KABANATA CLXXXVII

6.6K 30 0
                                    

Ano na ngayon?

Tumayo lang doon si Lily, napuno siya ng panic sa dibdib habang ngumunguso ang kaniyang mga labi.

Nang biglang isang kagulat gulat na eksena ang nagpakita sa screen. Isang wala sa sariling tao ang nagpadala ng isang damukal na mga regalo sa kaniyang platform na nagkakahalaga ng dalawang milyong dolyar!

Wow!

Agad na umingay nang dahil dito ang buong chatbox! Nagawa nitong magbigay ng dalawang milyong dolyar na halaga ng regalo sa isang idlap? Isa kaya itong bilyonaryo?

Matapos magdonate ng pera, nagcoment ang user na si 'Hill' sa chatbox.

[Wala ka nang kailangan gawin. Kumanta ka kung gusto mo nang kumanta.]

Agad na natahimik dito ang user na si 'Donghai Boss'.

Matapos basahin ang comment ni 'Hill', napuno ng pagpapasalamat sa kaniyang puso si Lily. Tatayo na sana siya para pasalamatan ito pero agad niyang nakita ang pag-alis ni Hill sa kaniyang page.

Knock! Knock! Knock!

"Maaari po ba akong pumasok Mr. President?" Tanong ng isang boses.

"Pasok ka."

Pumasok sa opisina si Pearl na may dalang isang bulto ng mga dokumento sa kaniyang mga kamay. "Mr. President, naayos ko na po ang pinpagawa niyo sa aking pagpapasikat kay Lily sa platform na ito. Ito na po an ating monthly revenue report. Tingnan niyo na po ito."

Iniskim ni Darryl ang mga dokumentong ito at nakangiting sinabi na "Hmmm, hindi na masama!"

Aminado siya sa kaniyang sarili na may kakayahanag humawak ng isang malaking kumpanya si Pearl. Nagawa niyang pataasin ang kita ng Platinum Corporation mula noong umupo siya bilang presidente nito.

Matapos makatanggap ng papuri, ngumiti si Pearl at ginamit ang oportunidad na ito para magtanong ng "Mr. President, mamayang gabi na po gaganapin ang Roger's Auction. Gusto niyo po bang magpunta roon? Nagdala po sila ng imbitasyon sa atin kaninang umaga."

"Roger's Auction? Anong klaseng pangalan ito?" isip ni Darryl sa kaniyang sarili.

"Hindi' hindi ako interesado."

"Pero Mr. President, hindi lang po ito isang basta bastang auction," dagdag ni Pearl "Pinangungunahan po ito n pamilya Roger."

Napasimangot dito si Darryl. Narinig na niya noon ang tungkol sa pamilya Roger. Maituturing na nga silang malaking pamilya, pero wala naman sa Donghai City ang karamihan sa kanilang mga investments.

Dito n nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita si Pearl. "Ayon po sa kanila, hindi lang po ito pambihiran alahas ang iaauction nila mamaya, marami rin sa mga iaauction ay mga kayamanang hindi pa nakikita ng lahat. Kasama na rito ang mga ari arian, mga license plate numbers at iba pa. Kaya naisip ko po na hindi rito masasayang ang inyong oras."

Nang sabihin niya iyon, umaasang tiningnan ni Pearl ang kaniyang boss na si Darryl.

Gustong gusto nang umattend dito ni Pearl mula noong malaman niya ang tungkol dito dalawang linggo na ang nakalilipas. Alam niyang mag aauction ang mga ito ng isang pares ng 'Worship of Crystal' na limitado lamang sa ninety na pares sa buong mundo. Kaya gaya ng ibang mga kababaihan, isang pangarap ang pagkakaroon ng mga ito pero hindi pa rin niya magawang abutin ang napakataas na halaga nito. Ang gusto niyang mangyari ay makita ito nang maigi sa gagawing auction mamayang gabi.

Matapos makita ng umaasang mukha ni Pearl, nag-isip ng isang sandali si Darryl bago sinabihan ng "Sige puwede kang sumama sa akin mamaya."

"Maraming salamat, Mr. President." Sagot ni Pearl. Naramdaman niya na napakasuwerte niya para magkaroon ng isang napakabait na boss na kagaya ni Darryl.

Habang nadepress naman si Yvonne nitong nakaraang araw. Hindi niya alam kung bakit pero walang tigil na pumapasok sa kaniyang isipan si Darryl. Ang imahe nito na sumusuri ng mga antique, ang itsura nito noong makipaglaban ito sa mga patin, ang katapangan nito sa pagligtas sa kanilang lahat at ang pagtanggap sa balang mula sa mga magnanakaw. Kahit na balot na ito ng dugo sa kaniyang katawan.

Parang isang sumpa ang pagpasok ng mga eksenang ito sa kaniyang isipan. Kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso sa bawat sandaling makita niya ito. Kalahating buwan na ang nakalilipas mula noong makausap niya si Darryl. Kaya iniisip niya kung nakarecover na ba ito o kung saan ba ito abala sa mga sandaling ito. Naramdaman ni Yvonne na para siyang magkakasakit nang dahil dito, wala siyang naging interes sa kahit na anong nangyari sa kaniyang paligid maliban dito.

"Yvonne."

Kasabay ang pagpasok ng ana niyang si Kingston sa kanilang sala.

"Nagdedaydream ka na naman ba rito sa bahay? Halika na! Isasama kita sa isang napakagandang event.

Napansin ni Kingston na hindi maganda ang mood ni Yvonne kaya gusto niya sana itong pasayahin.

"Wala akong ganang lumabas, Dad." bulong ni Yvonne.

Ngumiti naman si Kingston a sinabing, "Sigurado akong gusto mo ring magpunta sa auction na ito. Narinig mo ba ang tungkol sa Roger's Auction? Marami raw ang mga antique na ibebenta roon. Malay natin, maaari tayong makakuha ng ilan sa mga kayamanang iyon. Hindi ba't gusto mo ring magkaroon ng 'Worship of Crystal'? Ayon sa kanila mismo, mag aauction din daw sila ng isang pares nito mamaya.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now