CHAPTER 1

21.9K 859 326
                                    

Kitten

KANINA pa ako naghahalungkat ng mga gamit namin ni Nanay pero hindi ko mahanap ang wallet ko. Ang huling naaalala ko ay inilagay ko lang iyon sa bulsa ng backpack ko.

Hindi kaya nahulog sa kung saan? Huwag naman sana sa ospital nahulog. Sayang naman ang laman no'n. May 260 pesos pa 'yon doon. Isa pa, may mga pictures ko 'yon at ng best friend kong si Zia Lynn.

Sumuko na lang ako sa paghahanap. Kinuha ko ang wine glass na ipinatong ko sa ibabaw ng lamesita saka nagtungo sa terrace na nasa labas ng kuwarto. May party sa lawn ng mansyon pero ayaw kong bumaba dahil wala akong damit na maisuot. Nakakahiya naman kasi nakabihis silang lahat. Malay ko bang magpapa-party sila rito?

Humawak ako sa railings saka tumingin sa ibaba. Maraming mga tao. Pero hindi ako mapapansin masyado rito kasi matatangkad ang mga halamang nasa paso.

"I bet, you have a crush on Kuya. Am I right?"

Nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Señorito Timothy. Muntik ko na tuloy maubos ang laman ng wine glass ko. Actually, hindi naman wine ang laman nito, kundi soda. Bawal pa raw kasi ako sa alak sabi ni Nanay dahil 14 pa lang ako.

"Ano'ng pinagsasabi mo? Ako? May gusto sa kuya mo?" Itinuro ko pa ang sarili ko para makasigurado.

"I don't need a lie detector test to prove my hunch," confident niyang sabi sabay lagok mula sa bitbit niyang wine glass.

Lumabi ako. Test lang yata naintindihan ko sa sinabi niya.

"For your information, puwet mong may lotion, kakabitan ng ribbon, congratulations!"

Kumunot ang noo ni Señorito Timothy. "What?"

"Wala! Ang sabi ko, FYI, wala akong gusto kay Señorito Gaston, 'no! Sa'n mo naman nakuha ang ideyang 'yon? Sa sungit niyang 'yon? Malabong magkaka-crush ako ro'n!"

Umiwas ako ng tingin sabay tingin sa baba. Ayaw kong bumaba kasi nahihiya ako. Maraming tao. May party kasi rito sa mansyon ng mga Bustamante. Pa-welcome party para kay Tiyang Sol dahil nakalabas na siya ng ospital.

"Really? Wala ka talagang gusto kay kuya?" taas-kilay na tanong ng payatot na Señorito. Nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa 'kin. Hindi ko nga alam kung bakit nandito rin siya, e. Dapat nasa ibaba siya, nakikipag-usap sa mga tauhan ng hacienda nila. Basta-basta na lang siyang pumasok sa guest room por que bahay nila 'to. Feeling close din ang isang 'to.

"Wala nga! Ang kulit mo rin, ano? Ilang beses ka bang inire ng Mommy mo?"

"Then, why are you blushing?"

Mabilis akong tumalikod saka hinawakan ang kabilang pisngi ko. 'Di nga? Halata ba talaga?

Wala naman talaga akong gusto kay Señorito Gaston. Pero humahanga ako sa kaguwapuhan at kakisigan niya, siguro mga nasa 49% pa lang ang pagkagusto ko sa kanya. Para kasi siyang bida sa isang pelikula. Matikas, matangkad, guwapo, matangos ang ilong, mapupula ang kanyang mga labi. Ang mga mata niya parang gate papuntang langit. Malamig kasi pero malalim kung tumitig. Basta, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko tuwing nakakasalubong ko siya rito sa mansyon.

"See? I was right. May gusto ka nga kay Kuya."

"Hindi, ah!" mabilis kong tanggi. Umiling-iling pa ako bago humarap sa kanya.

"Saka hindi ako nagba-blush, 'no. Epekto lang 'to ng wine. Nalasing lang ako," tanggi ko.

"Nakalalasing na pala ngayon ang soda," nakangising sabi niya.

Napangiwi ako. Nakakainis, mahirap isahan ang payatot na 'to, ah.

"Basta, wala akong gusto kay Señorito Gaston kasi masungit siya. Ang mamahalin ng ngiti niya at parang laging galit. Tapos malaki pa 'yong ano-"

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon