MAHAL KITA

21 1 0
                                    

Chapter 26.
Nagising ako nang masakit ang katawan ko lalo na ang pagitan ng mga hita ko.

'Bakit parang pamilyar sa akin ang lugar na ito?'

Dahan-dahan kong tinignan ang katawan ko na natatakpan ng kumot. Napabalikwas ako ng bangon nang makitang wala akong kahit isang saplot sa katawan.

Lalo ring kumirot ang pagitan ng hita ko dahil sa aking pagtayo. Hinagilap ko ang aking damit sabay suot nito. Saktong-sakto namang bumukas ang pintuan at tumambad sa akin si Brett na may hawak na pagkain sa tray.

"Anong ginawa mo sa akin?" masama kong tinigan ang gwapo niyang mukha.

"We're making a love," simpleng sagot niya na parang ang tanong lang ay one plus one.

"You raped me?" galit kong sigaw sa kaniya.

"No. You begged for it," sabi niya na parang wala lang sa kaniya.

"Sinungaling-ah" akma ko sana siyang susugurin ng biglang sumakit ang pagitan ng hita ko.

Agad naman niyang inilapag ang hawak niya sa lamesa at pagkatapos ay inalalayan akong umupo.

"Does it still hurt?" malambing niyang tanong sa akin habang nakaluhod sa harapan ko at tinitingala ako.

Napasimangot ako dahil sa tanong niya. "Gaano ba kalaki 'yang iyo? At abot langit ang sakit," nakita kong mahina siyang napatawa dahil sa sinabi ko.

"I thought you measured it," sabi niya sabay halakhak.

"Bastos!" inis kong sabi rito.

"Sorry," saad niya sa akin.

Sorry? Para saan?

"Sorry because I don't regret what happened between us," sincere niyang sabi sa akin.

'Aba!'

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil nakakalunod ang kaniyang mga tingin sa akin. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaluhod at kinuha ang tray na may lamang pagkain.

"Kumain ka na," saad niya sa akin.

Akma niya sanang isusubo sa akin ang pagkain pero kinuha ko na agad sa kaniya ang kutsara at sinubuan ang sarili.

Pilit lang siyang ngumiti sa akin bago tumayo.

"Kukuha lang ako ng damit para sayo para makaligo ka na," saad niya sa akin.

"Hindi na. Uuwi rin ako kaagad pagkatapos nito," sabi ko sa kaniya na ikinahinto niya sa paglalakad.

Lumingon siya sa akin."Wala tayong pasok ngayon."

"Anong kinalaman non sa pag-uwi ko?" tanong ko sa kaniya.

Nakita kong parang may dumaan na lungkot sa kaniyang mga mata.

"Dito ka muna," sabi niya sa akin sabay iwas ng tingin.

"May gagawin pa ako," ipinagpatuloy ko ang aking pagkain at hindi na siya muling tinignan.

"Dito mo na lang gawin para matulungan kita."

Napapikit ako sa inis. "Ayaw kitang makita," diretsahang sabi ko sa kaniya para hindi na ito makahanap ng dahilan.

'Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kita dahil sobrang mahal parin kita at hindi ' iyon kailanman nababawasan'

Gusto kong sabihin sa kaniya iyon pero natatakot ako na baka wala na naman akong makuhang sagot mula sa kaniya. Natatakot ako na marinig mula sa bibig niya na ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon