Chapter 120

1.2K 97 11
                                    

Hindi lang si Otis ang sumalubong sa aking pagdating. Lumapit din sa akin sina Calevi at Dilston, pati na rin ang mga kapatid ko at ang mga kapatid na Cairon. Ramdam ko sa kanila ang pagkasabik na makita at makasama ako upang magdiriwang ang kalooban ko. Ramdam ko kung gaano ako kaimportante sa kanila. Kahit ako ay labis akong nasasabik na makabalik sa kanila.Sobra ko silang namiss, akala mo ay ilang taon ko na silang hindi nakikita.

"My rose, maitanong ko lang, sino sila?" nagtatakang tanong ni Otis nang napansin niya ang mga kasamahan ko na nasa aking likuran.

Ako na mismo ang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Nilapad ko ang aking palad sa direksyon kung nasaan ang mga kasama ko. "Ah, muntik ko nang makalimutan. Sila ang mga nag-alaga sa akin habang nasa Jian Yu ako."

"JIAN YU?!" malakas at sabay na bulalas ng mga Eryndor.

Ah, oo nga pala. May dahilan naman talaga kung bakit ganyan ang mga reaksyon nila. Napahanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo ang Cyan at ang Jian Yu dahil sa hindi magandang nakaraan. Papaano ko ba ipapaliwanag sa kanilang lahat kung ano ang mga nangyari sa akin habang naroon ako sa bansa na 'yon? Ang mas ikinabahala ko lang ay kung ano ang magiging reaksyon ni Vencel sa oras na malaman niya tungkol sa bagay na 'to. Ang mas malala pa ay kung ano ang magiging reaskyon ni Otis sa oras na malaman niyang ako ang emperatris na kaniyang nakaengkuwentro nang naligaw siya sa bansa na 'yon. Subalit, imbis na kabahan ako, wala akong nararamdaman na negatibo. Ang mas prayoridad ko lang sa ngayon ay kung papaano ko sila makukumbinsi na magkabati na ang dalawang bansa at matuloy na ang mungkahi ko kay Emperador Shan.

"Opo, kuya Raegan. Taga-Jian Yu sila. At sadyang isinama ko sila dito upang makausap nila si papa." nakangiti kong sabi. "Huwag po kayo mag-alala, hindi po nila intensyon na makipag-away o makipagtalo man. Wala naman po sigurong masama kung isama ko po sila sa Palasyo at magpapasalamat sa pag-aalaga nila sa akin, hindi po ba?"

Nakita ko kung papaano natigilan ang mga Eryndor. Sabay silang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga, para bang sumuko na sila o pilitin nilang huwag bumuo ng tensyon nang makita nila ang mga kasama ko na Jian. Ibinaling ni Raegan ang kaniyang atensyon sa mga kawal. Ipinag-utos niyang magdalawa ng karwahe para doon isakay ang mga bisita na agad din 'yon sinunod.

Hindi rin nagtagal ay dumating ang karwahe na ipinag-utos ng aking nakakatandang kapatid. Ako na mismo ang naghatid sa mga kasama ko na isakay sila doon. Habang ako naman ay sasakay sa kabayo kung saan nakasakay si Otis kanina.

Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kasiyahan sa mukha ng aking asawa. Akala mo ay nasa isang magandang panaginip siya't ayaw niyang magising. Lihim ako napangiti sa kaniyang ikinikilos.

Oh! My rose, you're still cute as ever.

Masuyo niyang hinawakan ang magkabilang bewang ko upang alalayan niya akong makasampang sa likod ng kabayo. Hinawakan ko ang tali saka bumaling sa kaniya. Pinapanood ko siya kung papaano din siya sumakay habang nasa likod ko siya. Hindi ko na mapigilan pang mapangiti nang maramdaman ko siya sa aking likuran. Kahit ako ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik na ako sa piling niya ngayon. Kung ganito lang din naman ang panaginip ko, pipiliin ko munang huwag magising. Gusto kong sulitin ang eksena na ito.

"Hindi na sila makapaghintay na makita ka nila muli, my rose." malambing niyang bulong sa akin.

"Ganoon din ako, Otis." sagot ko. Ngumiti akong lumingon sa kaniya. "Humawak ka lang sa bewang ko, mahal kong asawa."

Natigilan siya sa sinabi ko. "Huh? Bakit..." hindi na niya magawang ituloy ang sasabihin niya na biglang umangat ang itaas na bahagi na katawan ng kabayo. Mabilis siyang kumapit sa aking bewang at nawindang. "My rose!"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon