Chapter 4

25 5 0
                                    

Im humming to myself while walking papuntang school. Maganda ang gising ko ngayon dahil nabigyan ako ni mama ng malaking allowance.

Minsan lang sapian ng pagiging galante si mama kaya nilubos-lubos ko na ang paghingi ng baon. Hindi naman ako maluho sadyang gusto ko lang talaga na marami akong extrang pera.

"Magandang umaga Kuya" nakangiti kong bati sa guard namin

"Maganda na naman ang gising mo Rina ano" Nakangiting balik bati ni kuya Elmo sakin.

"Oo naman kuya " sagot ko sabay pakita ng ID ko sa kanya kaya pinapasok niya ako sa gate.

"Mag-aral kang mabuti Rina at paki kamusta nalang ako sa mama mo" tumatango akong tumalikod sa kanya.

Rina ang tawag ng karamihan sa akin samantalang Bree naman sina Erin at Lina. Nang umalis si Papa ay dinala ako ni Mama dito.

Grade 8 ako ng pumunta kami ni mama dito sa Isla De Nueva. Dito kasi talaga ang Lugar ni mama habang taga Manila talaga si Papa at sobrang thankful ako kasi ang babait ng mga tao dito samin.

Agad akong napanguso ng maalala ang huling pagkikita namin ni Demetri, hindi ko alam kong galit ba siya sakin dahil naghintay siya ng isang oras sa labas ng palengke. Kasalanan niya rin naman yun eh, kung sana ay sinabihan niya ako edi sana hinintay ko siya bago ako pumasok o di kaya ay mas binilisan ko ang kilos.

"Breeee magandang umaga" nakangiting bungad sakin ni Erin ng makapasok ako sa classroom knamin.

"Magandang umaga rin sayo Erin, ang hyper mo ata ngayon" nakangiti ko ring bati sa kanya sabay upo sa upuan ko sa tabi ng bintana.

"Wala lang masaya lang ako ngayon" sagot niya sabay ngiti ng napaka lapad sakin, even her eyes are smiling.

Weird ngayon ko lang talaga siya nakita na ganyan kasaya.

"Magandang umaga mga babaita" masiglang bati ni Lina sa lahat, wala pa ang mga kaklase naming lalaki malamang ay tumatambay pa ang mga iyon sa hallway at naghahanap ng makukulit.

"Magandang umaga rin Lina" sigaw ni Erin sabay tayo at niyakap si Lina.  Bumati pabalik kay Lina ang lahat habang nakangiti naman si Erin ng malapad. 

Ang wierd niya talaga ngayon.

Buong umaga na sobrang sigla ni Erin, nakangiti sa lahat at napaka active sa klase. She even volunteered to bring the books we used in the library na hindi naman niya ginagawa dati dahil sobrang tamad ng babaeng iyon.

Nagkatinginan na lamang kami ni Lina ng bigla niyang ianunsyo na manlilibre siya ngayon. Buong section namin ang ililibre niya. Kaya sobrang saya ng lahat dahil once in a blue moon lang manlibre si Erin.

"Anung meron at bakit sobrang saya ni Erin?" tanong ko kay Lina na nasa cellphone ang mga mata.

"I dunno Bree, she said nothing" she shrugged her shoulders telling me she doesn't know anything too.

"Ang weird niya kasi ngayon, para siyang sinaniban ng kasiyahan, kabaitan at pagiging galante" saad ko at tinanggap ang pagkain na ibibigay sakin ni Jaira ang room mayor namin. Sila kasi ang nag-order ng pagkain namin.

"Parang si mama lang kanina" dugtong ko sa mahinang boses.

"Lets ask her later at baka masabi mo rin samin ang dahilan ng mga ngiti mo nong nakaraan" she eye me suspiciously. I roll my eyes at her and start eating my foods.

---
"Do you mind telling us the reason of  your happiness Erin?"

I raise a brow at her waiting for her to share. Nandito kami ngayon sa likod na bahagi ng school where we usually go maliban sa garden kapag vacant namin. I close my books as Lina pinch her.

"Ouch"

Hiyaw nito habang hinahawakan ang brasong sinaktan ni Lina

"Oh tapos kanang mag daydream madam? Kanina pa kita tinatanong pero para kang tangang ngumingiti sa kawalan." naiinis na sabi ni Lina.

Erin shook her head lightly and held her chin.

"Kinikilig kasi ako mga babaita"

 Namumula ang buong mukha niya habang inaalala ang dahilan nito. Nakangiti rin kaming nakikinig ni Lina habang sinasabi niya samin kung paano siya tinulungan ng lalaki kahapon.

"Pogi ba yung tumulong sayo?" tanong ni Lina

"Definitely gurl" sagot ni Erin sabay kumpas ng kamay. 

"Oh my gosh naghalikan kayo?" tumitiling tanong ni Lina, Napa kunot noo ako sa tanong nito.

"No! Tinulungan lng ako ng tao dahil na hulog ko yung libro ko but gurlsss" makulit na ginalaw-galaw ni Erin ang kilay habang may malaking ngiti na nakapaskil sa labi

"What? Ay naku Erin umayos ka wag mo kaming binibitin" pabiro kong saad dito

"Sa tingin ko siya na ang ka poreber ko" sabay kaming napa-ikot ng mata ni Lina.

"Hay Ewan ko sayo"

Inayos ko ang gamit at iniwan ang dalawa, kailangan ko pang gampanan ang pagiging SA ko.

Wounds Of the Heart (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon