Chapter 114

1K 77 4
                                    


Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid-tanggapan sa Palasyo ng Cyan. Nagpasya silang lahat na dito muna magkikita-kita ngayon. Hindi mabura sa kanilang mukha ang labis na pag-aalala, lalo na mula sa pamilyang Cairon, Albelin, Levanadel at pamilyang Eryndor. Napapaisip na sila ng malalim na malaman nilang pati na din ang unang prinsipe, ang prinsipe na tagapagaman na si Prinsipe Otis ay kasalukuyang nawawala, tulad ng nag-iisang prinsesa ng Cyan na si Prinsesa Styriniana. Mabuti nalang ay kasama ni Prinsipe Otis sina Prinsipe Calevi ng Severassi at si Prinsipe Dilston ng Oloisean ng mga oras na 'yon.

Isinalaysay ng dalawang prinsipe na may nakaharap silang isang babae na nababalutan ng balabal. Ang problema nga lang, hindi nila maaninag ang mukha nito. Para bang maingat na maingat ang babae na 'yon na masilayan nila ang mukha nito kaya bigo nila matukoy kung sino 'yon. Dagdag pa ay nasabi nila na ang babaeng 'yon ang may kagagawan upang maibalik ang dalawang prinsipe mula sa kani-kanilang bansa. Sa kabutihang-palad, sa pamamamagitan ng mga kapangyarihan ng mga diyos at diyosa mula sa dalawang bansa na ipinagkaloob sa kanila ay nagkaroon sila ng isa sa mga kakayahan na makakausap nila ang mga kasamahan sa pamamagitan ng hangin at tubig. Pero bigo rin nila masagap ang kapangyarihan ng unang prinsipe ng Thilawiel. Kung may alam pa silang paraan, madali para sa kanila na mahanap ang mag-asawa.

Subalit, hanggang ngayon ay wala pa rin silang matanggap na balita mula sa mga diyos at diyosa mula sa apat na Imperyo. Hindi pa rin nakakabalik ang mga 'to.Wala rin silang alam kung may ideya ba ang mga 'to na nagkaroon ng laban sa Azmar. O sadyang abala ang mga 'to dahil sa magaganap na sinasabi na malaking digmaan na kinakailangan din paghandaan ito ng mabuti?

Naiinis nang hinihilot ni Vencel ang kaniyang magkabilang sentido. Hindi niya maitago na namomoblema na siya sa nangyayari ngayon. Una, ang nag-iisa niyang anak na babae ang nawawala. Ngayon naman ay ang kaniyang manugang. Wala rin silang ideya kung saan dinala ng babaeng tinutukoy ng dalawang prinsipe na tagapagmana ang prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel.

Mas naiinis siya dahil nang loobin nila ang Palasyo ng Azmar ay ni isang beses ay hindi niya nakaengkwentro ang ang tinutukoy na babae. Sa halip, ang tanging nadatnan lang nila ay ang dalawang babae. Ang magkapatid na reyna at ng prisnesa ng mismong bansang na 'yon na ngayon ay nasa kanilang kamay at magsasagawa sila ng paglilitis. Tatanungin na nila kung ano ang mga dapat nilang malaman. Kung anong layunin ng mga ito kung bakit pinili ng pamilyang 'yon na kalabanin ang mag-asawa.

"Unang prinsipe, Prinsipe Raegan." seryosong tawag niya sa panganay niyang anak. Pilit niyang maging kalmado kahit wala na dapat ikalma pa dahil sa mga sunud-sunod na nangyayari.

Tumingin ito sa kaniya. "Ano po 'yon, Kamahalan?" pormal itong humarap sa kaniya.

"Sisimula na natin ang paglilitis sa magkapatid." seryoso niyang pahayag. "Dalhin sia sa lugar ng paglilitis. Ipatawag na din ang mga opisyal at lupon."

Yumuko ito. "Masusunod po, mahal na emperador." saka tinalikuran na siya nito para gawin ang kaniyang ipinag-uutos.

Sunod niyang binalingan ay ang bunsong anak na lalaki. "Pangatlong prinsipe, Prinsipe Cederic. Ipatawag mo din ang lahat ng mga opisyal ng Cyan, kahit ang mga myembro ng aristokrata. Kailangan nilang malaman kung anong nangyayari ngayon. Kinakailangan din niya maging handa lalo na paparating na malaking unos." sunod niyang utos.

"Naiitindihan ko po, Kamahalan." tulad ni Raegan, yumuko din muna si Cederic saka iniwan ang silid kung nasaan sila ngayon.

Tumingin sa kaniya ang tatlong Emperador. Nilapitan siya ni Emperador Kron saka mahinang tinapik ang kaniyang balikat. "Naniniwala ako na nasa mabuting kamay ang mag-asawa."

"Subalit hindi pa ako dapat maging kampante. Kailangan natin sila mahanap sa lalong madaling panahon. Ngayong nawawala ang dalawa, hindi na natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Tulad ng sabi ni Audrick, kinakailangan ng mga diyos at diyosa ng mundong ilalim ang mag-asawa dahil sila ang susi upang mabuhay si Lorah." mas sumeryoso ang kaniyang tono nang ihayag niya ang mga bagay na 'yon.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon