† DOS †

210 7 2
                                    

† ..... †

Saktong 6 am Ako nagising kinaumagahan. Agad akong nagtungo sa banyo para gawin Ang morning routine ko. Naligo ako pagkatapos ay nagbihis saka humarap sa salamin at nag ayos ng mukha. Nag apply lng ako ng light make- up dahil Yun Ang bagay sakin.

Dumiretso ako sa lamesa at saka nagtimpla ng kape at gumawa Ng sandwich para sa almusal. Medyo makalat pa sa kitchen Kaya di ako makagalaw ng maayos. Mamaya na lng siguro pagbalik ko galing trabaho ay saka na ako mag lilinis dito.

6:47 am ng matapos akong mag almusal. Hindi pa Naman ako late Kasi malapit lng dito Yung trabaho ko at saka 7:30 pa Ang pasok ko. Isa akong secretary ng isang sikat na fashion designer. Si madam Katalina Javier. Mabait Naman sya at parang kapatid na Ang turing nya sa mga impleyado nya. Sapat Naman Ang sweldo ko Doon para makakuha ako ng sariling condo unit at makatulong sa gastusing pinansiyal nila tiya Ising.

Pumunta ako sa Car Park at saka kinuha doon Ang kotse ko ng marahan. Naalala ko Yung creepy things na nangyari sakin dito kagabi, grabe Yung kaba at takot ko. Hindi kaya may namatay sa Car Park na ito at Yun ngayon Ang nagmumulto? Tapos nagkataon na ako Yung nandito Nung oras na yun Kaya ako Yung pinagtripan nya? Ohmyghad Shein Adelina, 20 years old ka na pero naniniwala ka parin sa multo??? Dzuhh you're not a child anymore.

Siguro Wala lng yun. Guni-guni ko lng siguro Yun at nagkataon na sobrang pagod pa ako dahil sa nakakapagod talaga Ang araw na yun. Nakarating na ako sa Javier's Fashion Lines building at exactly 7:21 am. Pagpasok ko pa lng ay Kita ko na Ang lahat ay abala sa kabilang trabaho. Wala ni Isa man Ang nagsasayang ng oras. Lahat ay gumagawa ayon sa naka assign sa kanila. Mabait talaga si Madam Katalina at ito na lng pagtatrabaho ng maayos ang maaari naming isukli sa kanya.

Pumunta na ako sa table ko Kung saan maraming papeles na kailangan Kong i-check bago dalhin at papirmahan ni Madam Katalina. Dalawang tambak na papeles Ang nandito sa harap ko ngayon. Kaya ko to! Agad ko ng sinimulan Ang trabaho ko para madala ko na ito sa opisina ni Madam Katalina bago pa sya dumating.

At exactly 10: 15 am ay natapos ko na Ang mga trabaho ko. 11: 00 am Naman dumating si Madam Katalina. Dumaan sya sa table ko at saka ako nginitian.

"Good morning Ms. Faina... I'm hoping na nasa opisina ko na Ang mga papers na dapat Kong pirmahan?" Tanong nya sa akin ng nakangiti.

"Opo Madam. Nandun na po lahat sa opisina nyo.." saad ko ng nakangiti din.

"Thank you Ms. Faina, good job! Now, you can go home and take a rest..." Saad Niya at saka naglakad papunta sa kanyang opisina.

Inayos ko na Ang mga gamit ko at saka ako pumunta sa isang restaurant para kumain Muna ng tanghalian bago umuwi para diretso linis na sa bahay Ang gagawin ko. Kumain ako sa isang Korean restaurant which is favorite ko kahit Nung Bata pa ako. Madalas akong dalhin nila mama at Papa sa isang Korean restaurant. Naalala ko Nung 7 years old ako, Top 1 ako sa klase nun at bilang regalo eh dinala ako nila mama at Papa sa Korean restaurant para mag celebrate.

I was 12 years old when we last eat in a Korean restaurant ng magkakasama. Nanalo ako sa singing contest nun sa paaralan namin at dun kami nag celebrate. Akala ko mas madaming time ko pa silang makakasama na kumain sa Korean restaurant at makapag celebrate Doon ng mga importanteng okasyon sa buhay ko, pero sadly, kinuha na sila ni God sakin.

When I finished eating, I immediately grab my car and drive on my way home. Kailangan ko pang maglinis Doon para Naman maging kaaya-aya Ang condo ko.
Nakarating ako kaagad at nag umpisa na akong mag ayos dito.

1: 30 pm ako nakauwi dahil napasarap ang Kain ko at saktong 6:00 pm ako natapos maglinis. Sobrang nakakapagod pero Ang ganda tingnan ng condo dahil maayos na Ang mga kagamitan. Kanina habang nagmamaneho ako pauwi, may nakita akong bagong bukas na grocery dyan malapit sa Condominium na ito.

Pumunta ako sa kwarto at saka ako nag-suot ng  hoodie dahil malamig sa labas. Naka pajama naman ako Kaya siguro pwede na 'to. Lumabas ako ng unit ko at nilock Ito bago ako bumaba ng building. Naglakad lng ako ng konti bago nakarating Doon sa grocery store.

Bumili lng ako ng ilang chichiriya tulad ng piattos, nova, at iba pa. Bumili rin ako ng in can drinks, saka dalawang garapon ng Pringles na pinakamalaki. Ito Yung favorite ko eh. After ko bumili ay nagbayad na ako sa counter saka lumabas at naglakad na pauwi.

Habang naglalakad ay kinakain ko Yung lollipop an milkita. Hindi ko Alam pero medyo madilim Yung dinaraanan ko. Ganito din Naman kanina pero medyo tumatayo Yung balahibo ko. Madalang Ang pagdaan ng sasakyan ngayon dito. Tanging yabag ko lamang Ang naririnig ko. Umakyat Ang kaba at takot sa dibdib ko ng maramdamang may nakasunod sakin. Alam Kong may kasunod ako dahil sa mga yabag. Habang mabagal Ang paglalakad ko ay mabagal din sya.

Tumigil ako at kaagad na lumingon sa likod pero Wala akong nakita. Lalo Akong natakot. Ngunit hindi ako nagpadala sa takot ko. Imbes na tumakbo ay lumakad ulit ako. Ayan nanaman at nararamdaman ko nanaman Ang pagsunod nya sa akin. Binagalan ko Ang lakad ko at ganun din Ang ginawa Nya. Narinig ko Ang isang kadena na para bang hinihila nya. Lalo akong kinabahan.

Agad akong lumingon ngunit Wala akong nakitang tao. Naging mabilis Ang mga lakad ko at ganun din sya. Nandun parin Yung tunog ng hinihilang kadena. Diyos ko, ilayo nyo po ako sa tiyak na kapahamakan. Ang mga lakad ko ay naging Takbo. Tumakbo ako ng mabilis, Hindi alintana Ang paghingal. Tanging gusto ko lng ay makarating na sa condo unit ko.

Sa sobrang bilis ng Takbo ko ay Hindi ko namalayan na may malaking bato sa daraanan ko Kaya natisod ako Doon at saka ako bumagsak sa sahig at dumilim Ang paningin ko. Ngunit bago ko man maipikit Ang aking mga Mata, nakita ko Ang bulto ng isang tao di kalayuan sa akin, nakasuot ng hoodie na itim at itim rin na fitted na pantalon. Wala syang hawak na kadena pero kitang kita ko Ang matalim na kutsilyong hawak nya bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.

______________________________________________________________________________________

Itutuloy...













Hi.... Di ko kayo matiis🤧 kahit andami kong gawain nisingit ko parin to🤧 sana magustuhan nyo Ito, Kasi pag hindi magdadabog ako HAHAHAHA charrr

KEEP VOTING, READING, AND COMMENTING YOUR FEEDBACK GUYS THANK YOUUUUU AND KEEP SAFE ALWAYS 🥰♥️




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Obssesed StalkerWhere stories live. Discover now