lang.

"Asia, ano? Bingi ka ba?"

Iritado kong nilingon si Eden nang hinampas niya ang braso ko. Nakakunot ang noo niya, tinatapatan yata ang pagkairita ko.

"Ano ba 'yon?"

"Sabi ko, bili tayo ng sundot kulangot sa labas."

"Ayoko. Ikaw na lang."

"Libre ko. Samahan mo 'ko."

Tumayo ako nang tuwid mula sa pagkakasandal sa may pintuan. "Oh, lika na. Ba't nakatayo ka lang diyan?"

"Ayan... basta libre, ang bilis."

Bumili kami ng sundot kulangot at cotton candy sa labas. Puwede naman kaming lumabas ng school kapag lunch break pero hindi ako gaano lumalabas dahil mainit. Maliban kung sinipag ako o tulad nito na manlilibre si Eden. Sa kanya lang naman ako hindi nahihiyang magpalibre pero hindi naman sobrang kapal ng mukha ko.

Pagbalik namin ng room, wala na si Khalila sa upuan ko kaya roon na ako umupo. Hindi ko pinansin si Ral at binutas na lang ang plastic ng cotton candy.

"Binili niyo 'yan sa labas?" tanong niya.

"Malamang. Alangan namang nakawin namin 'to."

Umirap ako at hinarap si Axe, nagbabasa na naman ng libro. Inalok ko siya ng hawak kong cotton candy at kumuha naman siya. Kaya lang, nakatingin siya roon sa hawak kong stick na may sundot kulangot.

"Ano? Gusto mo rin tikman 'to?" Pinasok ko sa bibig iyon at nilabas ulit bago nilapit sa kanya. "Oh?"

Umawang ang labi niya at umiling.

"Matamis 'to. 'Di ba mahilig ka sa matamis?" Ngumiti ako.

"Oo... pero sinubo mo na—"

"E, malamang iusubo ko kasi kinakain 'to. Kung 'di ko isusubo, paano ko makakain? Sa ilong? Literal na isusundot?"

Sinara niya ang labi at napaiwas ng tingin. Inisang subo niya ang kinurot na cotton candy.

"Ako, patikim," si Ral na mahilig maningit.

Nakasimangot akong humarap sa kanya at naghahamon na tinulak ang kamay sa kanya kung saan ko hawak ang stick.

"Sige nga, kung 'di ka maarte—"

Nabitin sa ere ang salita ko nang yumuko siya at binuka ang bibig para isubo ang malagkit na candy. Nakatingin siya sa akin habang subo-subo iyon at hawak ko pa rin hanggang sa tinigilan niya na ang pagsubo.

Dinilaan niya ang labi at medyo nalukot ang noo.

"Eww..." pahaba kong sinabi at matalim siyang tiningnan. "Ba't mo sinubo? Akin 'yon, e! Kadiri naman!"

"Bakit kadiri? May laway mo na nga 'yan at tinikman ko, hindi naman ako nandiri?" balik niya. "At pumayag ka naman ipatikim 'yan sa akin."

Nakangiwi pa rin ako. "Kaya nga kadiri kasi tinikman mo pa, e, nadilaan ko na nga." Nilapit ko pa sa kanya lalo ang stick. "Sa 'yo na 'yan. Ayoko na. Nakakainis ka naman."

Lumambot ang ekspresyon ng mata niya at bumagsak ang balikat. Kinuha niya sa akin ang stick kaya padarag na akong sumandal sa upuan. Kumurot ako sa cotton candy at halos malunok ko pa ang daliri nang isubo iyon.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon