Chapter 58

277 13 0
                                    

Nag usap pa kami ni Lola sandali Hanggang sa napagpasiyahan namin na pumasok na sa loob ng bahay nila. Ngunit naka ilang hakbang palang kami ay may tumawag bigla sa kanya.

"Hi mommytaaaa!"

Napahinto kami ng marinig yun. Agad naman lumingon sa likuran namin si Lola.

"Valerie" Ani Lola.

Lumingon narin ako sa likuran ko para makita kung sino ang kausap ni Lola. Nang makita ko na ito ay agad akong napaikot ng mata.

Siya lang naman kasi yung babaeng kasama ni Calixian. At Hanggang ngayon ay para parin itong linta kung maka kapit kay Calixian.

"Mommyta, how are you na po? Long time no see! Pasensya na po hindi ako masyadong nakadalaw this past few days, naging busy kase ako sa fashion week eh!" Maarteng sabi nito.

"It's okay hija. Buti naman at naka dalaw ka na ngayon. And you're with my apo?"

Ewan ko pero parang nakita ko talaga ang pag ngiwi ni Lola habang nakikipag usap sa babaeng ito eh.

"Yes, I spend time with him earlier." Nakangiti nitong sambit. At may pa yakap yakap pang nalalaman kay Calixian. At si Calixian naman tuwang tuwa pa.

Tss. Malalandi talaga

"Kaya naman pala mag isa lang ang 'Fiancee' nitong apo ko kanina eh. Nasayo pala siya noh?" Sabi ni Lola at diniinan ang salitang 'fiancee'.

"Fiancee?" Nagtatakang sabi nung valerie.

Ngumiti naman si Lola saka ako hinawakan at hinarap kay Valerie.

"I want you to meet Felishia Ellison. My future grand daughter in law. Calixian's Fiancee"

Habang nagsasalita si Lola ay hindi ko mapigilan na hindi mapangisi dahil sa itsura nung Valerie. Hindi maipinta ang mukha niya habang nagsasalita si Lola. Makikita mo talaga ang pagka dismaya sa mukha niya.

Maasar nga to

"Hi Valerie" bati ko sa kanya at binigyan siya napaka tamis na ngiti. "Felishia Ellison, Calixian's Fiancee" dagdag ko at inabot ang kamay ko sa kanya.

Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa saka nagsalita.

"Are you really his fiancee?" Di makapaniwalang tanong nito.

"Yes" Sagot ko.

"But, you're cheap! You look like an ugly woman na hindi man lang alam na e-exist ang Fashion! Look at you! Kung nakikita mo lang ang sarili mo---

"Is that so? Yeah this outfit maybe cheap pero ang fiancee ko kasi ang pumili nito eh. Kanina kasi ang susuotin ko dapat ay isang napaka sexy at revealing na dress. And to be honest, naglaway nga yang fiancee ko kanina eh. Pero dahil possessive siya at gusto niyang siya lang ang makakita sa akin na suot suot yun ay pinagbihis niya ako." Sabi ko at di parin inalis ang ngiti sa labi ko para mas lalo siyang mainis.

Mukhang nag tagumpay naman ako dahil parang maiiyak na siya. Hinarap niya si Calixian at tinanong.

"Is that true? Is she really your fiancee? Tell me babe! Tell me!"

Napangiwi ako sa sinabi niya.

Wew! Babe you're face!

Tinaasan ko nang tingin si Calixian. Umayos naman siya ng tayo at saka nagsalita.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon