Chapter 118

1.1K 89 12
                                    


# CHAPTER118

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan, subalit mas lumalakas ang pagbuhos nito ngayon. Basang basa na ang suot kong damit. Hindi 'yon hadlang upang masaksihan ng dalawa kong mga mata kung papaano napatulala si Emperador Shan sa aking direksyon. Bakas din sa mukha niya na hindi niya inaasahan na nanumbalik na sa akin ang lahat. Ang aking alaala at ang aking mga mahika. Hindi ko rin maipagkaila sa aking mukha ang galit na nabuo sa aking sistema para sa kaniya. Nanatiling malamig ang tingin ko sa kaniya, may parte din na pagkadisgusto nang napagtanto ko na kasal na nga pala ako sa kaniya. Na siya na ang asawa ko!

"I-isa siyang dayuhan...? At isa din siyang... E-Eryndor...?!" hindi makapaniwalang tanong ng mga tagapagsilbi at iilang opisyal na kasama niya na nasa harapan ko ngayon. "Kamahalang Imperyal, anong ibig sabihin nito?!"

Mas umingay ang paligid pero nanatili kaming nagsusukatan ng Emperador ng tingin. Para bang balewala sa amin kung anong kaguluhan na nagaganap ngayon. Nanatili siyang hindi makapaniwala. Dahil d'yan ay kinuyom ko ang aking mga kamao, kasabay na umigting ang aking panga. Mabilis akong umalis mula sa aking kinakatayuan sa isang kisap-mata lamang. Bigla akong sumulpot mismo sa harapan niya at walang sabi na kinuwelyuhan ko siya saka inilapit ko ang aking sarili sa kaniya. Nagulat siya sa aking ginawa, lalo na ang mga tao sa paligid namin ay nanlalaki ang mga mata at napasinghap. Pinili ko nalang na huwag pansinin 'yon. Sa halip, mas gustuhin ko na ipakita sa kaniya kung anong naramdaman ko sa ginawa niya---na kung gaano ako nagalit!

"P-Prinsesa... Styriniana..." mahina niyang tawag sa akin.

"Nilinlang mo ako, Shan... Itinago mo sa akin ang tunay kong pagkatao." seryoso kong sambit. "Hindi ko sukat-akalain na isa kang opostunista... Kinuha mo ang pagkakataon na nawalan ako ng alaala at mahika habang naririto ako sa 'yong teritoryo."

"H-hayaan mo akong magpaliwanag---"

"Sa una palang ay kilala mo na ako, bakit hindi mo ako ibinalik sa Cyan o sa Thilawiel?" matigas kong pahayag, mas nanlilisik ang mga mata ko. "Tama nang pinagbigyan na kita sa gusto mo na ako ang magiging emperatris mo tulad ng sinasabi sa propesiya at hanggang doon nalang ang tanging maibibigay ko sa 'yo." mas humigpit ang pagahawak ko sa kaniyang damit. Rinig ko ang pagdaing niya. Muli ko narinig ang pagsinghap ng mga tao na nakapaligid sa amin. "Kahit hindi kita kilala, kahit isa kang estranghero para sa akin... Pinili kong manatili sa 'yo dahil sa binitawan kong pangako na magiging emperatris mo. Subalit hindi kasama doon na isusuko ko pati ang puso ko."

Nanatili siyang tahimik. Pilit niyang maging kalmado sa harap ko. Ngunit nababasa ko sa kaniyang mga mata ang labis na kalungkutan sa binitawan kong salita. Mas mainam nang sabihin ko sa kaniya ang katotohan na hinding hindi ko siya magawang mahalin dahil iisang tao lang ang gusto kong makasama panghabambuhay at si Otis 'yon. Siya lang ang taong gusto ko at wala nang iba pa.

I gritted my teeth. "Hindi ko rin sukat-akalain na magagawa mong maging bulag nang dahil lamang sa pag-ibig at ito ang naging resulta---isa kang sakim." matigas ko pang sambit. Wala akong pakialam kung makakasakit ako ng damdamin ng tao ngayon.

"At sino ka upang gawin at sabihin mo 'yan sa Kamahalang Imperyal! Isa kang tampalasan!" biglang sigaw ng isa sa mga opisyal na nakasaki ng kaganapan ngayon. "Bitawan mo ang mahal na emperador kung ayaw mong magbitaw kami ng malaking digmaan laban sa bansa na 'yong pinanggalingan!" may halong pagbabanta pa 'yon.

Binalingan ko ang lalaking nagsalita. Nang una ay malamig na tingin lang ang iginawad ko doon pero sa huli ay sumilay ang mala-demonyong ngisi sa aking mga labi. Taas-noo ko silang tiningnan. "Kahit ako lang ang mag-isang humarap sa daan o libong mandirigma ng Jian Yu, hinding hindi ko kayo aatrasan." ibinalik ko ang pagbabanta na 'yon. "Mamili kayo, ang lumikas kayo sa bansa na 'to habang winawasak ko 'to o... Isasama ko kayo habang binibura ko ang Jian Yu sa mapa?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon