Chapter 24

1K 35 0
                                    


---

Tulad ng napag usapan namin ni Jaid kagabi, kasalukuyan kaming nasa kotse at nag babyahe papunta sa private island na pag mamay-ari ni Caius. Siya 'yong tahimik at misteryoso na kaibigan ni Jaid na sumama n'ong bumisita sila dati.

Sinilip ko si Mcervin sa back seat and I smiled silently while looking at him. Nakasalpak ang earphone sa mag kabila niyang tenga at nakahilig ang ulo sa bintana.

Ang gwapo ng anak ko!

Napalingon naman ako kay Jaid sa biglang pag hawak nito sa kamay ko. Tinaasan ko siya ng kilay pero umiling lang siya at tinuon ang mata sa harap. While driving, he keeps on squeezing my hand and I just let him.

"We'll just leave our car here" nangunot ang noo ko sa sinabi niya "We need to ride Caius private yatch to reach the island" napatango naman ako at nilingon ang anak ko na kanina pa pala kami pinapanuod. Nauna siyang bumaba kaya sumunod na kami. Awtomatikong kumapit siya sa kamay ko habang may kinausap naman si Jaid na sa tingin ko ay kakilala niya para pa bantayan ang sasakyan namin pagkatapos no'n ay lumapit na siya sa amin at inakbayan ako bago kami mag lakad papuntang pantalan.

"Magandang araw ho, sir Nart"

"Magandang araw din ho, kuya Bert. Ito po ang asawa at anak ko.."

"Asawa? Ikinasal na ba kayo?"

"Hindi pa po...pero malapit na" natawa ang mama sa kaniya at tumingin sa akin.

"Yvy ang pangalan mo hindi ba ija?" kahit nag tataka kung paano niya ako nakilala ay tumango ako. Tumango naman siya sa sagot ko at binigyan ako ng pala kaibigan na ngiti.

"Kilala kita dahil ikaw ang bukang bibig nitong binata na ito sa tuwing pupunta sila ng mga kaibigan niya sa isla. May isang beses pa nga na umiyak ito dahil hindi ka daw niya mahanap" natigilan ako sa sinabi niya at napaamang na tumingin sa aking katabi.

Nakita ko kung paano unti-unting pumula ang tenga niya at leeg. Napaiwas din ito ng tingin at nag kamot batok..gawain niya sa tuwing nahihiya o kinikilig siya.

"Kuya Bert naman, nilalaglag niyo naman po ako" tumawa si kuya Bert sa kaniya at tinapik ang balikat nito.

"Walang nakakahiya sa sinabi ko iho. Nag papatunay lang 'yon na mahal mo talaga si Yvy. Sumugal ka kahit hindi mo alam ang magiging resulta sa huli...oh siya't umalis na kayo para mas masulit niyo ang araw na ito. Mag iingat sa byahe ha?"

"Salamat po kuya.."

May samalubong na iilang tao sa amin pag kadaong ng yate. Kinarga ni Jaid ang anak namin at nauna silang bumaba bago niya ako binalikan at inalalayan. Nang umapak sa pinong-pinong buhangin ang paa ko ay awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi.

May kumuha sa gamit na dala namin at lumapit naman ang isang ginang na nasa 40s na Ang edad. Nakangiti kami nitong pinag masdan kaya nginitian ko ito pabalik.

"This is nanay Senya,babe. Siya 'yong care taker ng Isla ni Caius" napatango ako at nag lahad ng kamay sa ginang na tinanggap naman niya agad.

"Magandang araw po! Ako po si Yvy at ito naman po ang anak namin si Mcervin."

"Good morning po! Nice meeting you madame" napatawa ang matanda sa pagiging pormal ng anak ko.

"Oh siya't halina kayo sa kubo na titirhan niyo at mainit na dito" she lead the way while we silently followed. Gumagala din ang mata ko sa bawat paligid na madadaanan namin. May napansin ako na may iilang kubo na nakatayo dito..

"Hindi kami madalas lumabas ng isla at si senyorito Caius na din ang nag sabi na p'wede kami ditong tumira para hindi na kami mahirapan sa byahe sa tuwing lilinasan namin ang Isla" pag ke-kwento ni nanay Senya habang nakikinig naman ako.

Huminto kami sa isang kubo na katamtaman lang ang laki..Humarap siya sa amin at ngumiti ulit.

"Ipinasok na nila Kiko ang dala niyong gamit sa loob. Lumabas din kayo kapag matapos kayong mag pahinga para simulan ang kaunting salo-salo." napa tango nalang kami at nag pasalamat sa kaniya bago pumasok sa loob ng kubo.

"This place is paradise. Can we buy it, dad?" excited na saad ng anak namin kaya napatawa ang ama nito.

"Your Tito Caius won't probably agree with that" lumungkot naman ang anak ko sa narinig sa ama pero ginulo ni Jaid ang buhok nito at lumuhod para mag pantay sila ".... But we can buy our own island. Just give me a seconds and you'll have your own." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Susuwayin ko na sana siya pero nang makita ko kung paano lumiwanag ang mukha ng anak namin ay natigilan ako. Siguro ay mamaya ko nalang siya kakausapin.

Humiwalay siya sa amin para tawagan ang kaniyang sekretarya para ipag utos ang tungkol sa request ni Mcervin. Napailing nalang ako at inakay paloob si Mcervin para makapag bihis. Kakatapos ko lang isuot ang t-shirt ng anak ko ang siya namang pag pasok ni Jaid sa loob.

He look at me and to my son..he walk towards us and sit beside his son "Calvin already processing the papers for your island, nak. You'll have your own property before this day end" napatalon- talon naman sa ibabaw ng kama ang anak namin at yinakap ang ama pag katapos ay pinugpog ng halik.

Hinayaan ko naman sila na mag son and father bonding sa ibabaw ng kama habang kumuha ako ng pamalit sa bag ko at pumasok sa banyo para mag linis ng katawan.

Habang naliligo ay nabigla ako ng may kumatok sa pinto kaya napahinto ako sa pag hihilod. "Sino 'yan?"

"Babe..." nangunot ang noo ko sa tila nahihirapang boses ni Jaid. Hindi pa ako nakakabawi ng bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok siya doon. Mabilis akong tumalikod para itago ang pribado kong parte. Narinig ko ang tawa nito kaya mas lalo akong nahiya..

"Come on, babe. Wala ka ng maitatago sa akin, nakita ko na yan lahat"

"Ano bang ginagawa mo dito? Can't you wait till Im done here? Nasaan si Mcervin? Ano nalang ang iisipin no'n kung nakita ka niya na pumasok habang naliligo ako dito? You know our son, Jaid. He's to much for his age" matalino ang anak namin at isang tingin lang may namumuo ng konklusiyon iyon sa utak.

"Sinama siya ng anak ni Nanay Senya. Gusto din niya libutin ang Isla kaya pinayagan ko na---oy oy uy! Anong ginagawa mo? Bakit ka nag huhubad diyan?!" natataranta kong tanong sa kaniya pero ngumisi lang ito at tuluyang hinubad ang natitirang saplot sa katawan.

"I can still remember my promise to your dad, babe. So walang mangyayare, maliligo lang tayo"

Pinanliitan ko siya ng mata at tinignan ng ilang segundo para kumpirmahin na totoo siya sa sinasabi niya. He raise his both hands like surrending to someone and sighed.

"Alright. May mangyayare pero hindi kasali ang buddy ko at 'yang tinatakpan mo"

D-mn you Jaid and your mouth. You really know how to make me run out of words.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now