Chapter 10

1.6K 73 53
                                    

Chapter 10

"Jose Laurel used to be a puppet president of Japanese during his term in presidency. Kaya nga maraming galit sa kanya dahil tuta lang siya ng mga Hapon. Akala ko ba ay maka-bansa ka? Pero bakit ipinagtanggol mo ang isang presidente na sunud-sunuran lamang sa kagustuhan ng mga Hapon na sinakop ang bansa natin?"

Umigting ang panga ko nang narinig ang sinabi ni Nicole tungkol sa dating pangulo na siyang nakaupo sa puwesto ng pagkapresidente sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa bansang Pilipinas.

Ano kayang klaseng libro ang binabasa nito pagdating sa kasaysayan ng Pilipinas? Kuntento na kaya siya sa mga nabasa sa libro na pinapahiram sa amin sa school o naniniwala siya sa sinasabi ng iba at nakikisabay lang nang hindi man lang nagsasaliksik tungkol sa katotohanan?

Hindi naman masamang magbasa at maniwala sa kung anong nakasulat sa libro tungkol sa ating kasaysayan. Subalit mas maganda pa rin ang hindi makuntento sa mga librong ipinapabasa sa eskuwela dahil maraming kuwento at libro sa kasaysayan ang hindi pa nalalaman ng karamihan.

"Many people hate him for being a puppet without knowing he became a slave to protect Filipinos and the Philippines. The fact that late former Manuel Quezon, Laurel's predecessor, trusted him to take over the presidency whilst the Philippines was under the influence of Japanese colonials was already a huge responsibility. He was courageous, and willing to sacrifice his freedom for the sake of the Filipinos and our country, yet some people then and today still couldn't appreciate him."

Tumingin ako sa loob ng klase kung saan tahimik ang lahat ng kaklase ko bago ko muling tiningnan si Nicole. Kaming dalawa lang ang nakatayo rito at nagde-debate. No. I'm explaining some things, not debating.

There's a reason why a coin has two sides. Just like the history. Marami sa mga kakilala ko ay puro negatibo lang alam pagdating sa kasaysayan.

"Even the late then president Carlos Garcia described Laurel as a great patriot, eminent jurist, statesman, legislator and constitutionalist. Dahil ang tinatawag niyong puppet president, siya lang naman ang natatanging Pilipinong presidente na nagtrabaho sa ilalim ng tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura."

Maraming bumabatikos sa ilang naging presidente ng Pilipinas pero hindi nila makita ang mga sakripisyo na ginagawa nila para sa kabutihan ng nakararami. They only know the dark side of the story, and never try to see the bright side.

Those who never bother to see and appreciate what the former president like Jose Laurel had done for our country are truly blind. Galit na galit pero hindi naman alam ang tunay at lahat ng nangyari.

"Matinding kahirapan ang kinakaharap at walang katatagan ang gobyerno noong panahon niya kaya hindi natutulungan ang mga Pilipinong sobrang nangangailangan noon. He avoided war at all cost. Gustuhin man niyang ipagtanggol ang mga Pilipino—"

"Miss Zafe, tama na 'yan. Let's proceed to our next topic. Tumatakbo ang oras."

Hindi ko pinansin ang sinabi ng guro at nanatiling nakatingin kay Nicole na nakataas ang kilay.

"—ngunit nakatali ang mga kamay niya dahil alam niyang buhay ng mga Pilipino ang magiging kabayaran. When he—"

"Miss Zafe, are you deaf? I said, let's proceed to the next topic!" sigaw na ng teacher namin. "Ang hilig mong makipag-debate. Buong kuwento ba ng kasaysayan ay alam mo?"

My cheeks heated in embarrassment and annoyance especially when I saw Nicole and her friends laugh. Only their group found it funny. Wala akong nagawa kung hindi ipagpatuloy na lang ang report ko. Minadali ko na lang ang report ko at naupo na sa upuan.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon