Chapter 16

11.9K 789 452
                                    

"Are you tired?"

Seth asked habang nagpapahinga kami. We were just standing in front of an eyeglass store dahil kanina pa kami lakad ng lakad. Maraming nagpapakuha ng picture sa amin ─ lalo na rito sa kasama ko. At parang hindi siya nauubusan ng energy makipag-interact sa mga tao. He's so friendly and charming, no wonder he has many admirers. Bukod sa siyempre ay gwapo nga naman talaga siya.

"Okay lang ako," sagot ko sa kanya. Huminga ako ng malalim. "Last na rin naman na 'to."

He chuckled. "Last na lap around the mall and then we're going to change our costumes back to normal and then we're going home. Want to stay in my place?"

Tinitigan ko siya. "Anong gagawin ko ro'n?"

"Maglalaro tayong barbie."

Natawa ako kahit sobrang seryoso ng expression niya. Alam ko namang nagbibiro lang siya. "Hindi na ─"

"So, can I take pictures with you?"

Parang huminto naman saglit ang tibok ng puso ko sa pamilyar na boses na 'yon, bago ito muling tumibok ng mabilis ─ at doble pa sa normal na rate ng pagtibok. Oh, my god. Sa lahat ba naman ng pagkakataon...

"Hey, North, right?" Umakbay sa akin si Seth nang sabihin iyon. Tumango naman si North at ngumiti.

Hindi ko mapigilan sipatin ang kabuoan niya. Ang simple niyang tingnan pero kahit ganoon ay malakas pa rin ang dating nito. Bilang lang yata sa daliring nakita ko siyang nakasuot ng dress, and baby pink suits her. It looks refreshing and very feminine. Naka-bun din ang buhok niya in a slightly messy style, accentuating both of her neck and shoulders.

"And if I remember it right, you're Gail's boyfriend." Ngumiti siya at ini-extend ang kamay for a handshake na kaagad namang inabot ng kasama ko. "Seth?"

"Good memory." He chuckled. Nagbitaw din naman kaagad sila. "But a little correction, it's ex now."

Kumunot ang noo ni North at napalingon sa akin. Hindi ko naman alam ang sasabihin. Lagot na, bakit naman biglang sinabi iyon ni Seth? Wala naman kaming pinag-usapang ganoon! I mean, sure, it's the plan, pero hindi ko naman naisip na ngayon na mangyayari yung pretend breakup!

"Gail and I decided to be just friends."

Nakitango na lang ako para maki-agree sa sinasabi ng currently ay ex ko na raw, kahit hindi pa naman dapat. Wala na, eh, nagdesisyon na siya para sa akin dahil indecisive ako in terms ng mga dapat kong gawin sa love life kong ni hindi naman talaga umuusbong, wala talagang progress.

I guess...this is the right thing to do ─ it is the right thing to do. But what should I do next? What will happen next? I don't feel good about this. Parang pakiramdam ko nawalan ako ng shield o ano. Hindi ko maipaliwanag.

"Well, that's good na hindi awkward for you two at nag-cosplay pa kayong dalawa," North chuckled. "Although sayang din, since years din itinagal ninyo."

Hindi ko alam kung anong ir-react. Nagu-guilty ako na hindi ko maintindihan.

Parang gusto ko sabihing all this time ay wala akong boyfriend, pero I doubt masasabi ko yung real reason bakit ko nagawa yung ganito. Siguro okay nang hindi niya alam.

"What's important is we're still friends," Seth replied. "And here's your friend ─ single and ready to mingle! Baka may mairereto ka rito kay Gail."

"Hoy!" Inalis ko yung pagkakaakbay niya sa akin kasabay nang pagsiko sa tagiliran niya, he groaned a bit and then laughed. Binalingan ko ng tingin si North, she's not smiling or anything kaya parang nailang ako. "H-huwag mo pansinin pinagsasabi nito."

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon