Chapter 106

1K 72 1
                                    


Ilang beses pa ako kumurap sa harap ng salamin. Mas nilapitan ko pa ang aking sarili doon. Hindi makapaniwalang tingin ang iginawad ko sa aking repleksyon. Hindi ko mapigilang mag-alangan na kung ako ba talaga itong nakikita ko. Nalagyan lang kasi ako ng kolorete sa mukha, inayos ang aking buhok at maganda ang pagkabihis sa akin, halos hindi ko na nga makilala ang aking sarili. Ganito ba talaga ang palaging ginagawa ng mga babae dito sa bahay-aliwan? Tapos masyado pang ladlad ang aking kaluluwa gawa ng suot ko! Kulang nalang talaga ay ialok ang aking sarili sa mga sinasabing parokyano kahit hindi naman talaga ang intensyon ko!

Hindi bale, mas maigi na ang ganito at hindi nila ako makikilala na hindi naman talaga ako nagtatrabaho sa lugar na 'to na 'yon ang hiningin kong kondisyon. Ibig sabihin, mas malaya ko magagawa ang hangarin ko na makakuha ng mga impormasyon na kukunin ko. Kailangan ko matukoy kung sino mga nais kalabanin ang Emperador. Mas maaga ko malalaman, mas maganda. Dahil sa oras na makakuha ko ng mga sapat na impormasyon, kukuha naman ako ng sapat na ebidensya at masasabi ko na ito kay Emperador Shan kung anuman ang nalalaman ko.

Hindi harang ang pagiging babae ko upang tumapak sa maduming politika. Ha!

Nang nasiyahan na ako sa resulta ng pag-aayos nila sa akin ay humarap ako sa mga kababaihan na naririto sa silid na 'to. Nakita ko kung papaano umaliwalas ang kanilang mga mukha nang makita nila ako. Mas nasiyahan sila kaysa sa akin. Napadikit pa nila ang kanilang mga palad. Akala mo ay tagumpay ang kanilang ginawa sa akin.

"Ang ganda mo, Binibini!" masaya nilang bulalas. "Hindi na ako magtataka kung babalik-balikan ka ng mga parokyano sa oras na makita ka nila!"

"Maraming salamat din sa tulong ninyo upang ayusan ako..." mahina kong wika. Wala naman akong magagawa, pinagsikapan nila 'to kaya sa maliit na bagay lang ay mabigyang halaga ko 'to. At saka, pinahiram din nila ako ng magagandag damit tulad nito. Pero walan akong intensyon na bumalik dito.

Naputol ang pag-uusap namin nang biglang nagbukas ang pinto. Tumambad sa amin ang babaeng nagdala sa akin dito. Nakapameywang siyang pumasok dito. Iginala niya ang kaniyang paningin na para bang hinahanap niya ako sa hitsura niya.

"Nasaan na siya?!" malakas niyang tanong sa mga tao na naririto.

"Ginang Huang..." nag-aalangan na tawag sa kaniya ng isa sa mga babae, maganda at maputi siya pero mukhang isa siya sa mga pinakamamatanda na naririto. Lumapit ito sa akin. Lumipat siya sa aking likuran saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Heto na po siya. Ang baguhan na dinala po ninyo..." tukoy niya ay ako.

Inilipat niya sa akin ang tingin. Taas-noo niya akong tiningnan pero hindi nakawala sa paningin ko kung papaano siya ngumisi nang makita niya ako. Para bang nagtagumpay siya sa kaniyang plano! Gusto ko sana siyang murahin at sabunutan pero sa oras na magawa ko ang bagay na 'yon, hindi ko na magagawa ang aking layunin! Sige na nga, sasakyan ko nalang kung ano ang gusto ng babaeng 'to. Pero sising sisi 'to sa oras na malaman niya kung sino ako. Tss.

"Tumayo na kayo d'yan ay naghihintay na sila sa inyong pagdating!" malakas niynag utos sa amin.

Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga upang pakalmahin ang aking sistema. Hindi ko maitanggi na kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na magagawa ko ang bagay na 'to. Bukod pa doon, wala rin akong alam upang magsilbi sa mga tao na tulad ng tinutukoy ng Ginang Huang na 'to. Pero sige, bahala na kung ano na ang mangyayari. Basta ba maganda ang kapalit, 'yon ay mga kinakailangan kong mahahalagang impormasyon.

Nakasunod kaming lahat sa kaniya habang naglalakad kami sa pasilyo ng bahay-aliwan. Rinig ko ang mga iba't ibang klase ng tawa at bumingisngis ang naririnig ko, na siya naman ang pagtayo ng aking balahibo. Ang mas nakakatakot pa ay kung anu-anong mga imahinasyon ang nabubuo sa aking isipan. Pumikit ako ng mariin upang maglaho 'yon at makapag-isip ako ng tama sa oras na nasa harap ko na ang mga opisyal na tinutukoy.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon