Chapter 95

1K 72 9
                                    


"Ikaw ang nakasaad sa propesiya. Ikaw ang sinasabi na magiging emperatris ko."

Nang marinig ni Rini ng bagay na 'yan ay unti-unti nang pumupikit ang mga mata niya dahil sa labis na pwersa na nawala sa kaniya. Bago man ito tuluyang bumagsak sa lupa ay agad sinalo ni Emperador Shan ang kaniyang ulo. Gumalaw pa siya para tuluyan na niyang mabuhat ang babaeng nailigtas niya---ang babaeng sinasabi na ito daw ang magiging asawa niya at magiging emperatris ng bansa na kaniyang pinamumunuan.

Tagumpay niyang nabuhat si Rini na tila bagong kasal. Kahit  na may dugo pa ang bibig nito at may ilang sugat sa parte ng mukha ay hindi 'yon ang hadlang upang masilayan pa niya ang mukha ng babaeng nasa mga bisig niya ngayon. Para kay Emperador Shan, tila isang panaginip ang lahat ng ito. Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang buong akala niya ay hindi na siya mabibigyan pa ng pagkakataon na makita pa ito pero heto na't nasa bisig na niya ang babae na kaniyang inaasam. Dahil d'yan ay gumuhit ang kagalakan sa kaniyang mga labi.

"Mahal na Emperador!" bigla niya narinig ang pamilyar na boses sa bansang likuran niya. Kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na 'yon.

Hindi na siya nag-abala pa na lingunan ito dahil nanatili ang tingin niya sa mala-anghel na muka ng nag-iisang prinsesa na Cyan, ang prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel---ang magiging emepratris ng prinsipe na tagapagmana, si Prinsipe Otis Cairon.

"Kamahalang---" muling tawag nito sa kaniya.

Binawi niya ang kaniyang tingin mula ay Rini saka nilingon na niya ang lalaking tumawag sa kaniya, si Heneral Peng. Ang personal niyang tagabantay. Natigilan ito nang dumapo ang mga tingin nito sa kaniyang bisig. Tulad ng kaniyang inaasahan ay lumaglag ang panga nito. "Kahit ako ay hindi ko rin inaasahan ito, Peng." malumanay niyang sambit. "Hindi ko alam kung ano nang nangyari't dinala siya dito sa aking nasasakupan. O sadyang gumawa ng paraan ang mga sinasamba nating diyos at diyosa, ang dragon at ang adarna."

"Ngunit..."

"Ang mabuti pa ay dalhin natin siya sa Palasyo para maipagamot."

"M-Masusunod po, kamahalan."

Nagsimula na silang naglakad patungo sa sikretong daan kung saan itinago nila ang karwahe sa gayon ay hindi mataranta ang mga mamamayan ng Jian Yu sa oras na makita ang presensya niya kaya simpleng ang kaniyang pananamit. Upang maging payapa ang paglabas niya sa Palasyo kahit panandalian lamang, upang mailabas naman niya ang mag negatibong pakiramdam niya sa mga araw na nagdaan. Hindi rin siya nabigyan ng pagkakataon na makadalo sa Azmar dahil sa tambak din ng kaniyang mga gawain sa Palasyo. Kinakailangan din niyang kitain ang mga opisyal at mga lupon na kaniyang nasasakupan. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng suporta para nag-iisang kapatid na si Prinsipe Ting Fei sa pamamagitan ng pagpayo at kinausap muna niya ito bago ito umalis bago tumahak sa patungo Azmar.

Hindi rin nagtagal ay dumating na sila sa Palasyo ng Jian Yu. Malaya silang nakapasok na agad din nagsipuwesto ang ilang daang na tagapagsilbi sa loob ng Palasyo sa pagbabalik ng kanilang pinakamamahal na emperador. Unang lumabas si Emperador Shan pero hindi niya muna inilabas ang mahimbing pang natutulog na si Rini. Bago man sila pumasok sa loob ng Palasyo ay pinakiusapan na niya ang kaniyang kanang kamay na si Heneral Peng na palihim nitong papasukin si Rini sa silid pampanauhin at magpatawag ng manggagamot upang mabigyang lunas na ang mga sugat na natamo ng prinsesa na tagapagmana. Hindi nag-atubiling sundin ito.

Sa paglabas niya sa karwahe ay agad lumuhod at yumuko ang mga tagapagsilbi sa kaniyang harap, na halos halikan na ang lupa. Nanatiling nasa likod ang kaniyang mga kamay. "Maaari na kayong tumayo." malumanay niyang utos sa mga ito.

Sumunod din ang mga ito sa kaniyang sinabi. Lumapit sa kaniya ang isa pa niyang personal na tagapagsilbi. Bukod pa kay Heneral Peng, pinagkakatiwalaan niya ang isa pa niyang kanang-kamay niya na si Lan, ang punung bating (chief eunch) ng Palasyo. "Kamahalan, nasa loob na po ng bulwagan ang mga pantas (scholar), lupon at mga opisyales." mahina nitong sabi.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon