10. Fearful

724 91 3
                                    

Farrah

"Prinsesa mula sa gitnang emperyo." Pakilala ko sa isang kabalyero bago pumasok sa palasyo ng hilaga. Seryoso, kinakabahan ako.

"Julia, Tristan, sa hardin muna kayo." Sabi ko at tumango sila. Mas ligtas sila dun.

"Maligayang pag-dating sa kaharian ng hilaga, mahal na prinsesa." Pag-bati ng isang kabalyero at inalalayan akong hubarin ang cloak.

"Ang prinsipe?" Tanong ko.

"Nasa loob, kamahalan." Sagot n'ya kaya naglakad ako papasok sa loob.

"Noona!" Pag-lapit ng kambal sa'kin, "Kumusta?" Pag-bati ko.

"Maayos lang po kami." Sagot nila.

"Magandang gabi, mahal na prinsesa." Pagbati ni Thana. Ang ina ng kambal.

Yumuko ako bilang paggalang, "Magandang gabi, Dukesa."

"Paumanhin Dukesa, hihiramin ko lamang ang mahal na prinsesa." Sabi ni Kian at inilahad ang kamay sa'kin.

"Mabuti naman at naka-dalo ka." Masayang saad n'ya, "Nakakahiya kung hindi, diba?" Bahagyang pag-tawa ko.

Hinatid n'ya ako sa tapat ng kanyang ama kaya lumuhod ako, "Binabati kita sa iyong kaarawan, mahal na Hari."

"Salamat, munting prinsesa." Sabi ng hari.

"Farrah Alastair, prinsesa ng gitnang emperyo." Pakilala ko pa, "Maligayang kaarawan ulit mahal na hari." Pag-bati ko at umalis.

Bakit parang nagulat sila nang magpakilala ako? Hindi ba pala-labas ng bahay si Farrah?

Sabagay, pansin ko nga rin ang mga mata na nakatingin sa'kin. Katakot.

Kumuha ako ng maiinom, "Prinsesa Penelope..." Usal ko. Nilibot ko ang aking paningin at hindi ko pa nakikita si Theo. Hindi kaya kasama s'ya ng Prinsesa?

Poor Theodore..

Madami namang tao sa paligid kaya hindi naman siguro ako mapapansin dito. Lumabas ako ng palasyo upang puntahan ang dalawa sa hardin.

"Nagkatagpo ba kayo ng prinsesa?" Tanong ni Julia at umiling ako, "Kahit wag na, iniisip ko palang ugali n'ya naiinis na ako sa mukha n'ya." Sabi ko.

Bigla namang napuno ang bulungan sa paligid. Tumingin ako sa gawi ng mga tao at nakita ko si Theo kasama ang isang babaeng may mahabang buhok at mapupula ang mga labi.

"Tama nga ang sinabi mo kamahalan nakakapikon yung mukha." Bulong ni Julia. Kalmahan mo lang be.

"Tristan bantayan mo ang mga pagkain mamaya dahil natitiyak kong may maglalagay ng mga lason sa inumin." Sabi ni Julia at tumango si Tristan.

"Tiyak na kakailanganin ka sa loob kaya makipagsalamuha ka." Sabi n'ya sa'kin at tumango ako.

Pumasok kami ni Tristan sa loob ng palasyo, "Wag kang papahalata." Sabi ko at tumango s'ya.

Naglakad ako palapit kila Theo nang biglang may humila sa'kin papunta sa nag-sisiksikang mga tao, "Mahal na Prinsesa.."

"P-Pinuno?" Gulantang ko. Yumuko ako, "Hindi kita napansin." Sabi ko. oMg kA-gWaPo.

"Muntik na rin kita hindi mamukhaan dahil sa buhok mo, lalo kang gumanda." Sabi n'ya at agad ko naman s'yang pinasalamatan.

Gwapo rin naman s'ya. Pero mas gu-gwapo s'ya kapag naka-salamin s'ya, "Kumusta si Sasha?" Tanong ko.

"Maayos ang lagay n'ya at nakakakain na nang maayos." Ngumiti s'ya. Bwisit, na-distract ako..

"Kumusta ang braso mo?" Tanong n'ya. Ngumiti ako, "Maayos na ang lagay ko, pinuno."

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon