C27

557 69 6
                                    

Jaydee's Pov

Day 27

4 days and still counting queen , every seconds, minutes ,hours ay naghihintay akong imulat mo ang iyong mga mata o di kaya ay maigalaw mo man lang ang kahit isang daliri mo.

As the time passed mas lalong umiikli ang chansa ng pag gising mo at ang pangarap ko na maikasal ka sa akin habang may oras pa.

Nasa mas gilid lang ako at hawak itong diary ko , dito ko isinusulat lahat ng nga thoughts ko this past few days.

Mga kaganapan na hindi ko inaaasahang mangyayari , akala ko puro saya lang ang magagawa natin pero hindi ko inasahang ganito ang naging sitwasyon.

For the 4th day ay nakatago lang sa may gilid ang singsing, ang singsing na pinrepare ko nung nasa batanggas pa tayo.

Marahil ay naiwan ko iyun doon ngunit hinahanap ko siya nung nakabalik ako doon at himala sapagkat nakita ko pa din siya so that means kailangan mo din akong balikan queen ,kailangan mong gumising dyan nang maisakatuparan ko na itong plano ko.

Plinano ko ng mag isa para sa atin , madami pa tayong hindi nagagawa kaya bumangon kana dyan at hagkan mo ako ng may mga ngiti sa labi.

Everyday kong kinukuhanan ka ng litrato na suot suot ang singsing na ito , tanda ng pagmamahal ko sayo.

Sana lang ay hindi pa mahuli ang lahat , sana masabi ko pa sayo ang katagang mahal na mahal kita at hindi magbabago iyun kahit anong mangyari.

Click! Click! Click!

Hawak ko ngayon ang instax ko at kinuhanan siyang muli ng litrato , nakasuot din sa akin yung singsing ko ganun din yung sa kanya.

"Jaydee anak? Kailangan mong magpahinga na sa ngayon , mas mabuti pa na umuwi na muna tayo ng bahay ng sa ganun ay makompleto ang pahinga mo" sabi naman ni daddy, tinignan ko lang siya at napailing ako , ayokong iwanan si frances dito.

Ayokong magpahinga kasi natatakot ako na baka hindi na ako magising , natatakot ako na baka eto na yung last na makikita o masisilayan ko ang kagandahan niya.

"I wanted to stay dad? Hindi din ako mapapakali kung sakaling umuwi din tayo ngayon kaya let me stay here , okay lang ako dad" tugon ko sa kanya saka hinigpitan ang pagkakahawak ko kay queen , may mumunting luha akong nakikita sa kanyang mga mata kaya agad na akong kumuha ng tuwalya upang punasan iyun.

"Jaydee?! You need to give up na at asikasuhin yung sarili mo okay?! Nak makinig ka na muna sa akin at wag ng matigas ang ulo mo" aniya sa akin ni daddy saka hinawakan ang aking balikat , napatayo naman ako upang harapin siya habang tumutulo ang aking luha.

"No dad hindi ko siya susukuan? Siya lang ang taong nag iisa na hindi ako sinukuan dad? Ngayon ako naman! Naniniwala ako na magigising siya dad! Naniniwala ako!" Naiiyak na sabi ko kasabay nun ay ang pagtunog ng machine ni queen na sandi upang mapatingin kaming dalawa dun ni daddy.

Nagpanic na kami dahil doon at tsaka napatakbo na ako palabas upang tawagin ang mga doctor na inasign sa kanya.

Mabilis lang ang pagresponde nila at sinubukan na nilang icpr si queen at yung isang nurse ay sinabihan na magdala ng defibrillator nang sa ganun ay magamit iyun sa panunumbalik ng heart beat ni queen.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now