Chapter 25

1K 30 0
                                    


---

Nag tagal ang pag ligo namin pero walang nangyare kung yan ang nasa isip niyo. Well, meron nga pero puro panlalande lang 'yon ni Jaid and I can proudly say that I passed the temptations that's he's implying.

Yey! Hindi na ako marupok..

Tapos na akong mag bihis at hinihintay nalang si Jaid matapos para sabay na kaming lumabas ng kubo para puntahan sila nanay Senya..

Napailing nalang ako nang makitang tumutulo pa ang tubig sa buhok niya habang papalapit sa akin. He's wearing a white plain shirt, a summer shorts and flip-flops. I actually love this get up of him dahil hindi ko nakikita sa kalagayan niya ang sinasabi nilang halimaw pag dating sa business world.

People always says that he's ruthless, cunning, and undefeatable rival when it comes to business but seeing him right now, I don't know if they telling the truth or not. My Jaid's is so cute and can't even kill a bee..

"Come here, hon." tumingin siya sa akin at sa kama na nasa gilid ko bago humakbang palapit sa akin at naupo sa kama. Kinuha ko ang towel na nasa balikat niya at sinimulang punasan ang basa niyang buhok. Habang ginagawa ko iyon ay pumalibot naman ang kamay niya sa beywang ko at isinubsob ang mukha sa aking tiyan. He started kissing me there and even Im wearing my clothes, I still feel his warmth.

"Kailan kaya mag kakalaman ang tiyan mo?" natigil ako ng tumingala siya sa akin at inosenteng tinanong niya ang mga salitang iyon. I gulped and look away..alam ko ang tinutukoy niya. Hindi ko lang ine-expect na gugustuhin pa niyang masundan si Mcervin..

"What gender do you want for our next baby, wife?"

"Susundan natin si Mcervin?"

"Yes, why not? Gusto ko nga punuin ang bahay ng mga anak natin eh" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya nahampas ko siya sa balikat. Imbes na masaktan ay tumawa lang ito at sinundot sundot pa ang pisnge ko..

"Bakit ayaw mo?"

"Kung Ikaw kaya ang manganak?"

"I can't do that, wife. Pag gawa lang ang tanging maitutulong ko. Sasamahan din naman kita pag nasa delivery room ka na ah?"

Pvtragis na sabi 'yan. Gusto ata nitong batukan. Sinamaan ko siya ng tingin dahil wala akong masabi sa kalokuhan niya. He shrugged and stand up to get his phone above the table when I finished drying his hair.

"Let's go. Nanay Senya is waiting for us" hinawakan ko ang kamay niya na nakalahad at hawak kamay kaming lumabas ng kubo. Pinuntahan namin ang isang cottage na kung saan ay naroon sila nanay Senya at ang pamilya nito.

Ang mga kubo na nakita ko kanina ay mga bahay ng anim niyang anak. Lahat ay may pamilya na at pangingisda ang naging hanap buhay nila simula ng tumira sila dito. May katabing bayan ang Isla ni Caius at doon nila tinitinda ang mga isa na nahuhuli nila. They are not actually a poor person, may sarili silang pwesto sa kabilang bayan at sila ang tanging mapag bibilhan ng isda doon.

Naabutan namin si Mcervin na nasa gilid ng dagat kasama ang ibang bata na anak ng mga anak ni Nanay Senya. Hindi naman ako nabahala dahil bukod sa nakabantay ang bodyguard ni Jaid ay may kasama din silang matatanda na nanay siguro ng isa sa mga batang kalaro ng anak ko.

Kumuway sa amin si Nanay Senya ng mapansin kami kaya lumapit agad kami dito at natuon ang atensiyon sa mga kasama nito.

"Ay nako, sir! Siya na ba yan? Gandaders naman pala kaya deads na deads kayo" pang tutukso ng isang babae na mukhang matanda lang sa akin ng dalawang taon.

"Aba, Anya. Close kayo? Kung makapag salita ito akala mo iyong suki mo lang sa kabilang bayan"

"Jusmeyu Marila. Hanap ka ng trip mo at ako na naman ang nakita mo"

"Oh ayan na naman kayong dalawa. Mahiya nga kayo sa bisita. Sayang ang ganda niyo kung palengkera kayo"

"Abat---mag sitahimik kayo kung ayaw niyong ibilad ko kayo sa araw at gawing daing" natahimik sila nang sumabat na si Nanay Senya sa kanilang tatlo.

"Pag pasensiya niyo na ang mga anak ko. Ganiyan lang talaga sila, makakapal ang mukha"

"Nay!" kontra ng tatlo at napanguso ito. Hindi ko mapigilang hindi matawa ng kaunti kaya napatingin sila sa akin. Natigil lang ako ng mailang ako sa paninitig nila. Kumurap-kurap silang tatlo at nag katinginan..

"Ang swerte natin mga sis! Ganiyan pala ang itsura ng diyosa kapag tumatawa" namula ako sa sinabi nila at siniko si Jaid ng tumawa ito.

"You guys are right. My wife is a goddess, goddess of Jaid" tumawa pa ito sa huli kaya naman sa kaniya napunta ang tingin ng tatlo.

"Gwapo ka sana sir kaso mais ng banat mo. Hindi nakakakilig" supalpal sa kaniya ni Anya ba iyon? Narinig kong tinawag siya no'n ni Marila eh..

"Hindi ka kinikilig, babe?" baling nito sa akin na para bang nag hahanap ng kakampi..

"Ay naku, sir! Nakaka minus points po ang korni ang banat. Naku, sige kayo diyan sir baka maisip nalang bigla ni ma'am dyosa na palitan kayo kasi nga ang korni niyo" tumawa kami ng makita ang busangot na mukha ni Jaid. Napailing nalang ako at hinila siya para maupo at nag simulang maki halubilo sa ibang naroon.

Tinawag ni Marila ang mga bata para makakain. We happily spend our time together by asking questions to get to know each other. Kinabihan ay gumawa sila ng bonfire iyon nga lang ay kaunti nalang kami dahil ang iba ay kailangang matulog ng maaga dahil mag titinda pa sila sa kabilang isla bukas. Ang mga bata naman ay bawal mag puyat kaya kaunti lang kami na narito.

Jaid give me a bottle of beer and sat beside me. Gan'on din ang ginawa nila Marila na katabi nito si Luis na siyang matagal na niyang nobyo.

"Sige na Marila, wag ka nang pabebe" napalingon kami sa pang aasar na boses ni Anya. Sa kanilang tatlo ni Marila at Winter siya ang pinaka maingay at madaldal..

"Nahihiya nga ako. Ikaw nalang kung gusto mo tutal ay makapal naman mukha mo."

"Oh awat na at baka mag away na naman kayo" suway ni Winter sa dalawa. Winter actually is the youngest among them pero ito ang taga suway sa dalawa.

"Kumanta ka nalang, ate. Tutal ay may back up music ka naman kay kuya Luis. Siya na mag gigitara para sa'yo" mahinahon na saad ni Winter kaya napapalakpak ako.

"You know how to sing? Come on, let us hear it!" excited na saad ko para mapatingin silang lahat sa akin. Nakita ko ang pamumula ng pisnge ni Marila at nahihiyang tumango kaya mas napangiti ako.

"We can all sing together if you like. Let's do the jamming, guys! Namiss ko na ang gan'on." sumang ayon naman sila sa sinabi ko kaya umayos ng upo si Luis and then he started to play the guitar..

Nag katinginan kaming lahat at humanap ng tiyempo bago nag simulang kumanta.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now