Chapter 59

287 10 0
                                    

Kahit pa di ko kabisado tung lugar nang Lola ni Calixian ay nauna akong naglakad. Iniisip ko kung ano ang pwede kong gawin para maisakatuparan yung request ni Lola sa akin. Di naman sa nahihirapan ako pero kasi iba yung taste nang lalaking yun eh.

Kung akitin ko nalang kaya?

Napailing ako sa naisip. "Hindi tatalab yun, boba. Isa ka nga lang skeleton para sa kanya eh psh."

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nag iisip ng plano nang may maramdaman akong may nagmamasid sa akin.

Tumingin tingin ako sa paligid ngunit puro mga mayayabong na puno lang talaga ang makikita ko.

"Teka, bakit mas lalong dumami ang mga puno dito? Nasan na ba kasi yung bahay nila? Kanina pa ako naglalakad di ko naman mahanap! Mukhang naliligaw na ata ako"

Nakagat ko ang sariling labi sa pag iisip na nawawala nga ako. Tinignan ko ang dinadaanan ko kung saan ito patungo. Ngunit sa nakikita ko mukhang mga puno nalang talaga ang nandito.

Napagpasiyan ko na bumalik nalang sa daan na tinahak ko kanina baka sakaling nandun pa sila Lola. Ngunit di paman ako nakalayo ay may biglang humila sa buhok ko.

"A-aray ano ba! Bitawan mo ko!" Sabi ko habang nagpupumiglas sa kung sino man ang humila ng buhok ko.

"Bitch! You'll pay for what you did!"

Sa way nang pananalita nito ay halatang galit na galit nga ito.

"Bitawan mo ko Valerie!" Nahihirapan kong sambit dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.

Di niya ako pinakinggan at basta nalang akong hinila. Napapikit nalang ako sa kung ano man ang mangyayari sa akin.

"You're a witch! Ang panget panget mo para patulan ni Calixian, siguro ginayuma mo siya no?" Valerie

"First of all I'm not a-aray! I'm not a witch! And what did you just said? 'Panget' ba kamo? Huh! Sarili mo yata ang sinabihan mo nun!!" Singhal ko sa kanya.

"At may gana ka pang sagutin ako huh! Tignan natin ngayon"

Agad niya akong binitawan kaya napaayos ako ng tayo. Ngunit nang makaharap ako sa kanya ay biglang nanlaki ang mata ko at para akong tinakasan ng dugo sa nakita ko.

Ngumisi naman siya bigla habang inaayos ang pagkakahawak sa ahas na dala niya.

"Oh, akala ko ba matapang ka? Ba't ngayon natuod ka diyan sa kinatatayuan mo? Are you afraid of snakes? HAHA kalahi mo kinakatakutan mo?" Sabi niya.

Humakbang ako patalikod habang nanlalaki parin ang mata.

Jusko ngayon na ba ako mamatay?

"Trying to scape huh?" Aniya saka bigla nalang inilapit sa akin ang ahas.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!"

Napasigaw ako dahil sa takot. Nanginginig na ako sa takot at hinintay nalang ang kamatayan ko nang bigla siyang tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHA what a funny witch! Takot sa kalahi niya? HAHAHAHAHAHAHA"

Iminulat ko ang mata ko at nakitang hawak hawak parin niya ang ahas. Halos maiyak na ako dahil sa takot.

"Are you going to cry now? Ang babaw mo naman! Di pa nga ako nagsisimula---

"Wala ka talagang sisimulan dahil simula pa naman, wala ka talagang dapat simulan dahil wala kang  karapatan kay Calixian!" Singhal ko sa kanya.

Nawala naman ang ngisi sa mukha niya ng banggitin ko yun at napalitan nang galit. Hinanda ko na ang sarili ko at tumalikod na para sana tumakbo nang mabangga ako sa isang tao.

"Hey, careful"

Inangat ko ang tingin ko sa taong nabangga ko at naiyak nalang ako nang makita ko si Calixian.

"Calixian" mahinang bulong ko at walang pasabing yumakap sa kanya dahil sa takot. Bahala na kung anong iisipin niya.

"Valerie? Jusko bakit ka may dala dalang ahas?" Rinig kong sambit ni Lola.

"It's because of that bitch! Inagaw niya sa akin si Calixian Mommyta!" Sigaw niya.

"Inagaw? Anong inagaw? Wala siyang inagaw sayo, kase fiancee siya ng apo ko. He choose her to be with him forever. Ano bang problema mo dun?" Lola.

Nanginginig na ako kakaiyak dahil sa takot ko sa ahas--teka. Dahan dahan akong nag angat ng tingin kay Calixian na blangko lang ang tingin sa Lola niya at kay Valerie na nag uusap.

"C-calixian" tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang nag baba ng tingin sa akin.

"Yung s-snake, dala-dala pa ni Valerie baka mapano siya" mahina kong sambit.

"Don't mind it. That's here pet" aniya at blangko na naman ang tingin.

"Pet?" Di makapaniwalang sambit ko.

"Yes my dear, she's my pet. Wanna be friends with her? Kalahi mo naman---

"Valerie, stop scaring her" putol ni Calixian kay Valerie.

Tumawa naman ng malakas si Valerie.

"Relax, I'm just welcoming that bitch over here, wala siya sa syudad! She might encounter wild animals dito sa probinsya kaya inunahan ko nalang"

Pairap akong bumaling ng tingin kay Valerie

"Stop this Valerie, I know you've hurt knowing that Calixian will be my husband soon but please stop, kahit naman anong gawin mo, sa akin parin ang bagsak ni Calixian eh." Sabi ko sa kanya at pinahid ang mga luha ko kanina.

"Stop this! It's getting darker. I'm sure gutom na kayo. Magsi uwi nalang tayo pwede ba yun? Valerie, go to you're house now. I'm sure hinahanap ka na ng parents mo. And please don't bring you're pet again" Ani Lola.

"Fine, but I'm not done with you!" Ani Valerie at umirap saka umalis. .

Nakahinga naman ako ng maluwag ng maka alis na siya.

"Are you okay hija?" Tanong ni Lola sa akin.

"Yes po, pasensya na po sa nangyari"

"No, no don't be sorry. I should be the one saying sorry to you, kabago bago mo lang dito yun na agad ang nangyari. Pagpasensyahan mo na yung si Valerie, may pagka maldita kase yung batang yun eh. Spoiled pa, gusto niya lahat nakukuha niya kaya nung malaman niya na ikaw ang fiancee ng apo ko ay ayun parang baliw" naiiling na sabi ni Lola.

"Let's go, I'm hungry" sabi ni Calixian at naunang maglakad.

"Hintay naman!" Sigaw ko dahil ang bilis niyang maglakad.

"Tss, hurry up! Follow me properly baka kung saan saan ka na naman aabot tas biglang magsisigaw" bulong niya ngunit rinig ko naman

"Duh pabulong bulong pa rinig na rinig ko naman"

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon