Chapter 117

1.1K 98 20
                                    


Hindi inaasahan ang pag-ulan sa Jian Yu.

Mabuti nalang ay nakapasok na ako sa mansyon kung nasaan ang Emperador Shan bago man ako abutin ng ulan. Nagpasya akong bisitahin siya dahil na rin nakuha ko na ang ulat mula kay Binibining Re Xiu tungkol sa laang-gugulin. Narito din ako upang ipaabot ko sa mismong Emperador tungkol sa hiling sa akin ni Pan Yun na bibisitahin sila ng Emperador na ilang taon nang hindi nagagawa 'yon---simulang nahalal si Emperador Shan na siya na ang mamumuno ng bansang ito.

Nang nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Wei Niu, naikwento niya sa akin kung papaano nagkaroon ng mga konsorte ang Palasyo. Nagsimula daw ito sa tiyuhin ng ama ni Emperador Shan, ang dating Emperador Yu Fei. Kilala daw ito bilang malupit na emperador. Walang awa siyang pumaslang ng mga mamamayan kahit wala namang dahilan o kasalanan. Gahaman ito sa kapangyarihan at impluwesya, bulag sa katotohanan, at dahil sa mga masasamang ginawa niyang 'yon ay pinarusahan daw ito ng diyos at diyosa, ang dragon at adarna na hinding hindi ito mabibigyan ng tagapagmana. Dagdag pa na nalaman nito na may ibang lalaki pa ang kaniyang asawa na isang emperatris. Dahil sa pagmamataas ng dating emperador, hindi siya makakapayag na wala siyang anak na magmamana ng kaniyang trono kung kaya ipinag-utos niyang kunin ang mga dalaga mula labing-apat hanggang labing walong taong gulang sa iba't ibang lalawigan at pwersahang dadalhin sa Palasyo. Pipiliin kung sino ang karapat-dapat na maging mga asawa nito at magdadala ng magiging supling ng mga emperador. Subalit, lahat ang mga 'to ay walang resulta. Hindi siya mabigyan ng anak. Dahil d'yan ay walang awa na pinapaslang niya ang mga kababaihan hanggang sa nagpatiwakal ito ng sarili. Kahit buhay ang kaniyang legal na asawa, ipinag-utos niyang ilibing nang buhay ito at itabi sa kaniyang puntod. Ang kaniyang rason ay isa sila ng emperatris. Kung anong kasalanan niya, kasalanan din ng kaniyang asawa. Kung anong mali niya, mali din nito. Mag-uugnay ang tadhana ng isa sa kanila.

Ginagawa pa rin ang maghanap sa mga kababaihan bilang konsorte ng emperador hanggang sa namuno na ang isa pang dating emperador, ang ama nina Emperador Shan at Prinsipe Ting Fei. Marangal daw ito at nagustuhan ng mamamayan dahil sa sinseridad at ito pa ang unang beses na humingi ng tawad sa publiko bilang Pamilyang Imperyal. Dahil din sa kaniya, umangat nang kaunti ang Jian Yu sa ilalim ng pamumuno nito. Mula nang namatay ito at ang pumalit na ay ang kasalukuyang emperador, tumatanggi na si Emperador Shan na maghanap ng ibang asawa o babae para magdala ng magiging tagapagmana niya.

At higit sa lahat kung bakit nagpasya akong pumunta dito ay upang makalimutan ko muna kahit panandalian lamang si Ginoong Otis, ang prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel. Kahit na mabigat ang loob ko na hindi na niya ako mabisita buhat na hinatid niya ako pabalik dito sa Jian Yu dahil may mahalaga daw siyang aasikasuhin, 'yon ay para malaman niya kung ligtas ba ang kaniyang mga anak.

Pero bakit ramdam ko din ang labis na pag-aalala sa mga bata kahit hindi ko pa man dito nakikita o hindi ko naman kaanu-ano ang mga 'to?

Iyon ang nangyari sa loob ng isang linggo. Bagamat naghihintay pa rin ako sa pagbisita niya, hindi na naulit 'yon. Halos nagkukulong na ako sa loob ng sikretong silid,  walang Ginoong Otis na dumating.

Naiitindihan ko siya. Mas uunahin niya ang kaniyang pamilya. Sino ba naman ako para magdikta? Sino ba naman ako para hindi itindihin kung anuman ang nararamdaman niya? Karapatan niya 'yon at ayokong alisin ang pag-aalala niya para sa mga anak niya.

Rinig ko na inanunsyo ang punong bating ni Emperador Shan ang aking pagdating. Kusang nagbukas ang pinto. Tumambad sa akin si Emperador Shan na kakatayo lang niya. Kita ko ang ekspresyon sa kaniyang mukha na tila nawindang sa pagbiglaang pagbisita ko sa kaniya. Nababasa ko din ang kagalakan doon.

"Emperatris Rei, hindi ko inaasahan ang 'yong pagbisita." malumanay niyang sambit nang nasa harap ko na siya.

Nanatiling nasa sikmura ang aking mga palad. "Paumahin, ngunit naistorbo ba kita sa inyong ginagawa?" pormal kong tanong.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon