thirty one

110 15 1
                                    

makalipas ang isang buwan , nagpasya nang umuwi si riki dahil tapos na ang bakasyon na hindi naman niya na enjoy kasi nag training siya , at magre-resume na naman ang klase . kailangan parin niyang mag aral para sa kinabukasan niya at para na rin makitang muli si luna .

sa loob ng isang buwan , hindi mawala sa isip niya si luna . useless din yung pagmo-move niya dahil hindi din niya nagawa . nagmana siya siguro kay Olivia Rodrigo na hindi maka move on .

hindi na siya makapaghintay na makitang muli ang kababata at feeling niya ay kailangan nilang dalawa na mag usap .. he feels he need to explain himself to her .

" riki , anong iniisip mo ? " tanong ni ara na nasa tabi niya ngayon kaya binaling niya ang atensyon dito .

" ah wala .. tapos kana bang mag empake ? " tanong niya pabalik sa kanya . sasama kasi si ara sa kanya pauwi para magbakasyon kahit two weeks lang .

" yup ! tara na ? " he rolled his eyes after he heard her answer . kanina pa siya hinihintay ni riki na matapos ..

tumango lang si riki bago mauna sa kanyang lumabas sa bahay nila ara . nasa labas na rin naman yung driver at pinapaandar na ang makina .

" hoy , tulungan mo ko dito ! " sigaw ni ara , bitbit ang maleta at isang malaking bag .  dalawang linggo lang siya doon pero andami niyang dala .

he sighed but turned his heels towards her para tulungan siya . nakakahiya naman kasi sa tatay ni ara kapag hinayaan niya lang ang anak nito . nakadungaw din naman kasi siya sa bintana ng sasakyan .

" bat ba kasi ang dami ng dala mo eh dalawang linggo ka lang naman dun .. walang fashion show dun kaya hindi mo mafe-flex yang mga damit mo " reklamo ni riki nang makapasok na sila sa sasakyan . tumawa naman ng mahina ang tatay ni ara ..

" pake mo ba ha ?! pano kung biglang mag aya si kuya ethan gumala edi may maisusuot akong maganda .. ikaw talaga " sabi nito at kinurot si riki .

" walang oras yun para gumala kasama ka . kulang pa nga oras nun sa jowa niya "

" edi ikaw mag-aya na gumala "

" wala akong pera " tipid na sagot ni riki

" sige , kwento mo sa taong kakababa lang sa bundok " sabi niya na halatang hindi naniniwala .. tagapagmana ng isang malaking kompanya , tas magsasabing wala siyang pera ..  scam .

" naubos na yung para sayo .. isang buwan kitang pinalamon at ginastusan , tas ngayon nilibre pa kitang pamasahe . namimihasa kana ah "

tumikhim naman ang tatay ni ara pero patuloy parin sa pagda-drive ..

" wag kang mag alala boss .. may pocket money siyang dala . binibiro kalang niya .. " sabi nito bago tumawa ng mahina . nahihiya siyang ganyan makitungo ang anak niya sa boss niya " ikaw naman ara , hindi puro pagpapabigat gawin mo dun . tumulong ka sa gawaing bahay .. hindi puro hilata . hindi ka dun bisita " paalala nito kaya napayuko nalang si ara , halatang nahihiya dahil napagsabihan ng ama .

riki chuckled after hearing those .. alam niya yung ugali ni ara at sanay na siya dun . binibiro lang naman niya ito kasi laging lang itong nagpapalibre sa kanya . okay lang naman na ganun siya . parang payback na rin yun sa tatay niyang matagal nang nagtatrabaho sa pamilya nila . parang loyalty bonus na yun at anak niya nalang ang makikinabang .

" hayaan nyo na manong .. mabuti nang maisama ko siya doon para kahit papaano ay makakaligtas ka sa konsumisyon .. ang tigas pa naman ng ulo nito . " sabi ni riki kaya kumunot ang noo ni ara

" hoy ! di ako ganun ah . "

" oo , sabi mo eh " he sarcastically said before turning his attention at the window .. malapit na sila sa airport .

napangiti nalang si riki .. makikita na niyang muli ang pamilya niya at si luna . ang babaeng kahit na anong gawin niya ay hindi niya makalimutan .

-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon