Kabanata 19

76.5K 5.1K 4.1K
                                    

Kabanata 19

If you'll ask me what I learn about school during grade eleven, I'll probably answer that time is fleeting because you're lazy. Para ka tuloy ginagahol ka sa oras pero ang totoo ay tinamad ka lang talaga magsimula nang maaga.

"Ang dami ko pang hahabulin," I gulped upon seeing my tasks. Bukod kasi sa nakakabobo 'yong nga subjects namin, hindi naman talaga ako naging mabilis sa solving lalo na sa Calculus.

Akala ko pa naman ay tapos na ang delubyo namin sa Calculus. I barely survived Pre-Cal during the first semester. Tapos ngayon ay panibagong Calculus na naman ang naging problema ko. Basic Calculus! Basic daw? Basic i-bagsak kamo.

"Bwisit talaga, hindi ko naman magagamit sa reseta ko 'yong numero at letra na 'yan!" I frustratedly crumbled my paper.

Naiiyak na ako kasi bakit ba ang hardcore ng mga math subjects namin?! Kapag ba naningil ako dapat may f(x) din?!

Pakiramdam ko itong Calculus pa ang magdudulot ng sakit sa amin e. Imbis na maging doktora ako baka ako pa ang maging pasyente!

Bumuntonghininga ako at nagsimulang mag-solve na lamang dahil kakaunti na lang ang natitira na oras para sa acitivity na ito. I know that we will have a lot of math subjects since it is our specialized however my future career isn't heavily involved with mathematics. Parang binibiyak na ang ulo ko sa sobrang daming formula na pinagkakasya ko.

"Kaya lang naman ako nag-STEM kasi gusto ko mag-asawa ng engineer," Cecilla cried out. Isa sa mga kaklase ko. I laughed at her. Alam ko naman na biro lang 'yon.

Bukod pa sa mga subjects namin na kulang na lang tatakan na kami ng 'Rest in Peace' sa noo, may mga performance tasks pa kami sa core subjects na kailangan ng kapal ng mukha. At kung minsan ay tulala na lang talaga ako'ng pumapasok dahil sa taas ng expectations ng mga guro sa amin.

"Kaya n'yo 'yan. Ginusto n'yo 'yan e. Nag-STEM kayo, pinili n'yo 'yan kaya panagutan n'yo," biro ng guro namin sa Basic Cal na siya lang ang naka-appreciate.

I craned my neck to massage it. Ngalay na ito dahil sa sobrang pudpod ko sa papel ko.

STEM kasi kami, matalino dapat kami. I cringed at that statement. That's how people often see our strand. Porke't ba STEM, bawal na maging bobo kung nakakabobo naman talaga 'yong mga subjects?

I don't stress myself about it that much, though. Alam ko naman na kahit mataas o mababa ang resulta ng mga grades ko, si Adren lang naman ang binabantayan nila. They don't see me as a threat to their throne. Si Mareena pa nga ang pinababantayan ni Lolo. I was an outsider for the Reverios. I wasn't worth it.

I thought that they didn't notice me. Akala ko noon ay kinalimutan na nila ako. Hanggang sa dumating ang buwan ng disyembre.

"We'll be attending Etienne's birthday," Dayanara told me. Kapapasok ko pa lang ng mansion no'n nang maabutan ko siyang naka-ayos para yata sa kaarawan ni Etienne.

She was wearing an elegant dress. Halata na ginagaya n'ya ang pananamit ni Anais noon. I heard Tita Anais was a socialite before, baka siguro ay gusto rin ni Dayanara na sumunod.

The pressure of replacing Anais Reverio in the world of socialites is what keeps her busy these days. May pakiramdam ako na nirereto na n'ya si Mareena na kaibiganin ang ilan sa mga anak ng iba pang kilalang mayayaman sa bansa.

"I'll get dressed," paalam ko.

Dayanara fixed her diamond earrings while facing the wide mirror in our receiving area. "Dalian mo, huwag mo kami paghintayin. Your Dad will be there and also your brother. Make yourself useful, Solstice. Use that face of yours to gain connections for the Reverios."

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon