Chapter 22

2.6K 175 32
                                    

Malori POV

Ngayon ang araw ng pag alis nina mom and dad

Si ate kasi kahapon na umalis at sumabay narin sina tita at tito dahil may business pa daw na aayusin sila

Pati hindi ko alam na nag karoon pala ng laitan sa pagitan ng pamilya namin ng dahil sakin

At dahil sa akin madaming business ang na lugi sa pamilya ni Beatrice

Jusko nakakahiya humarap kina tito at tita

Hays grabe ba

Kaya bago umalis sina tita tito ay humingi ako ng paumanhin sa kanila dahil sa ginawa ng dad ko sa kanila

Adik talaga si dad kahit kailan! Super duper over protected samin ni ate!

At oo nga pala Dapat nga kahapon na ang alis nila pero ayaw ni mom na iwan ako agad at ganun  din si dad kaya ang kinalabasan ay nag dagdag pa sila ng isang araw dito

At atleast na si Athena ang katabi ko sa malamig na Gabi ay Wala akong nagawa ng pag gitnaan Ako ng parents ko na magdamag na nakayakap sa akin

Kaya ang ending si Athena ay nakitulog Muna Kay Ashley

Pero okay din Naman sakin yon na miss ko din si dad and mom eh

"Mag ingat ka dito baby ah? Basta tawagan mo kami kung babalik kana ng manila para mapadalhan ka namin ng masasakyan o kaya helicopter para mabilis kang masundo dito" usal ni mom habang hinahaplos ang mukha ko

"Opo mom and don't worry about me tatawag agad po ako kung uuwi nako ako manila "ngiting sagot ko dito

Hinalikan naman ako ni mom sa noo bago bumaling sa girlfriend ko na nasa tabi ko lang 

"Mag ingat kayo rito ah? Alagaan mo anak ko okay? "Malambing na sabi ni man kay athena

Ngumiti naman sya Kay mom

"yes po tita Ako na Po bahala Kay Malori " si athena na humawak pa ito sa kamay ko na ikinangiti ko Lalo

Shete kinikilig Ako heheh

"Mag iwan kaya tayo ng kahit limang bodyguard jan? para sure na alam natin na safe si Malori?" Rinig kong usal ni ate mula sa kabilang linya naka loud speaker kasi ang cellphone ni dad

"Bakit lima lang? Dalhin natin laha--"

"Dad!" Saway ko rito pinalakihan ko pa ito ng mata

Jusko naman! Overprotected naman yata ako nun kung ganun!

"Ate,dad diko na po kailangan ng bodyguard safe naman ako dito." Naiiling na sagot ko mula sa kanila

Jusko agaw atensyon lang kung mag iiwan sila ng bodygurad dito no? Gusto ko magpa ka lowkey dito

At Isa pa Pano namin ma enjoy ang quality time Namin ni Athena kung may pasunod sunod?

Ang corny nun!

Hinawakan ko ang kamay ni Athena at hinila ito papalapit sakin ngumiti muna ako dito bago bumaling kay mom and dad

"Wag kayo mag alala sakin mom,dad safe ako dito" nakangiting usal ko sa kanila  "pati.. hindi naman ako nag iisa dito"sabi ko at bumaling ng tingin kay athena na nakangiting naka tingin din sakin ang ganda ng Girlfriend ko kainis napaka swerte kong tao naman talaga!

"nandito si athena" ibinalik ko ang tingin kay mom and dad na ngayon na nakangiting naka tingin samin dalawa

"Oh sya.. mag ingat kayo dito okay? Aalis na kami "nakangiting paalam samin ni mom

Ngumiti ako sa kanila bago lumapit at  binigyan sila mom and dad ng tig isang halik sa pisngi nila

Hanggang sa Nakakaway lang ako sa kotseng paalis na sinakyan nila

Susunod din ako sa kanila.. pero bago yun.. Paano ko kaya ma kukunbinsihin si athena na sumama sakin?

Asa namang iwan ko sya Dito
_______________

Beatrice POV

"Mom! Dad! Naka uwi na kayo!" Nakangiting tumakbo ako sa kinaroroonan ng magulang ko na kakalabas lang ng kotse

Kakauwi ko lang din kasi at hinatid ako ni Railey na ngayon na naka sakay parin sa kotse nya

Alam ko kasi na ayaw ni dad dito kaya sinabihan ko muna wag muna sya lumabas sa kotse na ikina tango nya lang.

Mabilis na yumakap ako sa kanila

"Hello baby girl " naka ngiting bati ni dad. hinalikan ako nito sa noo

Bumaling ako kay mom na binigyan naman ako ng isang halik sa pisngi

"Welcome back mom,dad"nakangiting usal ko "kamusta? Nakita nyo ba si Malori dun? Or.. nandon ba sya?" Tanong ko ramdam ko ang pagka excite ang sarili ko at the same time Hindi ko din maiwasan na kabahan

Nag katinginan naman si mom and dad bago tipid na ngumiti sakin

"May good news at bad news kami ..well Hindi ko alam kung matatawag ming bad news ito para sa iyo? " usal ni dad

Hindi ako umimik at hinintay ang sasabihin ni dad and mom

Para san naman ang good news or bad news na yon?

"Ang good news ay naayos na natin ang relasyon natin sa mga satori at payag ulit ang mga magulang ni malori na mag invest sa kompanya natin at tutulungan tayo na ibangon ang iba nating nalugi na 
Kompanya"nakangiting usal ni dad

Na ikinahinga ko ng maluwag

Mabuti naman para hindi na ma stress si mom and dad kung pano maibabangon ang mga iba naming kompanya na nalugi

"So.. ano naman ang bad..news??" Baling na tanong ko

Nagkatinginan naman si mom and dad sa isa't isa bago lumingon sakin

"Hindi ko alam kung goodnews or badnews to sayo pero.."usal ni dad at bumuntong hininga

nakaramdam naman ako ng kaba.

"May iba nang mahal si malori...malaya kana mag mahal ng taong gusto mo" si dad bago lumingon sa kinaroroonan ni Rayleight na ka kalabas lang ng kotse.

what?


Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now