4. Cruelty

1.2K 99 5
                                    

Farrah

"Sana makapag-isip ka nang maayos, mahal na hari." Saad ko at lumabas ng tindahan para makapag-gala.

Nasaan na ba yung tatlong yun..

Naglibot ako para hanapin sila nang biglang may bumunggo na bata sa'kin at nadumihan ng putik ang bestida ko.

May isang babae na hinila ang bata at lumuhod sa'kin, "P-Patawad kamahalan." Pagmamakaawa n'ya at halos idikit na ang mukha sa kalupaan.

Umupo ako upang magkatapat kami ng bata. Pinunasan ko ang madungis n'yang mukha, "Ayos lang, siguraduhin mo lang na sa susunod mababantayan mo ang iyong anak."

Binigyan ko s'ya ng ginto. Galing 'to sa hari, binigyan ako kanina.

"M-Maraming salamat, kamahalan." Sabi ng babae. Ang bata n'ya pa, parang labing-anim.

Tiningnan ko ang kamay ko na nadumihan kaya napabuntong hininga na lamang ako at pinagpatuloy ang paghahanap sa tatlo.

Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga tao habang naglalakad ako, "Anong problema nila?" Tanong ko sa aking sarili. May kabag ata.

"Oh! Bili na kayo bagong lihang mga patalim galing sa aming dakilang panday!" Nakarinig ako ng boses ng lalaki kung saan madaming taong nagsisiksikan.

Naririnig ko rin ang pagpapanday. Akmang maglalakad ako patungo doon nang may humawak sa braso ko, "Yo, kamahalan." Si Julia.

"Naalala mo 'ko? Bakit ka nandito? Diba 'di ka lumalabas ng palasyo? Hinanap mo ba ako prinsesa?" Sunod sunod na tanong n'ya at lumapit pa sa'kin ng isang dangkal. May halong asar pa ang ekspresyon n'ya.

Umiwas ako ng tingin, "S-Sinamahan ko lang yung kambal para bumili ng kasuotan." Sagot ko. Alam kong babae s'ya pero kung lalaki 'to ang gwapo n'ya.

"Ang dungis mo naman, anong nangyari sa'yo?" Pag-tataka ni Julia. Kibit-balikat lamang ang sagot ko.

"Pupunta ka ba do'n? Samahan na kita." Inakbayan n'ya ako patungo dun sa nagkukumpulan na mga tao, "Tabi!" Sigaw n'ya. 'Di ko alam kung tatawa ba ako o ewan.

Tumingin sa'min ang mga tao at nagbigay ng daan. Umupo si Julia sa bakanteng lamesa kung saan nakapatong yung mga sandata.

"Julia ano ba yan ang aga aga—" Naputol ang sasabihin ng nag-papanday nang magsalita ang tindero.

"M-Magandang umaga mahal na prinsesa." Pag-bati n'ya at yumuko.

"Magandang umaga." Bati ko pabalik.

"Sige lang kamahalan pumili ka lang, libre nalang para sa'yo—"

"Julia naman parang timang." Sabi nung nagbebenta at natawa si Julia. Ang cute nila!

Agaw pansin ko ang maliit na kutsilyo kaya 'yun ang kinuha ko. Pinagmasdan ko ang magandang disenyo, "Ang kutsilyo ng hari, magaling ka mamili kamahalan." Sabi nung Panday. Ang cool kasi, parang gusto ko isaksak sa mata ng mga nakatingin sa'kin.

Tiningnan ko ang kabuuan n'ya. Wala s'yang suot pang-itaas kaya nakabungad ang maganda n'yang pangangatawan. Kayumanggi ang kanyang kulay na bumagay sa gintong kulay ng kanyang mga mata.

Exist pala rito yung gold eyes, I mean ang ganda ng mata n'ya.

Itinapat ko sa kanya ang hawakan ng kutsilyo, "Gawin mong ginto ang hawakan." Utos ko.

Marahan s'yang tumawa, "Ano ang ipapalit mo, kamahalan?" Tanong n'ya. Hoy, 'wag kang tumawa masyado ka nang gwapo.

Iniyukom ko ang aking kamay at inilahad sa kanya 'yun. Itinapat n'ya ang kanyang palad kaya inilapag ko ang bagay na 'yun sa kanya, "Tama na ba 'yan bilang kabayaran?" Paninigurado ko.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon