16

428 29 5
                                    

xvi.

Napabangon ako sa kama, totoo ba ang nangyari kanina? G-Gusto ba ako ni Jay? Napahilamos ako ng mukha, imposible! Isang buwan palang kami halos na magkasama at magkausap. We barely know each other!

Buong gabi akong napapaisip, ano ba kasing trip niya bakit nya sinabi iyon? Is it because of too much worry? Dahil clumsy akong tao? But how did he...aah! Mababaliw na yata ako.

Sa sobrang daming thoughts na pumapasok sa utak ko kagabi ay napuyat ako, napaka hapdi ng mga mata ko nang bumangon ako. Maaga nalang akong pumasok suot ang isang shades ni tatay para hindi gaanong halata ang mga eyebags ko.

"Anong trend naman, 'yan?" salubong sa akin nina Shaira.

"Namamalimos trend ng mga poor!"

Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa room, iiwasan ko si Jay ngayong araw. Sa kasamaang palad, pumasok ito sa room kaya agad akong napayuko. Katahimikan ang namalagi sa loob ng room not until isinara ang front door.

"Good morning. I am Jay Solarez, and as you all know I am the Student Council President at Enhyfun Academy. I'm gonna do some surveys regarding the camp proposal of Engineering Department. This will be held before or after the midterms." aniya.

Nag get one and pass ang mg kaklase ko sa papel na iniabot niya sa harapan, nang makarating na sa may harapan ko ay wala na itong iniabot.

"Huy, wala na ba?" tanong ko.

"President Jay! Wala na pong survey paper, kulang po ng isa para kay Karen." aniya.

Napapikit ako ng marahan saka yumuko, nang makalapit na siya sa pwesto ko ay iniabot niya ang papel saka nagsalita.

"Why are you frowning? Enhyfun students should raise their chin, and be proud." Sabi niya.

Napairap ako pero since naka shades ako ngayon ay hindi niya iyon nakita, kinuha ko sakanya ang papel na naka normal lang ang level ng ulo saka na binigyan ng pangalan iyon.

Umalis kana muna, please.

"The survey papers will be passed to Miss Karen Sebastian. Passed it to me sa may library, later break time. Good day!" aniya.

Muntik nang mahulog ang panga ko sa sinabi niya. Ang sabi ko, iiwasan ko siya! Ganito ba mapaglaro ang tadhana?

Napagbuntong hining na lamang ako saka yumuko sa desk ko, naririnig kona ang mga halakhak ni Shaira.

"Poor girl, utusan."

Hindi ko sya pinansin, namamaga ang mga mata ko at mahahapdi. Sobrang bilis nga naman lumipas ang oras at tumunog na ang bell, isa isang inilalapag ng mga kaklase ko ang mga survey papers nila saka na lumabas ng room para mag break.

Mabagal akong naglakad sa hallway at corridor, and I just knew na nasa harap na ako ng library. Binuksan ko ito at bumungad sa aking harapan si Jay, sobrang lapit niya to the point na naaamoy ko sya. Marahan akong umatras saka inabot sakanya ang mga papel, nang kunin niya ay agad ako naglakad paalis.

Pero hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako kaya napatingin ako sakaniya, he took my shades off kaya napapikit ako. "Did I bothered you?" he asked.

Hindi Ko sumagot, "I'm so sorry for confessing all of a sudden." aniya. "I know that it's too early, we've just met. But I want you to know that I've known you ever since."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, how can he knew me gayong ngayon lang ako nag aral sa Enhyfun? And we've just met accidentally dahil nadaganan ko lang siya first day of school.

"Baliw ka, imposible na kilala mo na ako noon pa. Ngayon lang tayo nagkakilala, saka bitawan mo na nga ako. For your information, ma e-expired na po ang usapan natin. One month is over, kaya please lang huwag mo na akong guluhin okay?"

"You don't like  me?" biglaan niyang tanong!

If I'm going to ask myself, gusto ko nga ba si Jay? I can't find any answers right now. He's a good friend, he is...a good friend.

I sighed, kinuha kona ang shades ko saka ibinulsa iyon. "Pasensya kana Jay, pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo." sabi ko saka naglakad palayo.

Pumapalakpak ako sa may field, ako nalang kasi mag-isa dito at napaka tahimik pa. Para akong baliw na proud sa sarili ko, did I just friendzoned Jay? The Jay Solarez? Anong mala kdrama ang buhay na meron ako?

Ilang oras din ako nag stay sa field dahil mahaba haba din ang break time namin, nang mapagpasyahan ko nang bumalik sa room ay dahan dahan akong naglakad.

Marami ang nag uusap patungkol sa camping, hindi ko naman iyon pinansin dahil for sure ay hindi ako papasalihin ni Nanay dahil unang una, wala akong kasama, pangalawa wala silang kasama sa bahay.

Nilabas ko nalang ang libro ko saka pinag aralan ang iilang mga solving problems sa accountancy book. A very unusual day for me na hindi ako inaasar ng mga kaklase ko even sina Shaira. May maganda bang blessings na nangyari sakanila?

Sabay nanaman sana kaming umuwi ni Yeonjun, nguni't dumating ang malakas na ulan at hindi na niya ako madadaanan. Wala pa naman akong dinadalang payong kaya't sumilong muna ako sa may bus shelter.

Basang basa na ang uniform ko at giniginaw na rin ako, inalis ko muna ang blazer ko saka pinalipit ito upang matuyo, nalukot na ito nguni't maip-plantsa naman siguro.

Yakap yakap ang sarili, pilit kong pinapara ang isang tricycle, nguni't hindi yata ako makita dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nanginginig na rin ang panga ko, at pinagkiskisan ang dalawa kong palad para uminit naman ang pakiramdam ko.

Wala naman sa balitang uulan ngayong araw, bakit biglaan naman ang pag ulan? Nakaupo ako habang nakayakap sa sarili nang makakita ako ng estudyante din sa kabilang daan na lumilipat papunta dito sa bus shelter, but when I saw who is it, napayuko nalang ako sa bag ko.

Naramdaman ko nalang na mainit ang likuran ko, binigay ni Jay sa akin ang Blazer niya saka pinatuyo ang payong na dala niya. Usually, naka kotse siya, wala ba siyang kotse ngayon?

"Achu!"

Nanlaki ang mga mata ko nang mabahing ako, no! Bawal ako lagnatin! Sunod sunod na pagbahing ang ginawa ko kaya lumapit na sa akin si Jay.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

Napansin niya yatang basang basa ako kaya agad niyang inayos ang blazer nya sa likuran ko. He immediately called someone through his phone. Nanghihina na rin ako sa lamig, ilang minuto na ba akong nandito?

Ilang minuto pa ay may humintong magarbong van sa harapan namin, agad na binuhat ni Jay ang bag ko kaya pilit kong kinukuha iyon.

"A-Akin!"

"No, you're too weak to carry this heavy bag." aniya. "We're going home so you csn rest."

Huh?

Hindi agad maiproseso ng utak ko kaya umagal ako nang makuha ko ang ibig niyang sabihin, "Ayoko nga! Makakauwi ako mag-isa!"

"Can't you just accept my offer?" inis niyang sabi.

I have no strength pa para makipag bardagulan sakaniya, kaya sumama na ako sa warm niyang van at naka idlip doon ng mahimbing.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon