Chapter 21

2.8K 177 21
                                    

Malori POV

TILA Tuod na naka tayo ako sa may pintuan ng makita ko kung sino ang mga taong naka upo sa sofa at sa sala namin

Akala ko kung sino bisita ni boss na mayayaman  dahil sa nag bibigatin at nag gagandahan kotse na naka parking sa labas ng gate sa labas na talagang nakaka kuhang pansin ng mga tao Ngayon

Pero hindi ko aakalain na bisita ko pala ang nag hihintay sakin

Napalunok ako sa sarili kong laway "Dal-dad mom...a-ate?" Bulong ko

Lumingon ako kay athena na ngayon pansin na Pansin  ang pagka Gulat sa kanyang magandang mukha

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay naming magka holding hands

Alam kong kinakabahan sya dahil sa biglaang pagsulpot ng aking pamilya

Napatingin ako sa kabilang sofa nakaupo ruon ang magulang ni Beatrice na bakas ang saya sa mukha ng Makita Ako

Nasan si Beatrice?

Iwinaksi ko agad ang pangalan na pumasok sa isipan ko

At bat ko Naman sya kailangang hanapin?? Alangan nandun sya sa karelasyon nya na baka nga Ngayon Masaya silang nag da-date.

Tumayo si mom

"Baby..." Naluluhang tumayo ito at lumapit  sakin at hindi na ako nagulat ng sugurin ako ng yakap nito

Napabitaw si Athena sa kamay ko lumingon ako dito

Nakita kong ngumiti ito sakin na nginitian ko rin pabalik

"Mom wag kana pong umiyak"tahan ko dito ng humagulhol ito ng iyak sa balikat ko habang naka yakap sa akin

"Pano hindi ako iiyak bigla kang umalis!! Hindi mo ba alam kung gano kami nag alala saiyo??"kumalas ito sa pag kakayakap sakin pero ang dalawang kamay nya ay naka hawak sa dalawang balikat ko

Lumingon ako kay dad ng tumayo ito at dinako nagulat rin ng yumakap ito sakin at nahihiyang napatingin sa mga kasama ko dahil sa biglaang iyak din ni dad!

Hays! Napaka iyakin talaga ni dad!!

Hindi halata sa mukha nyang laging cold kung tumingin sa iBang tao

"Ikaw bata ka pinag alala mo kami ng mommy mo! Kung saan saang ibang bansa ka pa namin pinaghahanap!!"

"A-aray daddy!" Maang ko nang pag papaluin ako nito sa pwet ko

Ano bayan ginawa naman akong bata!! Kahiya!!  at isa pa! sa harap pa talaga ng girlfriend ko!!

Nahihiyang tumingin ako sa magandang girlfriend ko nasi Athena na ngayon n nakangiting nakatingin sakin

Kainis ganda talaga ng girlfriend ko pag nakangiti pramis peksman!!

Napangiti ako kina mom ng haplusin nila pisngi ko at kitang kita ang sa mga mata nila ang pagmamahal at pangungulila sa akin

"Sorry mom dad sa biglang alis ko.. pasensya narin sa abala tita tito" usal ko kina mom at sa mommy at daddy ni Beatrice

Tumayo ang mga ito at malungkot na ngumiti

"Kami dapat ang humihingi ng pasensya sayo Malori.. dahil sa ginawa ng anak namin sayo"malungkot na sabi nito sakin

Ngumiti ako sa kanila

"Ano ba kayo tita tito wala naman ginawang masama si Beatrice"sagot ko

"at isa pa "usal ko at lumapit kay Athena.nagtatakang nakatingin ito sakin lalo na ng lumapit ako dito. Hinawakan ko ang kamay nito at dinala sa harap ng magulang ko "meet my girlfriend... Athena Heis" proud na pakilala ko sa girlfriend ko na ngayon nanlalaking matang nakatingin sakin dahil sa biglaang pakilala ko

Di Yata Ganda ang baby ko

Heheh!!

Bumakas bigla sa mukha nila ang gulat dahil sa sinabi ko

Narinig kong tumawa ang ate kong si Ate manari " Kala mo Broken hearted may paalis alis pang nalalaman nandito lang pala naghanap ng jowa...''ngising usal nito na ikinapula ng mukha ko

Kainis talaga itong kapatid ko ehh!! Trip nanaman yata akong asarin!!

"Nice one kapatid nga kita magaling kang pumili.. mana sakin "ngising papuri nito habang pinagmamasdan ang Girlfriend ko na ngayon namumula ang mukha sa hiya!!

Nag tago pa ito sa likod ko at binaon ang mukha sa likuran ko

"Hays! ATE!!"saway ko Dito

Nahiya tuloy ang baby ko..
___________

"Mommy oh tignan mo si ate ayaw akong tantanan!"sumbong ko habang masamang nakatingin sa kapatid ko na hanggang ngayon hindi mawala wala ang ngisi sa kanyang labi!!

Lakas talagang mang asar ng taong to!

"Manari wag mo na ngang asarin kapatid mo tignan mo pulang pula na ng mukha"si mom

"Hays Mommy!" Saway ko kay mommy Tila kasing pinag tulungan pa nila akong dalawa

Wala ba akong kakampe?

napasimangot nalang ako ng sabay pa silang tumawa

"Sorry babygirl miss lang ikaw ni ate"saad ni ate lumapit ito sa kinauupuan ko at hinalikan ako sa noo Nito

"Miss you baby girl "ngiting usal nito

"Miss ko din po kita ate mom , dad " usal ko at ngumiti sa kanila

Narito parin kami sa may sala naka upo

At dahil Birthday ni Zyra ay maraming naka handa ngayon

Nag datingan narin ang mga bisita nito

Kaya marami rami nang tao dito sa loob ng bahay

Pero hindi mo maaalis sa pag mumukha ng mga tao na bisita ni Zyra ang pagtataka dahil sa parents ko at sa parents ni Beatrice

Agaw pansin kasi ang suot ng parents ko
At suot ng parents ni Beatrice

na Naka business suit sina dad at tito
habang sina tita naman ay naka dress at si ate naman ay naka pantalon lang at polo

Kung titingnan akala mo magkakaibigan lang kami tignan dahil sa mukha ng magulang ko at magulang ni Beatrice na mukhang Bata parin kahit alam naman namin nasa edad 40s na sila

Iba talaga paglahi ng magaganda

Hahaha

"Pero baby girl"tawag pansin sakin ni dad na ikinalingon ko dito

"Kailan mo naman balak na umuwi sa atin?"

Natigilan ako sa tanong ni dad at biglang pumasok sa isipan ko ang Girlfriend kong si Athena nakasalukoyang tumutulong kay Zyra na umasikaso ng bisita nito

__________

Update









Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now