Chapter 107

1K 70 2
                                    


Kalat na sa Thilawiel ang balita na ang prinsesa na tagapagmana na kanilang natunghayan simulang bumalik ito mula Azmar ay isa palang impostor. Umabot na din ito sa Cyan, Oloisean at Severassi. Alam ng mga mamamayan sa pagitan ng apat na Imperyo na 'yon na kung gaano kalapit si Prinsesa Rini sa tatlong prinsipe kaya laking gulat nila nang umabot sa kanila ang malaking balita na 'yon. Hindi lang doon, umabot din sa iba't ibang panig ng mundo tulad sa bansang Loray, ang bansa na iniligtas nina Rini pati ang kinabilangan nitong pangkat mula sa pananalasa ng mga demonyo sa kanilang lugar noon. Tulad ng inaasahan, hindi katanggap-tanggap na bigla nalang nawala ang presensya ng nawawalang prinsesa na parang bula. Pero nasa kamay ni Prinsipe Otis ang isa sa mga ebidensya. 'Yon ay ang bote na pinaglagyan ng ipinagbabawal na mahika na ginamit upang linlangin sila. At masama pa ay natagpuan 'yon sa bansang Azmar kung nasaan ang mga tao na nais gumanti sa nawawalang prinsesa, sina Prinsipe Arsalan at ang asawa nito. Kaya hinding hindi nila papalagpasin ito kaya ang huling desisyon na ginawa ni Prinsipe Otis---'yon ay tuluyan na niyang buburahin ang bansang Azmar at personal niyang papasalangin ang mag-asawa na 'yon na nanakit sa kaniyang asawa!

Ilang araw na din ang nakalipas ay hindi pa rin nabalik ang dalawang diyosa na sina Ceca at Frostine. Hindi niya maiwasang mag-alala para mga itinuring nilang anak-anakan ng babaeng pinakamamahal. Minsan pa ay binibisita siya nina Myvia at Hedis na parehong mga diyos at diyosa ng mundong-ilalim. Ito mismo ang nagsabi sa mga kasamahan na kapwa ding mga diyos at diyosa na hindi tunay na Rini ang nakasama at nakakausap nila dati kaya ang lagay ay matatagalan pa bago nila tuluyang magamit ang mahika nilang mag-asaw upang buhayin si Lorah.

Kakatapos niya lang lagdaan ang mga papel na nasa kanyang tabi. Nilagyan niya din ng selyo ito. Ipinatong niya 'yon sa isang tabi. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga nang isinandal niya ang kaniyng likuran sa upuan. Tumingala siya sa kisame ng kaniyang opisina. Nasa kaniyang tabi naman si Egos na nalulungkot din para sa kaniya, lalo na sa nangyayari ngayon sa Thilawiel. Hangg ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala.

Nang nakaraan lang ay personal niyang pinuntahan ang kaniyang ama upang makausap ito. Iminungkahi niya na nais niyang magbitaw ng isang malaking digmaan laban sa Azmar, tulad ng kaniyang inaasahan ay agad ito pumayag. Ganoon din ang tatlong Imperyo na malalapit sa kanila. Ngayon, ay nasa gitna na sila ng paghahanda. Siya mismo ang nag-anusyo sa mga kabalyerong Thilian na maghanda para sa paparating na digmaan. Binigyan siya ng masayang hiyawan ng mga ito tila hindi makapaghintay na mapapasabak na naman sila at gagawin niya ang lahat upang malaman kung nasaan ang nawawala niyang asawa. Kahit ilang bansa pa ang wawasakin niya basta makuha nila lang ng buhay ang prinsesa na tagapagmana, ang ina ng kanilang mga supling.

Nagbigay din siya ng utos kina Duke Arundel at Elvin. Hindi ito makakasama sa malaking digmaan na magaganap dahil nakahiwalay ang trabaho na ipapagawa niya sa mga ito ngunit tutulong ang mga ito sa paghahanap kay Rini. Ganoon din si Nira.

Napatingin silang dalawa ni Egos sa pinto nang biglang may kumatok. Kusang gumalaw si Egos upang lapitan ang pinto at buksan. May inabot sa kaniyang kanang kamay na isang bagay pagkatapos ay isinara ang pinto. Tahimik na lumapit si Egos sa kaniyang direksyon. Inabot sa kaniya ang isang pulang sobre. Hindi siya nag-alangan na tanggapin ito aska binuksan. Seryoso niyang binasa kung ano ang nakasaad. Sumilay nang kaunti ang ngiti sa kaniyang mukha. Pagkatapos basahin ay itiniklop niya ito saka ipinatong sa mesa. Tumayo na din siya.

"Kailangan ko nang pumunta sa lugar ng pagsasanay." pormal niyang pagpapaalam kay Egos. "Nasabi sa akin ni Prinsipe Reagan na naghahanda na din sila. Anumang oras daw ay tutulak na daw sila patungong Azmar."

"Masusunod po, Kamahalan. Ipapahanda ko na din po ang mga kagamitan na kakailangan ninyo sa inyong ekspidisyon." pormal din nitong sagot.

"Mabuti, mauuna na ako." magmartsa na siya palabas ng opisina.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon