Chapter 357

282K 14.8K 30.5K
                                    

A/N:

Convincing

Jay-Jay's POV

Abala kami ni Aries sa pagku-kwentuhan. Nakaupo kami sa sahig ng kwarto niya habang kumakain ng mga chutchirya at mga candy. Meron ding kasamang softdrinks. Ito ang midnight snacks.

Ganito ang bonding.

Dito kami tumambay dahil makakagalitan kami ni Kuya kapag nakita niya kami sa kusina. Nasa kwarto ko naman si Mama at natutulog. Iniwanan ko siya habang mahimbing ang tulog niya. Sigurado akong sasali lang samin 'yon kapag nalaman na magkasama kami ng kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko siya isali, pero ayoko talaga. Mag-aaway lang kasi sila ni Aries.

"Kung may mga baril pala ang kalaban niya bakit sumugod pa kayo d'on?" tanong niya sa 'kin tinutukoy ang ginawa namin ni Kuyang pagsugod sa bahay ni Yuri.

"Syempre nag-aalala ako tapos nag-drive din naman si Kuya papunta d'on." sagot ko at bigla ko naalala ang baril niya. "Alam mo bang may sideline si Kuya?" tanong ko bago uminom ng sprite sa in can na hawak ko.

"Sideline?" pag-uulit niya.

Hindi, frontline.

"Meron siyang baril." sabi ko sa kaparehong tono kung paano magkwento ang mga tsismosa sa kanto.

"Meron nga." sagot niya na parang alam na alam niya. "Sinasama pa nga niya ko sa isang shooting range para turuan."

Napatingin ako sa kanya na para bang dinaya ako. Alam niya at sinasama pa siya para turuan.

"Bakit? Para saan ba 'yon?"

"Sabi niya hobby lang. Pati Teacher niyo nakikita ko d'on."

Bahagya akong natigilan. "Si Sir Alvin?"

Tumango siya bago kumuha ng gummy worm at kainin 'yon.

Parang wala sa itsura ni Sir na hahawak ng baril. Idagdag pang siya ang tipo ng tao na makikiusap na ayusin ang gulo kesa manutok ng baril. Baka double hanger ni Sir yon - ay wala nga pala siya n'on. Baka nag-try lang para maiba naman.

Paano pala kung d'on niya nilalabas stress niya sa 'min? Iniisip niya mga muka namin sa target. Kaya pala ang hinahon niya sa klase kasi d'on siya naglalabas ng galit sa 'min.

Patay na.

"Gusto ko ding subukan 'yon. Next time sama niyo ko."

Napangiwi siya. "Wag nga. Baka kami ang gawin mong target."

Nginusuan ko siya. Hindi naman ganon katindi ang galit ko sa kanila para tutukan ko sila ng baril. Bet ko silang sampalin ni Kuya pero hindi naman ako aabot sa ganon.

Grabe mag-isip.

Baka unahan pa ko ni Kuyang barilin bago pa ko makakasa ng bala.

Nagbukas pa ko ng pack ng gummy candies at binuhos sa clear bowl na nasa harap namin. Napatigil ako ng picturan ni Aries 'yon at nagtype sa cellphone niya. Taka ko siyang tinignan na napansin agad niya.

"Sinend ko kay Ella. Gising pa kasi siya." sabi niya at sinagot ko naman.

"Paki ko."

Mabilis siyang sumibangot at inirapan ako bago bumalik sa pagt-type. Ganyan 'yan, basta usapang jowa lagi akong sinusungitan. Akala mo naman ginto ang ganda ng babae niya.

Wag kayong maghiwalay sana.

"Humaling na humaling ka d'yan sa jowa mo 'no?" sarcastic na tanong ko inirapan na naman ako.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon